------------------------------------------------------------------------------------

Alas-sais y medya na... 

Parang may gripo ng pawis ngayon sa kamay ko habang hinihintay ko siya.



Ngayong gabi na kasi...



Ngayong gabi na namin ipapaalam kay Mommy at kay Daddy ang balak naming magpakasal.



Kung bigla niyong naisip na wala man lang proposal, natatawa man akong isipin pero parang ganun na nga. 

Pero naibigay naman sakin ni Matt yung engagement ring na lagpas isang taon niya na palang nabili.



Wala naman kasing pag-aalinlangan na kung siya na ba.



Tamang panahon lang talaga ang hinintay niya, yung panahon na ganito na ako kahanda.



Ayan na... Narinig ko ang pagdating ng sasakyan niya.



Ito na talaga...




Mommy D: Oh Matt! Abay, napakarami naman niyan! Anung meron at napakadami mong dala.

Matt: Pindala lang po ni Mama.

Mommy: Teri, pakitulungan ngang dalhin sa kusina.



Nakita ko kung paano sumeryoso ang mukha ni Daddy ng makipagkamay si Matt sa kanya.

Mukhang nakakaramdam na yata.



Naging matiwasay naman kahit na medyo tensyonado ang pagkain namin.

Nang matapos na kaming kumain, ay inabot ni Matt ang kamay ko, para bang humuhugot din siya ng lakas ng loob mula doon.



Matt: Aah... Tito, Tita... I will not go around the bush---

Sarah: Tagalog lang beh! 

(Pagpigil ko dito na paduduguin pa yata ang ilong nga mga magulang ko).


Matt: Ay... sorry Love.


Natawa naman kaming lahat sa nangyari, at least medyo gumaan nag atmosphere.


Matt: Tito, Tita. Balak na po namin ni Sarah... balak na po.. si Sarah po at saka ako po. Uhm.. Tita, Tito

Sarah: Balak na po naming magpakasal My, Dy. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

New day (one-shot only)Where stories live. Discover now