Sarah's POV
Paano mo nga ba masasabing matapang ka na?
Walang namang basehan
Walang namang batayan
Pero para sa akin, sapat na...
Sapat na ang aminin ko sa sariling kong sa pagkakataong ito...
Na mali ako
At tama siya...
Na kung kami man ay magiging isa...
Ito ay magiging tipan lamang naming dalawa.
Kung handa na ba sila, handa na ba ang pamilya ko?
Kung handa na ba kayo? Handa na nga ba ang mga tagahanga ko?
Wala na sa mga ito ang mahalaga
'Pagkat ang mahalaga lamang ay AKO at SIYA.