Ba(ga)go

555 5 1
                                    

Bangon. Kain. School.
Aral. Tawa. Uwi.
Bangon. Kain. School.
Aral. Tawa. Uwi.
Araw araw, walang bago.
Araw araw ganito ako.
Walang bago, nakakasawa gago.

Walang bago, bukod sa mga subject namin na pahirap na nang pahirap.
Kahit yung walang konekta sa kurso  ko
Ayun dun pa bagsak, wooo sarap

Walang bago, bukod sa mga kaibigan kong di na nagpapansinan.
Ngayon pa ba kung kailan ko kayo kailangan?
Ngayong kailangan ko ng pader na masasandalan?

Walang bago, bukod sa pagiging tamad ko.
Tamad pa rin ako pero ang nagbago?
Tangina mas tamad pa ko kay Juan, gago.
Wala na kong gana kahit kanino.
Gusto ko na mawala sa mundo.

Walang bago, bukod sa paiba-iba naming study sa practical
Bwisit bakit ba kasi ang tanga ko don, literal?
Marunong naman ako mag ingles pero parang yung sarili ko gusto ko nang masampal.

Walang bago, bukod dun sa mga ugali ng mga kaklase ko.
Araw araw, iba iba ang asal ng mga hayop.
Hirap nila pasunudin, dinaig pa ng aso.
Pero wala naman akong magagawa kung di sila marunong umuntindi ng tagalog.

Walang bago sa buhay ko, bukod sa mundong ginagalawan ko
Oras-oras, minu-minuto, nag-iiba palagi ang takbo
Kitang kita kong laging may progreso
Maliban sakin na para na ditong preso.

Gusto kong sabayan yung pagbabago.
Pero pilit ako nitong iniiwan sa likod ng rehas at kandado.
Nakakapagod na magpumilit makihalubilo
Siguro dito na lang talaga ang tangi kong pwesto.
Hindi gumagalaw, hindi magbabago.

Spoken Word PoetriesWhere stories live. Discover now