Pusong nasa Ere

1.4K 15 0
                                    

Ang puso, dapat nasa dibdib lang.
Walang makakaagaw, walang makakanaw.
Ngunit nung dumating ka,
Lahat ng bagay ay nag iba.
Yung puso na dapat sa akin lang, bakit parang pati ikaw nakikigamit na?
Kapag lumalapit ka, yung tibok ng puso ko tila pang-dalawa.
Doble ang kabog, parang sasabog.
Hindi naman ako ganito dati.
Normal lang ito dati.
Normal ka lang sakin dati.

Lumaon pa ang panahon.
Puso ko'y sayo na lang natuon.
Nakalimutan ko na itong puso ko na to
Dapat sakin lang to.
Pero ang di ko maintindihan
Bakit ito nasasaktan dahil sayo?
Puso mo ba ito?
Hindi ko maiwasang maitanong
Ang nakakainsulto pa
Ni hindi mo alam na nasasaktan ako
Nasasaktan ako na lingid sa kaalaman mo

Hindi ko alam kung sinadya mo
O hindi mo lang pinapansin
Pero bes yung puso ko
Yung puso ko na dapat saakin lang
Itinaas mo ng sobrang taas
Damang dama ko ang hangin
Pagbaba sa kalupaan ay akin mang gustuhin
Pero parang nasasanay na ako sa naaabot ng aking tingin
Maganda dito sa itaas, kung saan mo ako iniwan

Maganda ang nahahapyaw ng aking mata
Kahit ako lang mag-isa
Mag isang nasasaktan, mag-isang lumilipad
Kasi alam kong pag pinilit kong bumaba
Puso ko lang din ang mababasag
Sa taas ba naman ng aking pinagkahulugan
Ayoko na lang bumaba
Ayoko na lang
Hahayaan ko na lang itong puso ko
Na nasanay na sa ereng kinalagyan ko
Hahayaan na lang
Hayaan na lang.


(disclaimer: photo not mine)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(disclaimer: photo not mine)

--


Originally written by glitchedk

Spoken Word PoetriesWhere stories live. Discover now