Hindi Na Ulit

714 9 0
                                    

Mali ba na minahal kita?
Mali ba na ginawa kitang mundo ko kahit isa lamang ako sa mga isla mo?
Mali ba na pinahawak ko sayo yung kasiyahan ko kahit alam kong wala namang permanente sa mundo?

Na aalis ka rin.
Na magababago ka rin.
Na mawawala din yung mga ngiti sa labi mo.
Akala ko nandun na tayo.
Akala ko malapit na.
Pero lahat ng akala ko, inakala ko lang pala.

Inakala ko na kaya mo ko isalba sa kadilimang kinasanayan ko.
Inakala ko na yung matatamis mong mga pangako ang muling bubuhay sa patay kong puso.
Mali pala ako.
Mali ako na binigay ko sayo ang lahat nang hindi ko sigurado kung hinihingi mo nga ba ang mga yon.
Mali ako na isipin na mamahalin mo ko katulad ng pagmamahal ko sayo.

Kasi lagi namang ganun.
Ako ang laging mas nagmamahal.
Ako ang laging mas umiiyak
Mas nasasaktan, at laging naiiwan.
Sawa na ko.
Sawa na kong binabasura lang ng taong pinahahalagahan ko.
Ganun ba ko kahirap mahalin?
Na kahit sino ay hindi tatagal na ito'y ipadama sakin?

Ayoko na.
Gusto ko na matapos na lang.
Gusto ko nang ngumiti nang hindi ikaw ang dahilan.
Gusto ko nang umiyak na hindi ikaw ang pinanghihinayangan.
Gusto ko nang ituloy ang buhay na binawasan mo nung nawala ka.

Gusto ko nang bumalik sa dating ako.
Gusto ko nang maging masaya tulad ng dating ako.
Hindi na ulit ako maniniwala.
Kasi laging lang naman lumuluha.
Hindi na ulit maniniwala.
Hindi na ulit.

Spoken Word PoetriesМесто, где живут истории. Откройте их для себя