Part 43

17.2K 383 2
                                    

They danced passionately, teasingly, and romantically. Complimenting each others movement. Tila sila nagpapaligsahan kung sino ang mas magaling mang-akit.

Lorraine had grace. At alam nito ang ginagawa nito. And yes, Dylan was turned on by her glances that denoted seduction, her touches that were oven-hot, and her soft body that she deliberately brushed against his skin.

Hindi nagpatalo si Dylan. Ipinaramdam niya sa dalaga ang init ng bawat titig at haplos niya rito. At sa tuwing maglalapit ang mga mukha nila ay tinutukso niya ito sa pamamagitan ng pagkikiskis ng mga dulo ng ilong nila at siguraduhing nalalanghap nito ang kanyang hininga. Ramdam niya ang pagsuko ng dalaga. Ipinipikit nito ang mga mata nito at dumidiin ang mga daliri sa balat niya na dahil sa antisipasyon sa kanyang halik. Pero ibinibitin niya ito. And she will almost gasp and cry out. Pero makaka-recover agad ito at gagantihan siya. Hanggang sa mabaligtan ang sitwasyon at siya naman ang bibitinin nito. It was like an endless teasing.

Hanggang sa matapos ang tugtog na eksaktong magkadikit ang dulo ng ilong nila. Ang katawan nito ay nakalapat sa katawan niya. Magkahawak ang kanan niyang palad at kaliwa nito. Habang ang kaliwa niyang palad ay nakahawak sa kanang hita nito na bahagyang nakataas sa kanyang tagiliran.

Nagkatitigan sila ng binata.

"Dylan—"

"Honey—"

Halos sabay nilang ungol. And as if on cue, sumabog ang pang-aakit na ginawa nila sa isat isa. Nagresulta iyon ng hindi mapapantayang pananabik kung kaya't halos sabay rin nilang inauhap ang labi ng bawat isa.

Hinagkan niya ito ng maalab, mainit, at mapusok na sinagot naman nito ng kaparehong intensidad. Hinawakan niya ang baywang nito at iniangat ito. Ipinulupot naman agad nito ang mga hita sa katawan niya habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi sa isang mainit na halik.

Dadalhin na niya ito sa silid nang marinig niya ang pag-iingay ng tiyan nito. Pareho silang natigilan. At napagtanto niya na tiyan pala niya ang nagrereklamo sa gutom. Pareho silang natawa ng dalaga.

Tinangka niyang hagkan muli ang dalaga pero umilag ito. "Kumain ka muna para tumagal ka," nanunuksong wika nito.

"Good idea. Let's eat. Pagkatapos ihanda mo ang sarili mo..."

"Ihanda saan?"

"For the upcoming love battle...in bed."

Umawang ang bibig ng dalaga bago unti unting namula ang buong mukha nito.

"Dylan!"

Tumaas ang sulok ng labi niya. Pinipigilan ang ngiti. "Basta binigyan kita ng warning, ha?" aniya. Lalong namula ang buong mukha nito kaya naman natawa na siya ng malakas.

Ilang saglit pa at masagana na silang kumakain.

"Magaling kang sumayaw. I'm wondering, ilan na kaya kaming isinayaw mo ng ganoon," anito, ang tinig ay may halong pagseselos.

"Thank you. Hindi mo naitatanong pero dance instructor sa The Julliard School—na alam natin na siyang pinakasikat na eskuwelahan sa buong mundo sa larangan ng performing arts—si mommy. And you'll be surprised, lahat kaming magpipinsan ay tinuruan niya."

Nanlaki ang mga mata nito. "Ibig mong sabihin, pati sina Brandon at ang iba pang Valencia, marunong sumayaw?"

"Yes. Ang tungkol naman sa kung ilang babae na ang naisayaw ko, well, naisayaw ko na ang mommy ko, mga aunties, pinsang babae, kaibigang babae.." kinindatan niya ito, "And some girlfriends, too."

"Girlfriends..." nakatikwas ang labi na pag-ulit nito.

"Bakit? Dapat bang magsinungaling ako at sabihin na ikaw pa lamang ang isinayaw ko ng ganoon?" Nagpipigil ang ngiting tanong niya.

"N-no."

Inabot niya ang palad nito at marahang pinisil iyon. "I danced with them technically. You know, iyong sumasayaw lang ako, ginagawa ang mga steps at sinisiguradong hindi ako sasablay sa tugtog. Pero iyong kanina, iyon ang unang pagkakataon na sumayaw ako na may kasamang puso..."

"Dylan..."

"And it was way different. Hindi ko maikumpara sa kahit na anong bagay ang nararamadaman ko para sa'yo. Siguro dahil pintig ng puso ko ang sinusunod kong ritmo. It was—"

"Magical." Salo ng dalaga. Nakangiti ito at nangingislap ang mga mata sa mga naiipong luha roon. Tumayo siya at gumawi sa kinauupuan nito. Tinuyo niya ang mga luhang namuo bago niyakap ito ng mahigpit.

"Magical. Yes. I felt magical because I was dancing with you, my love. " Bulong niya.

Ilang sandaling magkayakap lamang sila ng dalaga. And it was magical, too.

"Oh by the way, nabanggit ko na sa'yo na may business conference akong pupuntahan bukas sa New York, 'di ba? Gusto mo bang sumama sa akin? Kumpleto naman ang travel documents mo, right?" pagyayaya niya sa dalaga bagamat nananalangin siya na huwag sanang sumama ito.

"Gustuhin ko man, hindi rin maaari. May malaking delivery ng mga tela mula sa bansang India ang nakatakdang dumating. Kailangan ko iyong personal na asikasuhin."

Kunwa ay nalungkot siya. "Okay, maybe next time."

"Pasalubungan mo nalang ako," malambing na ungot nito.

Tumango siya. "Siyempre." 

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Where stories live. Discover now