Part 29

17.2K 389 5
                                    

MAGANDA ANG panahon at kayganda ng langit. Patapos na ang paglubog ng araw pero hindi pa rin nawawala ang kulay kahel na langit. Lorraine sighed. Ilang oras palang ang itinatagal niya sa hacienda pero tila malalim na agad ang espasyo nito sa puso niya.

Pagkatapos niyang makapagpahinga kanina ay muli siyang kinatok ng binata para kumain. Tahimik silang kumain, parehong naiilang sa isat isa. Hanggang sa hindi na makatiis ang binata. He broke the ice by telling her some funny anecdotes of his life. Nawala naman ang tensiyon. Pagkatapos ng tanghalian ay inilibot na nga siya ng binata sa kabuuan ng hacienda katulad ng sinabi nito kaninang umaga. Na-enjoy niya ang pamamasyal lalo na at hindi naman ganoon katindi ang sikat ng araw. Pagkatapos niyon ay dinala na siya nito sa burol na ipinagmamalaki nito. True enough, it was an enchanting place. Napakaganda at napakatahimik ng paligid na tanging ang mga huni ng ibon at paggalaw ng mga dahon ng mga puno na dulot ng ihip ng hangin ang maririnig. There were flowers, too. Tila isang paraiso ang burol na iyon.

And now they were just there, savoring the moment. Pareho sila noong nakahiga sa pinong damuhan habang nakatingala sa kalangitan.

"Okay. Your final test, Lorraine... kiss me." Ang tinig ng binata na pumutol sa pagmumuni muni niya.

Napabangon siya bigla. "What?!" nanlalaki ang mga matang tanong niya rito.

"Kiss me. And I mean, give me a real kiss." Muling wika nito na hindi nag-abalang bumangon. Nakahiga pa rin ito at nakatitig sa kalangitan.

Hindi makapaniwalang binato niya ito ng masamang tingin. "Kailangan pa ba iyon?"

"Why, of course!" nakataas ang kilay na wika nito, ang mga mata ay nagpapahiwatig na naman ng panunukso. "Hindi ba at napag-usapan na natin iyon?"

"Ayoko!" Liar! akusa ng isip niya.

Nagkibit balikat lamang ang binata. "Fine. Then wala kang boyfriend na ipakikilala sa parents mo. How about that?"

"Huh! Ngayon naman ay iyan ang sasabihin mo. You can't back out, Dylan!" Nagpapanik na wika niya dahil ilang araw nalang ang natitira at siguradong darating na ang mga magulang niya, imposible na makahanap pa siya ng lalaking pagpapanggapin niya. Isa pa ay taglay ni Dylan ang lahat ng katangiang maaaring maging pamantayan ng mga magulang niya para sa kanyang magiging nobyo. Ngayon pa ba ito tatalikod gayung sanay na siya sa presensiya nito? Sa hawak nito?

Pero hindi pa sa halik niya, Lorraine, tukso ng kanyang isipan.

Sa pagkakataong iyon ay naupo na rin ang binata. "Bakit hindi? Wala naman tayong kontrata o kasunduan na nilagdaan. Remember, you're not paying me."

"Hindi mo puwedeng gawin sa akin ito, Dylan! Hindi ka puwedeng magback-out!"

"Why not?" nakakalokong balik tanong naman nito. It was so obvious that he was playing with her. Pero kahit ganoon ay natatakot naman siyang hindi sundin ito dahil baka nga totohanin nito ang pagtalikod. "So?"

Alam niya na hawak ng binata ang sitwasyong iyon. Natatakot naman siya na hindi ito sundin dahil baka nga magback out ito. Nag-iwas siya ng mga mata. Pakiramdam niya ay nasusunog na ang mga pisngi niya sa pag-iinit niyon. "I... ikaw nalang ang h-humalik sa akin."

"Hindi. Ang gusto ko ay ikaw ang hahalik sa akin. Make the move." Dumaan na naman ang kislap ng panunukso sa mga mata nito.

Bumuka ang labi niya sa pagkairita pagkatapos ay umiling iling siya. She calmed herself. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Okay! Dylan, have it your way." Humanda ka Dylan Valencia dahil pagsisisihan mo ang paghamon mo sa akin! You want a kiss? Then I'll give you one. Nanggagalaiting wika niya sa kanyang isipan bago humarap rito. Akala ba nito ay ito lamang ang marunong mang-akit? she had no experience, but she had read a lot of romance books. She can put her knowledge to good use.

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Where stories live. Discover now