Part 38

16.7K 370 10
                                    


PABILING BILING ang dalaga sa kanyang kama. Hindi mawala wala sa kanyang isipan ang babaeng iyon pati na ang nasaksihan niyang halik na namagitan rito at kay Dylan. She was hurting katunayan roon ang mga luhang namamalibis sa kanyang mga mata.

Ask him, Lorraine. Confront him! Mabuti man lang sana kung ganoon lang kadaling gawi iyon.

Naupo siya sa kama. Kinuha mula sa drawer ang tangkay ng tulip. Lanta at tuyot na iyon.

"Ganito rin ba ang kahihinatnan ng relasyon natin?" She bit her lips. Bukas pa lamang ang unang buwan ng kanilang relasyon pero tila hanggang doon na lamang iyon.

"Anong—" Natigilan si Lorraine ng may maliit na bagay na pumasok sa kuwarto niya mula sa veranda. Tumayo siya mula sa kama at hinanap ang bagay na iyon. Nakita naman niya ang isang nilamukos na papel na kasing laki ng kanyang kamao. Nagtatakang pinulot niya iyon at dahan dahang binuksan.

Walang dahilan para umiyak ka 'cause I love you...

Napasinghap si Lorraine sa nabasa. Kanino galing ang sulat na iyon? Napatingin siya sa veranda pagkatapos ay dali dali siyang nagtungo roon. Humawak siya sa balustre bago tumingin sa ibaba.

"Dylan?!" gulat na bulalas niya. Naroon ang binata sa bakuran nila, may hawak na bungkos ng mga bulaklak habang nakatingala sa kanya. Papaanong hindi niya narinig ang muling pagdating ng kotse nito?

"Hi, honey!" Kumaway ito.

Tinipon niya ang mga buhok niyang nagsasayaw dahil sa hangin. "A-anong ginagawa mo? Bakit ka pa bumalik?" Nagtatakang tanong niya.

"Dahil ayokong umiiyak ka. Come on, honey, alam ko na may dapat tayong pag-usapan. Iyong babae kanina sa bar, nakita mo siya hindi ba? Siya ang dahilan kung bakit naging matamlay ka—"

"Wait, hold on," awang ang mga labi na putol niya rito. Bumalik ba ito para magpaliwanag? At papaano nito nalaman na nakita nga niya ang naganap kanina sa bar? "Sino nga ba siya, Dylan?" A-at bakit kayo naghalikan? Nakagat niya ang labi ng muling gumitaw sa isipan niya ang tagpong iyon. Binitiwan na niya ang buhok at hinayaang isayaw sayaw iyon ng malakas na hangin pati na ang kanyang pantulog.

"Honey, kaya kong ipaliwanag ang lahat. Pero bago ang lahat, gusto ko itong setup natin ha," nangingiting wika nito. Malinaw na malinaw niyang nakita ang paglabas ng mapuputi at pantay pantay na ngipin nito. Tulad ng dati, apektado na naman ang puso niya sa ngiting iyon.

"A-anong setup?" naguguluhan niyang tanong.

"This. Us. Ako narito sa 'baba at ikaw tinitingala ko riyan sa veranda. Tingnan mo ang buwan," itinuro nito ang langit. Nakita niya ang full moon. "Maliwanag, hindi ba? Isn't it romantic? Parang eksena lang sa pelikula ah. Para tayong sina Romeo at Juliet."

Napangiti na rin siya. "Ikaw diyan ang may nalalamang pabato bato pa ng sulat!" ingos niya rito. Sa kaibuturan ng puso niya ay nakakadama siya ng kilig.

"Well...Huwag mong kalilimutan na romantic nga boyfriend mo. So, gusto mo ba talaga na ipagsigawan ko mula rito ang mga paliwanag ko? Hindi ba tayo makakabulahaw sa iba? Ang parents mo, siguradong tulog na sila."

Natigilan siya. Maaari nga silang tumawag ng atensiyon tulad nalang ng guwardiya na nasa guard house, malamang ay nakikinig rin ito sa pag-uusap nila ni Dylan. And who else? Baka nga maging ang mga magulang niya ay lihim na nakikinig na rin.

"S-sandali, hintayin mo ako diyan." Aniya bago dali daling bumalik ng silid. Mabilisan niyang pinalitan ang suot na pantulog pagkatapos ay dali dali na siyang pumanaog ng bahay.

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ