💕 NOBODY'S BETTER 8 💕

Start from the beginning
                                        

Bago kaming tuluyang pumuntang infirmary, sinabi ko munang dadaan muna akong CR. Tumango naman sila. Pinabitbit ko muna kay Momo iyong bag ko bago ako pumasok ng CR.

Pumunta ako sa vacant na cubicle at doon ako umihi. Pagkatapos kong umihi, lalabas na sana ko nang narinig ko ang pinag uusapan ng mga ibang babaeng estudyante.

"Alam mo ba, may babaeng planong ligawan ni Kelso ngayon." Rinig kong sabi noong isang babae sa kasama niya. Biglang lumaki iyong tenga ko. Si Kelso? May liligawan? Sino? Tanong ko sa isipan ko.

"Aww, sino? Ang akala ko may girlfriend siya?" Tanong ng kasama niyang isa. Narinig ko ang pagsara ng faucet dahilan para hindi ko na marinig ang agos ng tubig. Pero ano daw? May GF si Kelso tapos may nililigawan siyang bago? Don't tell me, tinu-two timing niya iyong gf niya. Ang sabi ng isipan ko pero bakit ganoon, ang sakit ng puso ko habang iniisip 'to?

"Eh ang alam ko, wala talagang girlfriend si Kelso. Parang fling fling lang ganoon." Wika niya. Eh?

"Eh ok sabi mo eh! Pero sino iyong tinutukoy mo na liligawan ni Kelso ngayon?" Tanong niya. Gusto ko ring malaman. Please sabihin mo kasi hahauntingin ko kung sino man :yon.  (Yuck! Ang pangit ng term ko na 'hahauntingin' Lol!)

"Ah si ano..." Bulong niya pero hindi ko man lang narinig kong sino. Wahhh!

"Ay! Oo! Tama! Ang alam ko din matagal na niya siyang gusto pero torpe lang talaga siya." Sagot niya sa kasama. Napakunot noo ako. Sino ba talaga iyon? Nacucurious na talaga ako!

"Ay ganoon, pero alam mo sabi nila, sobra daw magmahal si Kelso kahit na medyo Playboy siya." Wika naman nito. Tahimik lang akong nakikinig dito dahil kanina pa ko nacucurious kong sino ba iyong tinutukoy nila na gusto ni Kelso. Leche kasi! Sino ba kasi 'yon? Naiinis na ko dito ah!

"Talaga?" Hindi maka paniwalang tanong nito sa kasama.

"Oo, kaya maswerte siya. Maswerteng maswerte." Wika nito at naramdaman ko na lang na lumabas na silang CR.

Doon ko lang naisipan na lumabas ng cubicle at pumunta sa harap ng salamin.

Tinignan ko ang itsura ko at nakita kong medyo namumuo na ang luha sa mga mata ko.

Ganoon na ba niya kagusto iyong babaeng 'yon? Iyong tipong gagawin niya ang lahat para magbago lang siya. Iyong seseryosohin niya iyong babaeng iyon at itratrato niyang totoo nitong girlfriend at hindi lang bilang isang fling. Alam ko naman na Playboy iyong lalaking 'yon. Maraming babae at baklang nagkakagusto sa kanya pero sa iisang babae lang siyang nahumaling?

Lucky.

Ang swerte niya naman talaga. Dahil isang Kelso ang nagkagusto sa kanya.

Can I give up? Can I let him go?

Hindi ko alam.

Tinignan ko ulit ang itsura ko sa salamin at nakitang unti unti na palang tumulo iyong luha ko. Marahan ko 'tong pinunasan tapos ay naghilamos ako. Lumabas na rin ako ng CR at nakitang nag uusap iyong dalawa.

"Bakit ang tagal mo?" Wika ni Momo.

"Sorry." Iyon lang ang sinabi ko at kinuha iyong bag ko.

"Pasok na kayong classroom, baka may instructor na tayo mahuli pa kayo't mapagalitan." Mahinang bulong ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"You sure?" Tanong ni ate Resse. I just nod at nagsimula na silang tumalikod para bumalik ng classroom. Nang makita kong malayo na sila sa akin, sinimulan ko nang maglakad.

Hindi sa infirmary kundi palabas ng Annex building namin.

Uuwi na ko.

Aalis na ko dito.

Baka kasi hindi ko makayanan ang sakit.

Sakit na dulot niya.

Iyong assumption na ginawa ko naging fact na.

Isang katotohanan...

Na hindi ako ang babaeng mahal niya.

❌❌❌

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now