Chapter 14

1.5K 28 0
                                    

Ace POV

Untill now lutang pa rin ako. Bakit pa kase nag pakita yung taong yun e. I know tatay ko sya at dapat ko syang mahalin pero paano naman kame? Iniwan nya kame ng walang paalam tapos malalaman ko na pinagpalit nya lang kame sa pera? Wow lang ha.

Pero hindi ko na din alam kung saan at anong trabaho pa ang kukunin ko para sa magagastos sa pag laban sa korte para sa kustodiya namen ni Echo.

"Ace"

Eh kung mag bar kaya ako? 

"Ace"

E kung mag construction ako? Marangal yun kaso patayan hindi kakayanin ng katawan ko yun

"Aceeee"

Eh kung snatcher? Ay gaga ka Ace ano bang iniisip mo "ACCEEEE" At may naramdaman akong kamay sa balikat ko

"U-uyy Kent, K-kanina kapa jan?" naguguluhang tanong ko.

"Tsk, kanina pa ako sigaw ng sigaw nagmukha na akong tanga o" irita nyang sagot

"Ahh, k" nasagot ko nalang para mag isip ulit

"Tsk!" Sabe nya at lumakad ng mabilis

"Uyy Kent" habol ko pero masyado syang mabilis mag lakad kaya takbo lakad ang ginawa ko

"KEEENT" Sigaw ko din, tignan mo to bingi bingihan

Nakapasok na kame sa room pero ganun padin sya, hindi nya ako pinapansin at kinakausap, ano bang problema nya?

Dumating na yung break pero hanggang ngayon hindi nya pa rin ako kinakausap.

"U-uy Kent sabay na tayo" alok ko sakanya pero tinignan nya lang ako

"Ahh,k" sagot nya na ikinapikon ko

"Tara na ha?" Pilit akong ngumiti at hinatak na sya papuntang canteen

Nang makarating kame sa cafeteria nandon na sila Denver, Yuna at Athena at may kasama silang isang lalaki

"Oh anjan na pala kayo" bati samen ni Denver

"Ohh Hi Bro, Hi Ms. Gorgeous" bati nung lalaki na ikinapula ko

"Bro, welcome back" sabe ni Kent nagulat naman ako dahil iba yung pakikitungo nya dito kumpara sa akin na ang cold cold at akala mo hindi ako kilala.

Tinignan ako nung lalake at tumingin sya ulit kay Kent, hinihintay nya ata na ipakilala ako ni Kent sakanya pero hindi na nya ko pinansin at umupo nalang sya sa bakanteng upuan.

"So.... Ako si Bryle Lee and you are?" Naiilang na pagpapakilala ni Bryle dahil sa inasta ni Kent

"Ah Ace Knightly, nice to meet you" ngiti kong sagot.

Umupo na ako at nag usap usap na lang sila at ako tahimik lang na kumakain nag iisip kung saan at paano ako makakakuha ng pera sa malinis na paraan.

"HAHAHAHAHAH" Tawa nila na pinapangunahan ni Kent. Kainis tong lalaking to, ang ayos nung pakikitungo nya kila Denver pero saken, hmp!

"Kent patikim ng milkshake mo a" sabe ko pero di nya ko nilingon at inabot nya na lang.

NAKAKAINIS KA ALAM MO YUUUUUUUUUUN?

"Ah wag na pala" pigil kong inis na sabe

Hindi ko nalang sya pinansin at nag isip na lang ulit. 

"U-una na ako guys" sabe ko at tumayo na ng hindi hinihintay yung isasagot nila

Dumiretso ako sa Comfort room at pumasok sa isang cubicle at iniyak yung kanina pang dinadamdam ng dibdib ko

Nakakainis, paano na ako makakahanap ng pera? Kainis naman kase tong tatay ko e, dadating ulit sa buhay namen para umepal nakakainis, isa pa itong si Kent hindi ako pinapansin nakadagdag pa sya sa sama ng loob ko. Kung ituring nya pa ako akala mo iba ako sa kanya. Nakaka frustrate.

Ilang minuto pa ang lumipas at nagpasya na akong bumalik sa room.

Nadatnan ko sila don na nakaupo na kasama si Bryle at nag uusap, classmate rin pala namen sya.

"Oh akala ko nauna kana?" Takang tanong ni Yuna

"May pinuntahan lang ako" sagot ko nalang

"Umiyak ka ba?" nag aalalang tanong ni Athena

"A-ah hinde, nilamig lang" anong excuse yun Ace?

"Nilamig? E ang init kaya" naweweirduhan siguro si Denver sa sagot ko

"Hi Ace Im your new classmate" bibong bati ulit saken ni Bryle

"Ahh Hello ulit" sagot ko 

Tinignan ko si Kent pero umiwas sya ng tingin sa akin

"Kain tayo sa labas mamaya guys" alok ni Denver

"Tara" sagot nilang lahat maliban saken

"Ikaw Ace? Tara na" excited na alok ni Athena

"A-ah sig-------"

"Hindi na pala ako sasama" putol saken ni Kent

Ano bang problema nya?

"A-ah hindi na Kent, s-sumama kana hindi na lang ako s-samama" at iniwas ko na yung tingin ko sakanila

Naiiyak ako, sa problema sa buhay tapos yung frustration ko pa rito kay Kent. Dumadagdag sya sa iniisip ko.

Nang nag bell na nag simula na silang mag ayos pero ako dali daling lumabas

Narinig ko pang sinigaw nila yung pangalan ko pero sinagot ko nalang ng "Una na ako guys" at nag madali na akong lumabas

Nag lalakad ako ngayon sa kalsada sa gilid ng EU. Nakakainis naman e, yung bigat ng problema ko nadoble dahil sa pagiging cold saken ni Kent, feeling ko tuloy may taong nawala saken. Yun pa naman yung ayoko. Pero bago maluha may bumusina sa gilid ko kaya napigil ko ng saglit yung nag babadyang luha

"Ace hindi ka talaga sasama?" Malungkot na tanong ni Yuna

"Oo nga Ace tara na" yaya din ni Athena, tinignan ko si Kent pero halatang buryo na sya at gusto na nyang umalis

"H-hindi na ingat k-kayo guys enjoy din............. A-ah Kent" tawag ko kay Kent at tinignan nya lang ako kaya pinagpatuloy ko na yung sasabihin ko "E-enjoy" at nag tumulo na yung luha kong kanina ko pa pinipigilan. Agad akong nag lakad ng mabilis at lumiko nalang ng kung saan para hindi nila ako masundan.

Gusto ko sanang mag sorry kay Kent pero hindi ko alam kung paano at wala akong ideya kung bakit bigla na lang syang naging cold sa akin.

Nag madali akong umuwi para magbihis at  maki usap sa boss ko sa isang resto na pumasok ngayon kahit wednesday pa lang pang dagdag sa sweldo at pang dagdag pera paghahanda na din para sa mga gastusin para sa magagastos na pera. 

The Virginator's Last VirginWhere stories live. Discover now