Chapter 13

1.5K 28 0
                                    

Ace POV

Nag hahanda na kame pauwi dahil hanggang ngayon nasa headquarter padin kame ni Kent kakatapos lang naming panoodin yung Fifty Shades of Grey. Si Yuna pumili trip nyang asarin sila Denver at Athena. Nag wagi naman ang gaga dahil buong oras awkward kame maliban sa kanya na tawa ng tawa.

Palabas na kame ng headquarter ng biglang tumawag si Nanay na agad kong sinagot

"Hello bakit po nanay?"

"Anak..." Narinig kong sabe na may paghikbi ni Nanay

"Baket Ma? Anong nangyari?" Kinakabahan ako at nag aalala dahil umiiyak ngayon ang nanay ko

"Umuwi ka agad anak.... Ang tatay mo" shit

"S-sige po" at inend ko na yung call.

"U-una na ako guys" at bago pa sila makasagot mabilis na akong tumakbo pauwi


Nang nasa tapat na ko ng bahay may nakita akong mga lalake na naka tuxedo

Pumasok ako sa bahay at nakita ko ang tatay kong matagal na nawala

"Anak" sabe ni Nanay kaya napadako sa akin ang tingin ng tatay ko. Dapat ko pa ba syang tawaging tatay? Pagkatapos nya kaming iwan mag papakita sya sa amin?

"Ace, dalaga ka na" sabe nya na natutuwa sya dahil nakita nya ko

"Anong ginagawa mo dito?" sinusubukan ko na huag bumakas ang galit sa tono ng pananalita ko.

"Anak kukunin ko na kayo"

"At baket?" Galit kong tanong

"Dahil ayokong nakikita kayong nahihirapan. Kukunin ko kayo ni bunso" at lumapit sya sa akin na akma akong yayakapin  pero agad ko syang tinulak

"Ayaw mo kaming nahihirapan? Kung ayaw mo kaming nakikitang nahihirapan sana hindi mo kame iniwan. Sana hindi mo kame pinagpalit. Sana nandito ka sa tabi namen nung mga panahong naghihirap kame at naghihikahos sa pera para sa mga utang at gastusin namin. Sana nandito ka at hindi mo kame iniwanan habang si Nanay manganganak sa bunso mong anak, sana nandito ka para tumayong ama at asawa, at  maiparamdam sa amin yung pag mamahal ng isang ama at asawa na matagal mo ng ipinagkait sa amin" umiiyak kong wika

"Anak" sabe ni Nanay na yumakap sa akin ng mahigpit

"Ace ganyan ka ba pinalaki ng Nanay mo? Ganyan ba ang tamang pagsasalita at asta mo sa ama mo?" Galit na tanong ng tatay ko

"Pinalaki ako ng maayos ng nanay ko. Kaya wala kang karapatan na kwestyunin ako ng ganyan." at nag panggap ako ng tawa "Ang lakas naman ng loob mong sabihing ama kita. Pagkatapos mo kaming iwanan at pabayaan" puno ng galit at poot ang nararamdaman ko ngayon. Sino sya para kwestyunin ang pag papalaki sa akin ng nanay ko? Kahit hirap kame, tinuruan kame ng nanay ko ng magandang asal pero dahil sa kanya nawala lahat yon ng panandalian

"Anak.... Pag sumama kayo saken hindi na kayo mag hihirap mabibili nyo na yung mga bagay na gusto nyo, madame na akong pera anak" pag kukumbinsi nya saken

"Ha? Pera? Anong pakialam ko sa pera mo? Yan ba tingin mo saken at kay Echo? Na mawawala lahat ng pangungulila na nasa puso namin dahil sa mga bagay at pera mo? Pumunta ka ba rito para ipagyabang yang kayamanan mo? Sorry ha, dahil kahit anong bagay at magkanong pera ang ioffer nyo samen hindi kame sasama sayo"

"Ace" nabanggit nalang nya

"After ng ilang taon na pag hihirap ni Nanay para lang mabuhay kame sa tingin mo sasama kame ng ganon kadali dahil may pera ka? At isa pa gusto ko lang malaman pinagpalit mo ba kame dahil sa pera?" Tanong ko na pilit kong pinapakalma ang sarili ko

"Oo" sagot nya na ikinalaglag ng sangkaterba kong luha.

"WALA KA PALANG KWENTANG AMA E" Sigaw ko na dahilan para sampalin nya ko

"Anak" gulat na sabe ni Nanay

"A-ace" sabe ng tatay ko at agad ko syang nilayasan.

Nagagalit ako sa kanya. Ganon nya kadali kameng bitawan dahil lang sa pera? Pinagpalit nya kame sa pera. Iniwan nya kame dahil sa pera? Aba wala talaga syang kwentang tatay. Tapos ngayon ganto pa? Dapat ko pa ba syang ituring na ama? Ha, ang kapal ng mukha nyang magpakita sa amin tapos ipaglalandakan nyang madami na syang pera? Sana yung pera yung inasawa nya.

"Anak" at nakita ko syang papasok sa kwarto ko pero bago sya pumasok pinigilan ko na sya

"Huwag....... Lumayas ka na dito sa pamamahay namen bago pa magdilim ang panangin ko at makalimutan ko kung sino ka" pag babanta ko

Wala syang choice kaya lumabas na sya

Sunod na pumasok si Nanay na agad na tumabi saken at niyakap ako.

"Nay bakit pa sya nagpakita sa atin?" Umiiyak kong tanong

"Gusto nya kayong kunin sa akin" umiiyak ding sagot ni Nanay

"Nay, wag mo kameng ibigay ha? Kahit saang korte pa umabot to kahit magkano pang pera ang magastos natin pag tratrabahuhan ko para hindi nya kame makuha at hindi ka namen iwan Nay"

"Anak.... Maraming salamat" mas humagulgol si Nanay kaya tumigil ako para i comfort sya

"Si Echo Nay?"

"Tulog buti nga hindi nagising yung bata"

"Hahahahaha" at nag tawanan kame. Sa simpleng yakap ni Nanay nawawala ng konte yung sama ng loob ko. Isa tong rason kaya ayokong iwan si Nanay, beside kahit din namang anong mangyari hindi ako sasama sa tatay ko  after ng nagawa nya samen? Aba ang swerte nya pala.

"Sya anak tama na ang iyakan at mag tratrabaho muna ako" sabe ni Nanay at pinunasan nya ang luha nya

"Sige po Nay ako po muna mag aalaga kay Echo" nginitian ako ni Nanay at hinalikan nya ako sa noo at saka umalis.

Gagawin ko ang lahat para di kame makuha ng magaling kong tatay

The Virginator's Last VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon