"Anong english neto?" (One-Shot)

768 20 26
                                    

Anong english neto?

Hi there pader! Hahaha! Nakakatawa. Tawa kayo dalii! Ayaw niyo di wag! hahaha.. Ay nga pala. ako si Ley Xirel Amarillo. Ang class Valedictorian. At tanungan ng bayan kapag may sentence or paragraph writing. Gaya ng..

"Uy, Ley anong english ng 'bibisitahin siya?'"

"Ano bang sentence mo?"

"Eto, 'Bibisitahin siya ng lola niya'"

"Ahm.. Ay ano. 'Her grand mother will visit her.' baguhin mo nalang kung lalake."

"Yay! Thank you Ley!"

"Hi Ley! Anong english ng 'hindi ko matatanggap yan?'"

"Ano.. hmm?. 'I can't accept that'

or 'I won't accept that'."

"Ah.. Sige Salamat."

"Psst! Ley!"

"Ano?!"

"Anong english ng 'ang pangit ni Ley?'"

"Mam-bubwisit ka nanaman ba?! Umupo ka nga!"

"Ayoko nga!"

"Mam! Si Rick po oh!"

"Oy! oy! Rick! Anong ginagawa mo jan sa upuan ni Ley?! Nanliligaw ka na ba?!"

"AYYYIIEEE!!!"

"Ayan kasi! Umupo ka na nga!"

Umupo naman siya at tiningnan yung mga kaklase ko na nakakamatay. Ayaw niya kase sa lahat yung napapahiya siya.

Siya nga pala si Rick Jefferson Cavaller. Ang bwisit, surot at panggulo sa buhay ko!

Hindi ko alam kung bakit ko ba crush yan. ay correction mahal ko pala. Che! Ang Cheesy!

Basta nakakainis siya! at siya ay isang dakilang bipolar.

Minsan aawayin ako. Sunod bati kami tapos papatawanin niya ako. Ang gulo! Kaya naiinis ako sa kanya kasi napaka papansin niya, ang epal niya! bwisit! Katulad ng kanina.

******

Kinabukasan..

"GOOD MORNING LEY!!!" Bati saakin ni Nikki (ang bestfriend ko) habang naglalakad kami papuntang room

"Good Morning din Nikki!"

"Ay Sis. May assignment ka?"

"O-M-G! Waah! Nakalimutan ko!"

"Hala! Lagot ka! Siguro si Rick lang iniisip mo buong gabi noh?!"

"Hindi noh!"

"Suus! Deny pa. Tara na nga!"

"Hay nako.."

Kahit kelan talga! Si Nikki siya ang best-est, coolest and all time bestfriend ko since kindergarten.

"Okay class. continue your essay from page 7-12. is that clear?"-maam

Nagkatinginan silang lahat at sabay-sabay tumingin sakin.

Haist! Ayoko na talaga! Translator ba ako?

As usual. tanong padin ng tanong ng 'Anong english neto?'

Pwede mag resign?!

*Recess*

"Kyaaah! Sis! Nakakapagod yung essay!" -Nikki

"Sinabi mo pa! Pero mas doble sakin noh! Ginawa niyo kong translator!"

Nakatulala lang siya at nakatingin sa malayo...

"Anong english neto?" (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon