Chapter Five: Annoying Babe

6K 162 12
                                    

TERRIE CROSS

      Kinuha ko sa plastic ang mga binigay na libro ni Tanya sa 'kin. Nandito ako sa favorite spot ko sa library. Nagdala na rin ako ng pagkain kung sakaling magutom ako. Vacant kasi ng dalawang subject namin sa hapon. Kaya para hindi na lang ma-bore, tataposin ko 'tong binigay ni Tanya sa 'kin.

Kinuha ko ang makapal na libro, The Vampires. Hindi ko pa ito natapos at nasa may gitna pa ako no'ng huli ko itong nabasa. Andami kong nalaman sa bampira dahil dito sa librong ito. Nag research rin ako kagabi kung totoo ba ang Crimson City at andaming lumabas. May kasama pang napaka lumang pictures.

Kumain na lang ako ng chips habang binabasa ang librong ito. Kapag vacant talaga ay hindi ako nawawalan ng snacks, kagabi ko pa binili ang mga ito sa isang convenient store na nadadaanan ko minsan bago ako umuuwi.

Ahhh... t-tulong... t-tulungan mo ako... Bam—...”

Bigla akong natigilan sa pagnguya at sa pagflip ng page. Dahan dahan kong isinara ang libro.

Napapikit ako nang sumunod sa mga salitang iyon ay isang nakakabinging sigaw ng isang babae. Napapikit ako ng mariin at napatakip ang dalawang kamay ko sa mga tenga ko.

T... tulong... Ter... terrie...”

Mabilis kong naimulat ang mga mata dahil sa pangalang binanggit niya. She was calling me...

Tumingin ako sa mga kasama kong estudyante sa library kung narinig nila ang sigaw na 'yon pero parang hindi naman. Patuloy kasi ang mga ito sa pagbabasa. Nakatingin din sa akin ang estudyanteng nakaupo sa kaharap ng mesa ko at nakakunot ang mga noo nito.

Halatang nawe- weirdan siya sa ginawa ko. Ako... ako lang ba ang nakarinig?

Bigla na namang bumalik ang sigaw ng babae. Napahawak ako ng mariin sa bawat gilid ng mesa, parang dudugo na ang mga tenga ko.

Alam kong may mali sa mga sigaw na iyon. Agad akong tumayo at lumabas sa library. Sinundan ko ang direksiyon ng sigaw habang napapakunot ang noo, unti unti ng sumasakit ang ulo ko.

Nanggagaling 'yon sa CR ng mga lalaki.

Habang papalapit ang mga hakbang ko ay mas lalo lang nagiging klaro at palakas ng palakas ang sigaw. Masakit na sa tenga! Tumigil ako sa harap ng pintoan at twi-nist ang doorknob upang buksan ngunit nakalock iyon. Inikot ko pa ng isang beses at walang nangyari.

Napatingin tingin ako sa paligid at wala akong nakitang makakatulong sa pagbukas.

No choice. Huminga muna ako ng malalim bago malakas na kinalampag ang pinto ng CR.

I can still hear her cries.

“Hello? May tao ba diyan?” sigaw ko habang kinakalampag pa rin ang pintoan.

Sa pagsigaw ko ay biglang nawala rin ang sigaw ng babae. Ang mga ingay sa paligid ay bigla ring nawala. Nakakabinging katahimikan ang sumunod sa nakakabinging sigaw na iyon. I swallowed the lump that was forming on my throat, this is weird.

Inilapit ko ang tenga ko sa pintoan para marinig ang nasa loob pero wala akong narinig. Ang tahimik.

Mabilis akong napahakbang paatras nang bigla na lang bumukas ang pintoan, maliit ang pagkakabukas nito kaya dahan dahan akong sumilip sa loob. Bumungad sa akin ang madilim na loob ng comfort room.

Walang ilaw at walang ingay.

My heart is thumping crazily.

Dahan dahan akong pumasok sa loob at ang mga hakbang ko ay parang bawat pintig ng puso ko. Napalinga linga ako sa loob nang tuluyan na akong makapasok.

Crimson CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon