Pansin naman ni Kaye ang kilig na 'yon. Ngiting-ngiti ito.

Hanggang sa na-distract si Rayne sa gumagalaw sa may gilid, sa likuran ni Kaye, ilang metro ang layo. Pamilyar na mga mukha. Nakatingin sa kanya, sa kanila. Gulat na gulat.

Tatlo ang rason kaya distracted siya:

UNA: Sinabihan ba naman siya ni Kaye ng maganda. (Alam naman na niya 'yon sa umpisa pa lang pero ano vah? Stating the obvious talaga? Hihi.)

PANGALWA: Magkaharap sila ni Kaye sa couch na inuupuan, magkatitigan. (Paano, may kakaibang feeling – awkwardness yet comfortability? Weird.)

At PANGATLO: Si Xanne at MJ, nasa mismong bar kung nasaan sila ni Kaye!

Nasa isang lamesa ang dalawa niyang kaibigan na iniwan siya sa ere. Nanlalaki ang mga mata nito, sumesenyas pa ng kung ano, nakatapat sa kanya ang phone camera – kinukuhanan sila ng litrato o video, hindi siya sure.

Sa sobrang distracted niya lalo na sa pangatlong dahilan ay nagtaka na rin si Kaye kung sinong tinitingnan niya sa likuran.

"Okay ka lang?"

"Ah—oo."

Pero nadi-distract talaga si Rayne!

May mga ngiting hindi mapagkakatiwalaan ang dalawa niyang kaibigan. Pinipilit niyang i-divert ang tingin kay Kaye pero itong sila Xanne at MJ – ang gugulo!

"Anong tiniting—"

Palingon na sa likuran si Kaye pero napahawak agad si Rayne sa mukha nito sa panic; para hindi makita ang dalawang kaibigan. Sinilip niya ang dalawang halos magtatatalon na sa pwesto kaya iniwas niya ang tingin.

Kaso, natigilan siya sa pwesto nila ni Kaye: hawak niya ang mukha nito, paharap sa kanya. Kaya naman ang mga mata ni Kaye, titig na titig sa kanya, hindi malinaw kung anong nasa isip. Bago niya maalis ang hawak sa mukha nito, pinatong ni Kaye ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanya.

Kung pwede ang nanlamig at nag-init na pakiramdam – 'yon ang nangyari sa kamay, dumaloy sa braso hanggang sa puso dahil hindi pa rin siya binatawan ni Kaye. Mula sa puso, bumaba ang pakiramdam sa tiyan. 

Umikot d'on ang feelings na halos hindi na siya makahinga. Natatae na ata siya.

"Anong mayroon?" tanong nito, nakapatong pa rin ang kamay nito sa kanya.

"Ha?"

Ang init ng palad. Ang init din ng pisngi nito. Ang init ng lahat, putek!

"Are you okay?"

"Ah. . ." Nadi-distract talaga siya! "Naiihi lang ako, sorry. CR muna ako."

Mabilis tinanggal ni Rayne ang kamay sa ilalim ng kay Kaye. Muntik pa siyang masubsob sa pagmamadali umalis, tumama pa sa tuhod nito. Buti, inalalayan siya.

"Okay ka lang ba talaga?"

"Oo, ihing-ihing lang talaga ako. Wait lang, ah."

Hinayaan siya ni Kaye makadaan. Gamit ang mga mata, sinenyasan niya ang mga kaibigan na sumunod sa CR.

Pagkarating sa loob, umihi muna talaga siya. Pagkalabas ng cubicle, sumisigaw ang mga kaibigan – lalo na si MJ. Sa mukha niya!

"Rayne, ano 'yon, Rayne?! Si Kaye Cal ba 'yon?! SI. KAYE. CAL. BA. 'YON."

Niyugyog siya nito.

"Vinideohan namin kayo," nangingiting sabi ni Xanne.

Pinanood niya ang video sa binigay na phone. Nag-init pa lalo ang pisngi ni Rayne dahil kahit hindi masyadong kita silang dalawa ni Kaye sa screen – nakatalikod ito at siya naman ay medyo natatakpan ng katawan nito – obvious na may pinag-uusapan. Mukhang seryosong usapan na minsan tumatawa. Nag-iinom. Kumakain.

Love Songs for No OneWhere stories live. Discover now