Isa pa, kaunti na lang, mapapasabi na si Rayne ng, stop that keshe nemen eh, sabay tuck in ng hibla ng buhok sa likod ng tainga dahil panay ang ngiti ni Kaye. Hindi nga man pero nakakakilig?! (Nekekeheye men, mey kenteng keleg telegeng remdem se Reyne key Keye, hihi. Pero kaunti lang, ha?)

"Dirty old lang?"

Isinuklay ni Kaye ang buhok patalikod saka ngumiti nang papogi, kulang na lang sumali ito sa Mr. Pogi 1999. "Ako, Dirty?"

"Old?" aniya. "Ilang taon ka na ba?"

"Grabe 'yon, 'di mo pa nga sinasagot kung ilang taon ka na, change topic agad?"

"Hindi naman 'yon change topic, eh. Change of focus lang."

"Eh, ayaw ko!"

"Ayaw?"

"Ayaw kong mag-change focus. Sa'yo lang."

Natawa si Rayne at tinutukan ng chopstick si Kaye, pinanliitan ng mata pero hindi siya nagsalita. Nagtaas lang si Kaye ng kilay, kunwari inusente.

"Ipapakulong kita," aniya.

"Ako?" tanong ni Kaye. "Bakit?"

Kumain ng chicken. Napaisip kung pwede nga bang magpakulong for excessive smiling and for making her heart flutter. Kainis, eh.

"Wait. Naiiba na talaga topic natin," biglang sabi ni Kaye. "Anong age mo na? Tell me."

"Hulaan mo nga," sabi ni Rayne.

"Mas matanda ka na sa 19?" Nang hindi sumagot si Rayne, tinuloy ni Kaye ang pag-usisa. "20? 21? 22?"

"Plus one."

"23 ka na?"

Tumango si Rayne saka tumuloy sa pagkain.

"Hindi halata. Mukha kang bata."

"Talaga ba?"

"Oo, mukhang 22 ka lang." Tumawa si Kaye nang batuhin ng tissue ni Rayne. "And a half." Tigil. "Char lang."

"Char lang?" Si Rayne naman ang tumawa. "Ang cute naman."

"Ko ba?"

"Ang lala ng pagka-conceited!"

"Nahawa na ata ako sa'yo. . . charot!"

Lalong lumakas ang tawanan.

"Bakit nga cute?" pagpilit ni Kaye matapos mahimasmasan, nilalaro ang chopstick na hawak.

"Nagsasabi ka ng char at charot."

"Bawal ba?"

"Hindi naman. Pero kasi, 'di ba?"

"Ano?"

"You know."

"Na-a-allergic ka ba sa salita?"

"Oy!" Natigil sa pagkain si Rayne. "Hindi, ah. Baka lang sensitive topic pala sa 'yo. Ayoko namang idiin or something kasi 'di ba, offensive 'yon sa iba? I think."

"Okay lang naman," sabi ni Kaye at sumubo ulit ng pagkain. Ngumuya. Ngumiti. "Lesbian ako, gan'on lang kasimple."

Tumango si Rayne. Dahan-dahan pa siyang tumingin sa pagkain. Sumubo muli at nasamid nang magsalita ulit si Kaye.

"Naiilang ka ba sa akin dahil ganito ako?"

"Hindi naman. Hindi lang ako entitled malaman personal life mo so. . .ayon. Ang weird kapag sa akin mo sinasabi."

"Sinasabi ko naman 'to sa lahat ng nagtatanong."

"Kahit na. Hindi mo naman din ako kilala so baka hindi dapat itanong. Ang stranger ko kaya sa 'yo."

Love Songs for No OneWhere stories live. Discover now