Mahinang siniko ni Rayne si Kaye sa braso. Nakangiti, mukhang nang-aasar. "Sino bang hindi kakabahan sa presensya mo?"

Napangisi si Kaye at tumingin sa harap, mahinang bumulong. "Grabe 'yon."

Minsan nang pinangarap ni Rayne na sana manhid siya para hindi na makaramdam ngunit hindi kasama ang gabing ito sa pangarap niyang maging manhid. Dahil kung sakaling manhid nga siya, hindi niya mararamdaman ang pagdadaplis ng kamay ni Kaye sa braso niya. Kung manhid siya sa gabing ito, hindi siya nakakaramdam ng mga paru-paro sa tiyan.

At kung nasa cliché story siya, siguro iiwas niya 'yong braso niya. Lalayo. Pero hinayaan lang niya, kunwaring walang nararamdaman, para magkukunwari silang normal lang ang lahat.

"'Yong phone mo ba, nasa mga kaibigan mo?" pagbasag ni Kaye sa katahimikan.

"Ah, oo. Nasa kanila lahat ng gamit ko pati buong bag. Iihi lang kasi dapat ako, eh."

"Ouch, sorry!" Kinuha ni Kaye ang phone sa bulsa. "Gusto mong tawagan number mo? Not to go, dahil kakain pa tayo. Para lang malaman nilang ayos ka lang?"

"Push mo talaga 'yong pagkain, eh, 'no? Malo-lobatt na phone mo tsaka hinihintay mo pa text ng manager mo."

"Magcha-charge ako, ayos lang 'yan."

"Sigurado ka?"

Tumango si Kaye, in-unlock ang screen at binigay kay Rayne ang phone.

"Sure ka talaga?"

"Oo nga, promise."

"Paano kung bigla ko 'tong itakbo?"

"Itakbo mo, hahabulin kita."

"Try ko nga?"

"Sige, try natin."

Palayo pa lang si Rayne, hinawakan na siya agad ni Kaye sa braso.

"Wala pa nga!" natatawang sabi ni Rayne.

"Papakawalan pa ba, pwede namang hawakan na kita agad?"

Tumawa si Rayne sa joke.

(Pero kilig talaga kung bibigyan niya ng double meaning. Syempre, binigyan niya ng kaunting double meaning. Pero kaunti lang. Para kaunting kilig lang din.)

Pinapasmado ang kamay niyang isa-isang pinipindot ang number niya: Zero. Nine. Two. Five—

"0925?" banggit ni Kaye. "Sun ba 'yan?"

"Moon."

Natawa si Kaye. "Grabe 'yon, ang galing ng joke."

"I know, right?! Wait, hindi ba kakayanin tawagan? Globe ka ba? Text ko na lang—"

"Ayos lang. Tumawag ka na para mukhang may urgency."

"Eh, ba't kasi hindi na lang tawagan para masundo na nila ako?"

"Kakain pa tayo. After."

"After pa—"

"Actually, after ko mag-charge. Sasamahan mo pa ako, remember?"

"Abuso!"

"Ayaw mo?"

Gusto namen pere keshe, eh.

Nagulat si Rayne nang hawakan siya ni Kaye sa braso at pinatigil sa paglalakad. May kotseng dumaan sa harap.

"Ingat. Baka masagasaan ka."

"Sus, alam ko namang 'di mo ako papabayaan," lakas loob niyang sabi.

Natahimik.

Biglang tumawa si Rayne para maalis ang awkwardness. "Joke lang." Sabay peace sign.

Love Songs for No OneWhere stories live. Discover now