Napangiwi si Kaye, umiling. Panay ang tingin sa cellphone. "Malo-lobatt na rin ako. Hindi pa rin nagre-reply sa akin si Tying."

"Ang cliché talaga, grabe."

"Ang alin?"

"Napag-iwanan ng lahat. Walang contact sa iba. Malo-lobatt na 'yong phone na tanging pang-contact. Ano pa bang kulang—teka, may guard." Tinuro ni Rayne ang nakatayo sa may guard house.

"Wait, makiki-charge ako."

"Oh, Sayang," ani Rayne dahilan para matigil si Kaye sa paglalakad.

"Sayang?"

"Akala ko pang full pledge rom-com cliché na tayo, sige pa-charge ka na. Sirain natin ang gasgas na plotlines."

Nagtawanan sila saka lumapit si Kaye sa guard. Nag-usap ang mga ito habang dumistansya si Rayne. Ilang sulyap ang nakuha niya mula sa guard bago niya iniwas ang tingin.

Matapos ng halos isang minuto, lumapit sa kanya si Kaye. Mukhang nag-slow mo pa nga dahil napatitig lang si Rayne sa paglalakad nito, palapit sa kanya.

Muntik na siyang mahumaling. (Buti naagapan. Ata.)

"Kain muna tayo?" anito.

"Kain?"

"Kain." Hinawakan ni Kaye ang tiyan. Hinimas. "Kumain ka na ba?"

"Hindi ka magcha-charge?"

"Mamaya na siguro. Tara, kumain muna tayo. May mga restaurants sa paligid nitong Le Chandelle."

"Ngayon?"

"Yup."

"Seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nagjo-joke?"

"Wala akong pera. . ."

"Ba't kita papagastusin, tinulungan mo nga ako kanina sa cubicle, right?"

"Grabe, hindi maka-move on," natatawang sabi ni Rayne. "Move on, move on din pag may time."

"Hirap talaga ako maka-move on."

"D'yan tayo magaling. Kaya tayo nasasaktan lagi."

"Uy, sensya naman. Nasasaktan lang."

Tawanan.

Napagdesisyunan ni Kaye na sa Ministop na lang mag-charge ng phone. May bibilhin "daw" ito at para hindi maabala ang gwardya dahil nagra-round din ito at walang oras magbantay ng charging na phone. Nagtanong si Kaye ng direksyon papuntang Ministop.

Pero kakain muna sila.

"Gutom na talaga ako," sabi ni Kaye habang naglalakad sila sa gilid ng kalsada, side by side, naghahanap ng pwedeng makainan. Halos wala nang dumadaang kotse sa gabi. "Doon tayo sa nag-a-accept ng card, okay lang? Wala akong dalang cash."

"Ang lakas maka-artista n'on. Walang cash."

"Uy, hindi naman ako artista."

"Ang defensive naman ng hinahabol d'yan kanina ng fangirls."

Tumawa si Kaye. "Ang kulit mo, ano?"

"Sabi ko sa 'yo, namamatay na talaga ako inside."

"Bakit naman?"

"Kinakabahan nga."

"Sa akin?" tanong ni Kaye.

"Bakit naman ako kakabahan sa 'yo?"

"Eh 'di saan ka kakabahan?"

"Sa 'yo."

"Akala ko ba—"

Love Songs for No OneWhere stories live. Discover now