sa kanya.... chapter 9

Magsimula sa umpisa
                                    

"tawagan niyo na ung mayabang na un!" hindi ko alam pero nung sinabi ni paul na tawagan si rence biglang bumilis ung tibok ng puso ko, pakiramdam ko nanalo ako sa lotto, tapos gustong gusto kong magtatatalon sa tuwa pero syempre tinago ko na lang ung tuwa ko, mahirap na baka mag bago pa isip ni paul,

mag 5pm na nung natapos ung pag uusap namin si jerus na tumawag kay rence, binulong nga sakin ni jerus nung nalaman daw ni rence na pumayag na si paul na sumama siya sa banda tuwang tuwa daw, gusto ko pa sanang mag tanong kay jerus sa pinag usapan nila ni rence pero kinailngan ko nang umuwi, mag aayos pa din kasi ako at magreready ng mga gamit na dadalin ko. 

pag dating ko sa bahay agad akong dumiretcho sa kwarto ni mama kasi sabi sakin ni ate nining my sakit daw si mama, si ate nining ang yaya ko simula pa lang pagkabata, kasambahay namin siya pero hindi ibang tao ang turing namin sa kanya.

"ma andito na po ako" sabi ko pag kapasok ko pa lang sa kwarto ni mama, wala kasi siya sa kama niya at mukang pinairal na naman niya ung katigasan ng ulo niya at naligo >__<

pipihitin ko na sana ung doorknob nung banyo ni mama nung my napansin akong isang folder sa ibabaw ng desktop ni mama, hindi nman ako pakielamera ng gamit ni mama at hindi ito ung unang beses na nakakita ako ng folder pero parang hinahatak nung folder ung katawan ko para buksan siya...

O_O mata ko yan nung binuksan ko ung folder, resibo ng isang private mental health constitution at ang kinagulat ko ng husto, nakapangalan sakin ung resibo!!!!

"gab" napaitlag ako nung narinig ko ung boses ni mama, masyado kasing nag focus ung utak ko sa hawak ko na folder at hindi ko namalayan na nakalabas na pala ng banyo si mama, naguguluhan kasi ako, alam ko na naospital ako dati pero mental health? hindi ito ung kuwento ni mama at papa sakin,,

"ano to ma? anong ibig sabihin nito?!!!!!" halos pasigaw ko na tanong kay mama, at pinapakita ko sa knya ung folder,

"ah yan ba? upo ka papaliwanag ko" kalmadong sabi ni mama sakin pero ung puso ko hindi na kalmado kasi natatakot ako sa pewede niyang sabihin, hindi ko maintindihan kasi kung bakit ako napunta o bakit dun ako pinagamot nung naaksidente ako, utak ba tinamaan sakin kaya dun? hindi ko lam naguguluhan na talga ako!!!

"nagkatruma ka kasi nung naaksidente ka, halos hindi ka makatulog nun kasi sabi mo lagi mong napapanaginipan ung aksidente, kaya napagdisisyunan namin ni papa mo na dalin ka sa spesyalista" pinunasan ni mama ung mga luha na dumadaloy sa mata ko, nabibigla kasi ako sa mga sinasabi niya kaya hindi ko na mapigilan ung mga luha ko, ni hindi ko nga matandaan na dinala pala ako sa isang mental hospital.

"ma bakit wala akong matandaan sa aksidente?" nakayuko kong sabi kay mama

"bakit gusto mo ba na hindi ka na nman patulugin nung aksidente na un? anak masaya ka na ngayon, hayaan mo na ung nakaraan mo"

lawrence's pov

sobrang saya ng araw na to para sakin, una nakausap ko si danica naipaliwanag ko na din sa knya ung dahilan ko kung bakit ko iniwan si gavin nuon, nung una hindi niya ako maintindihan pero dinala ko siya kay princess at kahit siya naawa kay princess kasi nalaman niya na meron ng taning ung buhay ni princess, at ang pinaka nag pasaya sakin ng husto, tutulungan na daw niya ako kay gavin!!!! 

pangalawang nag pasaya sakin ung tinawagan ako ni jerus para sumali na sa banda nila gavin, sino bang hindi sasaya nun makakasama ko na araw araw si gavin.

"gavin?" sabi ko habang sinisilip ko ung babaeng hawak hawak ung ulo at nakaupo sa sulok ng bar, nag aalangan nga din akong lapitan kasi hindi ako sigurado kung si gavin ba siya o hindi, medjo madilim na kasi sa bar at mag malapit ng mag bukas ung bar.

"ahhhhhhhhhhhh" napaakap ako bigla kay gavin nung narinig ko ung ungol niya, halata mo kasi na nasasaktan siya at umiiyak. sa boses lang niya alam ko na na siya un kaya napaakap na ako bigla kahit hindi ko pa nakikita ung muka niya.

"halika dadalin kita sa ospital" sabi ko habang inaalalayan ko si gavin tumayo, pero hinawi lang niya ung kamay ko, nakakabadtrip!!!! nasasaktan si gavin pero wala akong magawa!!!

"ok lang ako mauna ka na dun" mahina pero narinig kong sabi ni gavin na nakahawak pa din sa ulo niya

"anong okey?! umiiyak ka na nga!!!!" halos pasigaw kong sabi, nakakabwisit kasi tinataboy na nman niya ako! hindi ba niya alam na nasasaktan din ako ngayon dahil nasasaktan siiya!

"my sipon lang ako kaya muka akong umiiytak!! at masakit sa ulo ung sipon! epal" napasmirk ako nung inangat nio gavin ung ulo niya at hindi nga siya umiiyak kasi sa ilong niya nakatapat ung tisue hindi sa mata -_- sorry kala ko ano na eh -_-

"tayo na?" nilahad ko ung kamay ko kay gavin para alalayan siyang tumayo, ang panget nman kasing tignan na nakasalampak siya sa sahig tapos hawak pa niya ung ulo niya, baka isipin pa ng makakakita samin dito pinaiyak ko si gavin.

"oo sige" napangiti ako nung inabot ni gavin ung kamay niya sakin, nung nakatayo na siya bibitiwan na sana niya ung kamay ko pero hinatak ko siya para maakap ko, nag smile ako kag gavin nung nag tama ung mga mata namin, matagal ko ng gustong akapin siya kaso hindi ko magawa dahil laging kay paul ung atention niya.

"sabi mo yan ah TAYO NA" sabi ko kay gavin, sabay smack sa lips niya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- kinilig ako dito ewan ko kung effective sa inyo heheheh pls vote kung nagustuhan niyo, comment kung ano tingin niyo sa story ^__^

DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQUEL ( sa kanya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon