xxvi.

273 17 5
                                    

COLA

Nang makalabas na ako ng campus ay inilagay ko na ang hood ng hoodie ko sa aking ulo at mabilis na naglakad.

"Coleen," narinig kong tawag sa 'kin ni kuya pero 'di ko siya pinansin at pinagpatuloy pa rin ang paglalakad ko. Nanatili akong nakatungo at nakasuot ang mga kamay sa bulsa ng hoodie na suot ko.

"Coleen naman," aniya. Nakahabol na siya sa 'kin kaya agad niyang hinawakan ang braso ko at hinarap ako sa kanya.

"K-kuya---" naputol ang sasabihin ko nang gulat akong tinanong ni kuya.

"Coleen, ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong niya sa 'kin at hinawakan ang tigkabilang braso ko. Nang 'di ako sumagot ay napabitaw siya at iritadong sumigaw.

"Coleen naman! Ano ba kasi ang nangyari sa 'yo?! Sino ba ang may gawa niyang mga pasa at sugat mo?! Bakit bigla ka na lang nagkaroon ng ganyan?!" sunod-sunod niyang tanong sa 'kin at napasabunot ng buhok.

"K-kuya, ayaw kong mapahamak ka dahil sa 'kin kaya tiniis ko na lang 'to para sa 'yo at ni Jihoon." sambit ko at napatungo. Biglang may tumulong luha galing sa mga mata ko.

Napabuntong-hininga siya, "Coleen, bakit kasi sa lahat ng taong pwede mong mahalin eh si Jihoon pa?" Nagulat ako sa tanong niya kaya bigla akong napaangat ng ulo.

"Kuya, 'di ka ba approve sa 'min ni Jihoon?" tanong ko. Muli siyang napabuntong-hininga.

"Suportado ko naman kayo pero nasasaktan ka na kasi dahil sa kanya eh." aniya.

Diba ganoon naman kapag nagmamahal? May nasasaktan.

"Magkaibigan kami," sambit ko at nginitian siya, "magkaibigan kami kaya ipaglalaban ko ang pagkakaibigan namin. 'Di naman pwedeng masira ang relasyon namin nang ganun-ganun lang."

"Pero nasasaktan ka na dahil sa kanya." aniya.

"Kaya kong tiisin ang lahat ng 'to para sa amin ni Jihoon." saad ko at binigyan siya ng nanghihinang ngiti.

Pagkatapos noon ay pinagpatuloy na namin ang paglalakad patungo sa bahay naming kami na lamang ang nakatira.

Habang naglalakad, bigla akong napawika, "Miss ko na sina mommy at daddy." Napalingon si kuya sa 'kin dahil sa sinabi ko.

Nilingon ko si kuya, "Ikaw ba, kuya. Miss mo na rin ba sila?"

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni kuya nang titigan ko iyon. 'Di na niya sinagot ang tanong ko at napatungo na lamang. Narinig ko siyang suminghot–naiyak siya.

Nilapitan ko siya at inakbayan. "Ang iyakin talaga ng Kuya Soonyoung ko," biro ko sa kanya habang hinahagod ang likod niya, "'Wag ka nang umiyak, kuya. Siguradong miss na rin tayo nina mommy at daddy. 'Di naman nila tayo papabayaan eh. Nandito lang sila sa tabi natin, ginagabayan tayo." sabi ko sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

Nakarating na kami sa bahay. Pagkatapos naming ayusin ang sarili namin ay binati namin ang isa't isa ng "good night" at humiga na sa kanya-kanya naming higaan.

Binuksan ko muna ang cellphone ko para tingnan kung sino ang mga nag-chat sa 'kin.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa kong pangalan.

Jihoon Park
cola, i-seen mo 'to

Binuksan ko ang message niya habang nakangiti.

'Di ko rin alam kung ba't ako nakangiti ng parang tanga dito eh. Basta nang mabasa ko ang pangalan niya ay agad akong napangiti.

Jihoon Park
Active Now

5:49pm

Jihoon: cola, i-seen mo 'to

seen

Jihoon: ...

Jihoon: hoy

Cola: oh?

Jihoon: date tayo bukas sa lunch?

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon.

Cola: teka

Cola: paano si rhea?

Jihoon: pfft wag na yun

Cola: teka, diba gf mo yun?

Jihoon: oo, pero hayaan mo na

Cola: pero baka niya tayo sundan

Jihoon: ako ang bahala

Jihoon: basta may lunch date tayo bukas

Jihoon: magkita tayo bukas sa abandonadong classroom sa school

Cola: luh. ba't doon?

Jihoon: gusto ko dun eh

Jihoon: sige, bye na

Cola: byeee

Ni-lock ko na ang cellphone ko pagkatapos at natulog na habang iniisip ang date namin ni Jihoon bukas.

cola ∥jihoonWhere stories live. Discover now