Ang Mahiwagang Tawa

634 7 7
                                    

The Writer:

Eto pong update ko na to is nangyare lang sakin ngayon Wed, May7. Bandang 2am.

-----------------------------------------------------

Tanghaling tapat ng mga araw iyon at walang magawa. Nagtatalo ang magkasintahan kung ano ang dapat nilang gawin.

Leigh: Nuod tayo movie.

pagmamaktol nya

Ron: Anong movie naman? Isip ka.

Leigh: ikaw na! Pag ako naman kase pumipili parang wala kang gana panuorin. Gusto mo kase yun mataas rating.

Ron: ikaw na nga pinapapili ko eh. Sige na.

Leigh: wala akong maisip eh.

Ron: edi maglalaro nalang muna ako ng dota.

Leigh: ano ba yan! tapos dire-direcho na yan gang sa di na makapanuod.

Dahil sa sobrang inis ni Leigh nagdabog nalang sya papasok ng kwarto. Makalipas ng ilang minuto medyo dinalaw ng antok si Leigh at napagdedisyunan nalang nya na matulog.

Ilan minuto na lumipas ng nang ipinikit ni Leigh ang kanyang mata pero gising pa din ang kanyang diwa. Maya maya pa ay , naramdaman nya na may humiga sa kanyang tabe.

Sa pagaakalang ito di Ron ay di na sya nagabalang lingunin ito. Iniisip kase nya na baka susuyuin sya nito katulad ng madalas na gawin kapag sila'y nagkakatampuhan.

Ngunit ilang minuto pa ulit ang lumipas wala pang nagsasalita para amuhin sya. Maya maya pa ay may narinig syang tawa sa likuran nya .

Sa pagaakalang pinagtatawanan sya ni Ron ay idinilat nya kanyang mata para lingunin ang pinanggalingan ng tawa , ngunit laking gulat nya ng walang katao tao sa loob ng kwarto bukod sakanya.

Nakaramdam ng takot si Leigh kaya pinagpasya nyang lumabas nalang ng kwarto.

Leigh: pumasok ka ba sa loob?

Ron: di ahh... bakit ako papasok eh naglalaro ako dito.

Kahit sobrang inis sya tumabi nalang sya dito.

Dumating ang kinagabihan at nakalimutan ni Leigh ang nangyare. Kaya't kampante syang nakahiga magisa sa kwarto habang naglalaro ng dota sa sala si ron.

Si Ron kase yun tipong pag naumpisahan maglaro ng dota tuloy tuloy na.

Nagfafacebook lang nun si Leigh nang parang may marinig na naman syang tawa bandang labas. Muli na namang gumapang ang takot da katawan nya sapagkat puno ng mangga ang katapat ng bintana ng kanilang kwarto.

Leigh: nuod naman tayo...

sabe nya kay ron paglabas ng kwarto di nagpapahalatang natakot sya kaya lumabas. Pinagbigyan naman sya nito.

Bandang 2am iyon at di pa tapos ang pinapanuod nilang korean episode13 na My Man from the star. Libang na libang sila sa panunuod nito.

Sila nalamang ang gising ng mga oras na iyon sa buong bahay.

Habang seryoso silang nanunuod may biglang tumawa sa bandang likuran nila. Nilingon ito ni Leigh ngunit wala namang tao. Di na sana ulit nya papansinin iyon ng biglang may tumawa pa ulit. Natatakot na talaga si Leigh kaya di sya nakatiis magsalita.

Leigh: tumawa ka ba?

Ron: di ako yun. bakit ako tatawa eh di naman nakakatawa pinapanuod natin.

Leigh: may narinig ka bang tumawa?

Ron: oo... narinig ko din yun.

Lalong natakot si Leigh sapagkat di lang pala sya ang nakarinig. Kaya nagaya na syang matulog.

Nung patayo na sila may aninong nakita si Leigh bandang pintuan. Napakapit sya kay Ron habang si Ron ay tila di nakita.

Kinabukasan, pagkagising nila natakot si Leigh lalo sa sinabe ni ron

Ron: wag mo na isipin yun anino sa pintuan.. lalo ka lang matatakot.

Leigh: nakita mo din pala yun?

Ron: oo, di ko nalang pinahalata sayo para di ka na mataranta.

-------------------------------------------------

The Writer:

Ayun. bitin ba? yun lang kase nangyare pero natatakot talaga ako :( di ko alam kung bakit ako pa nakakarinig ng ganun. waaaah. Anyway sa wakas at nakapagupdate din ako. heheheh. Namiss nyo ba? :)

Mga Kwento ni Ms.LWhere stories live. Discover now