Mga Kwento ni Ms.L

6.5K 36 12
                                    

The Writer:

Hello! First time ko magattempt gumawa ng horror story. Ang totoo nyan kasi,madame na ako experiences simula bata pa ako. May third sense pero habang nalaki ako nawawala din,ewan kung baket pero Im glad kase di na ako nagiging aligaga. Matatakutin kase talaga ako. Hahah!

Anyway based on true events po mga kkwento ko.Sana po magustuhan nyo :)

---------------

"WHITE LADY SA BUBONG"

Friday. At madalas kapag friday nakatambay ako sa may poste na tambayan namen ng childhood bestfriend ko na si Randy. Wala yung ibang kalaro namen,grade 4 lang kame. Kaya eto kameng dalawa lang.

Randy: ui,kwentuhan nalang tayo.

Ako: sige,mukhang wala balak lumabas yun iba.

7pm na nun ng gabe at wala na masyadong tao sa labas. Nagkwentuhan kame ng nakakatakot. Habang natagal,nararamdaman namen parehas na unti unti lumalameg ihip ng hangin. Kaya napagpasyahan namen na punta nalang kame sa tabeng ilog.

Pagdating namen dun,mejo madilim na pero sanay na kase kame tumambay dun kahit gabe. May ilaw naman yung bahay na malapet sa ilog.

Nagtatawanan kame ng maya-maya umihip na naman ang hangin ng malameg.., nagpatay na din ng ilaw yung ibang bahay dun.

Natahimik kame,..tapos si Randy parang may tinititigan sa likod ko. Nakatalikod kase ako sa ilog habang sya nakaharap saken.

Mejo natatakot na ako kaya binasag ko katahimikan.

Ako: ui,walang ganyan! anu ba tinitignan mo?

Ngumiti ako ng pilit kase kinakabahan na ako...

Randy: may sampayan ba yun bahay na yun sa bubong?

tinuturo nya yun bandang nasa likod ko na bahay pero nasa kabilang side ng ilog.

Ako: ah.huh?e-ewan ko!

Randy: hala O__O

kahit kinakabahan ako,unti unti ko nilingon yun tinuturo nya ...

nun una,di ko pa masyado maaninag. pero nun mejo tumagal na,unti unti namen narealize kung anu ba talaga yun.

Nagkatinginan kameng dalawa in state of shock at nilingon ulit namen. Andun pa din talaga!

Randy: w-white lady ..

mahina nyang sabe,habang ako speechless at tulala lang! Di na kinaya ng powers ko kaya naman ..

Ako: aaaaaaaahhh!

napasigaw na ako talaga,tatakbo na sana si Randy kaso.. nahimatay ako.

Nagkamalay ako,nasa may poste na kame.

Randy: uwe na tayo,inantay lang kita magising.

Ako: o-oo,sige tara na.

Hanggang paguwe,di pa din ako makapaniwala sa nakita namen! Oo,nakakaramdam na talaga ako. Pero,1st time ko makakita!

Di agad nakatulog nun,naiisip ko kase yun white lady sa bubong. Buti nalang nakatalikod samen.

>>>>[wakas]>>>>

*The Writer:

Ayun!tapos na din yun unang kwento ko. Sensya na,yan lang kase talaga nangyare eh. Kayo na bahala kung matatakot din kayo. Hahah! Ang isheshare ko naman next UD eh experience ko pa din pero with cousins naman :) Salamat!

<3 L

Mga Kwento ni Ms.LWhere stories live. Discover now