Tiktik?

1.7K 17 3
                                    

*The Writer:

I dedicate this story to my other cousin Kaori. Eh kase,binalita nya ulit saken kung ilan reads na.

Pati na din kay cuz keuz dedicate ko kase super bait nya!akalain mu sa tgas ng ulo nun dt love pla nya aq. heheh.

pnhram kc nya aq ng charger ee,kht na simpleng bgay lang un super appreciate ko! d kc aq mkakpgupdate kng d ko ncharge cp ko.

love u cuz :*

-----------------------------

Bakasyon.

Walang pasok,kaya madalas napagpapasyahan ng magpipinsan na matulog ng sama-sama.

Madalas,maghaharutan sila bago matulog ...

pero dahil maingay sila,palage din silang napapagalitan ng mama ng magkapatid na si Donna at Dianne.

Dun sila kina Dianne nagssleepover.

Tuwing napapalakas na ingay nila,pupuntahan sila ng mama nila Dianne at pagagalitan na tumigil at matulog na.

Pero dahil di pa talaga sila antok at wala pang balak magsipagtulog,nauuwe nalang sila sa kwentuhan.

Isang gabi...

"hahah!ano ba? tama na." tili ni Donna

naghaharutan kasi silang apat na magkakasama sa kwarto.

Hampasan ng unan.

Takbuhan. kilitian.

Di nila namamalayang nasa pinto na ng kwarto ang mama nila Dianne.

"ano ba ha!" mama ni Dianne

"ay butiki!" gulat na sambit ni Ineng. Nasa bandang pintuan kase sya.

Napahagikgik naman sila dianne,donna at gielyn sa reaksyon ni Ineng.

"wala ba kayong balak magsipagtulugan ha!" galit na turan sakanila

napatahimik naman sila.

"pag kayo di pa natulog papauwiin ko kayo."

Pagkaalis ng mama nila, nagupuan nalang sila at kwentuhan ng mga nakakatakot.

Di nila namamalayang maghahating gabi na.

Maya-maya,nakaramdam na sila ng antok at nagpasyang matulog na.

Sa bandang ulunan nila ay bintana na bakal na natatabingan lamang ng kurtina.

Nililipad-lipad ng hangin ang kurtina sapagkat malakas ang hangin.

Napansin ni Gielyn na biglang naging maalinsangan at steady nalang ang kurtina pero naririnig naman nyang malakas ang hangin sa labas.

Napatingin sya kay dianne na nakatingin na din pala sakanya.

"ay nako.papansin!" turan ni gielyn

naintindihan naman ito ni dianne kaya't nagsalita na din sya

"asan ba gunting?"

napadilat na din si ineng at donna na napapagitnaan ng dalawa.

"te gielyn!" reak ni donna na napayakap na.

napatabe naman lalo si ineng kay dianne

maya-maya,nililipad na ulit ng hangin ang kurtina sa ulunan nila..

pero ilang minuto din ay naging steady ulit to.

Nabobothered na si gielyn at dianne kaya naman nagsitayuan na sila.

habang nakatingin sa bintana sila nagsalita si gielyn

"di kame natatakot sayo!"

pero ang totoo,kinakabahan na sya ng mga sandaling iyon. ayaw nya lang ipakita kay donna dahil baka mas lalong matakot ito.

bawat lalapet sila sa kama biglang magiging steady ang kurtina, sa tuwing lalayo sila hahanginin na ulit ito.

nagsisigaw na din sila sa takot.

"umalis kana! may gunting kame dito!" sigaw ni gielyn

"may kutsilyo din kame!" si dianne

"kala mo?di kame natatakot!" si ineng habang may hawak na arnis

pero halatang takot na talaga si ineng.

tumagal sila ng ganun ng ilang oras. at di na nila alam kung pano sila nakatulog.

kinabukasan,pagkagising,napagusapan nila ang pangyayari. at nagtaka sila kung bakit di man lang sila sinita na maingay sila ng mama nila dianne.

>>>>[wakas]<<<<

*The Writer:

korni ba?magulo kwento ko?sensya,yan ang natatandaan kong pangyayare eh. at nga pala,kala namen tiktik yun eh.basta!di kase namen nakita eh.

pero nakakatakot nun naexperience namen yan. swear to death!

siguro nagtataka kayo kung bakit di kame sinaway ng tita namen kahit na ang ingay na namen?

kame din nagtaka,pero narealize din namen afterwards na ...

nakakaramdam din pala si tita. madame na din syang nakakatakot na experience.

kaya siguro di kame sinita. dahil alam nya na may 'something' talaga that time.

ewan ko ba,tito at tita malalakas din ang pakiramdam,yun iba pa nga,may third eye. saka,as far as i know ...

yung pinakalola namen daw eh,dating manggagamot.ayun,share lang. saree for this lame update.

salamuch! ciao.

<3 L

Mga Kwento ni Ms.LWhere stories live. Discover now