Chapter 2: Random 😊

19 2 5
                                    

YOU/SOFIA

"Oh? Bat ang aga mo? Akala ko hindi na kita mahihintay eh?" bungad ni Krystal sayo ng maabutan mo pa siyang gising.

Matamlay kang dumiretso sa kama at ibinagsak ang pagal mong katawan..

"Nakakainis kase eonnie, hindi na naman ako pinansin ng boyfriend ko!"

"eh? Namja chinggu? May boyfriend ka na?!" gulat na gulat si Krystal sa sinabi mo, humarap pa siya sayo.

"Oo..si MinHo.."

"Yah..itulog mo nalang yan, antok lang yan.." sagot niya sayo, wala talagang naniniwala kapag sinasabi mo na boyfriend mo si MinHo.

Maghintay lang kayo, hindi ko lang siya boyfriend,siya di ang magiging asawa ko.

Sigaw ng isip mo.

"Eonnie cha?" tanong mo kay Krystal..

"Weh?"

"Jaljja.." matamlay mong sagot.

"Jaljayo.." sagot naman niya, dala na rin ng pagod mo ay nakatulog ka na rin.

______________

Malalakas na katok ang gumising sayo kinabukasan, inis kang bumangon sa kama, tulog na tulog pa rin si Krystal sa tabi mo.

Napakamot ka tuloy sa magulo mong buhok sa inis mo sa kung sino mang nangbubulabog sa bahay niyo.

"Dugeuseyo?!chamkamaneyo!" sigaw mo pa sa hindi tumitigil na pagkatok nito.

"Dugeuse...AHHHHHHHHH!!!!!" napatili ka sa sobrang gulat.

Yung laglag ang panga mo pagkabukas na pagkabukas mo ng pinto, bubungad sayo si Han Se Ju ng Chicago Typewriter! The famous Yoo Ah In oppa! Ang nagiisang Master Shik ng Halyu Industry! 😍😱

"Daebak!" bulalas mo pa.

Yabag mula sa loob ang narinig mo...

And there came rushing without knowing who's your visitor is, Krystal.

Halatang halata na bagong gising siya.

"Eonnie.."

"YOO AH IN?!" gulat na gulat siya. Naglipat lipat ang tingin mo sakanila, Krystal immediately covered her tshirt, ng mapansin na napadako ang tingin ni Ah In doon, napangisi ka, hindi kase talaga ito sanay magsuot ng bra lalo na kung nasa bahay lang.

Agad siyang tumakbo pabalik sa loob.
You were stunned, nakatitig kalang kay Yoo Ah In, talaga nga palang ang cute cute niya sa personal, pansamantala mong nakalimutan si MinHo.

"Oppa chamsimanyo!" wika mo pa sakanya at nagtatakbo la pabalik sa loob, agad mong kinuha ang cellphone mo at bumalik sa labas na akala mo tatakbo paalis si Ah In.

Ni hindi mo nga alam kung anong sadya niya sa bahay niyo.

"Oppa paselfie naman ohh?" halatang nagulat siya sa sinabi mo, he awkwardly nod at you, napangiti ka at lumapit sakanya.

"Hana..deul set!" tuwang tuwa ka ng makapicture mo siya, siya naman paglabas ni Krystal.

You frowned, ni hindi siya makatingin sayo.

Anong meron? Tanong ng isip mo.
Ah In look at her.

"Let's talk..follow me.." your eyes grew wide, napatingin ka kay Krystal, she just nod at you.

Naunang lumakad pababa si Ah In, sumunod naman si Krystal sakanya.

You smile mischievously, dinungaw mo pa sila mula sa taas.

"eonnie FIGHTING!" you mouthed and nag fighting sign ka pa kay Krystal.

You envied her, buti pa siya nakasama at nakilala na niya ang oppa niya, samantalang ikaw, kilala ka nga ni MinHo pero parang hindi ka naman nageexist sa mundo niya.

______

"mwo? Sa hotel nila MinHo sa Busan gaganapin yung private party ni Onew?" bulalas mo ng marinig ang sinabi ni Selca sa kabilang linya.

Si Selca ay isa din sa mga shawols and isa sa mga galamay mo pagdating sa pagiistalk sa Shinee.

"Oo, mas pinili nila na magprivate party nalang kase diba nga natatakot sila na maulit na naman yung drunk scandal ni Onew, alam mo naman yun may bad habit kapag nalalasing na.."

"sana kase nagpa fan party nalang sila.." singit mo pa, yun naman kase ang suggestions niyong mga shawols kay Manager Sy, and sinabi niya din na icoconsider nila yun.

"Yun naman talaga ang plano, kaso ayaw ni MinHo, and last minute ayun ayaw na din ni Onew kase nagoffer si MinHo na sa hotel nalang nila ganapin ang private party.."

Napasimangot ka, napaka arte talaga ni MinHo, kung hindi mo lang talaga siya mahal matagal mo na talaga siyang pinagpalit kay Exo Sehun! 😂

Pero wala ka talagang magawa eh, mahal mo talaga siya, at siya lang ang nakikita mong makakasama mo sa future ..

"eh anong plano?" tanong mo ulit.

"syempre dapat bago magstart ang party nandun na tayo sa venue, and kailangan magpa reserve nadin tayo ng vip suite--"

"mwo?! Selca hindi mo ba alam kung magkano ang vip suite sa hotel nila MinHo! Isang buwan sweldo na nating tatlo yun nila DoHan yun!" bulalas mo.

"ano ka ba! Syempre alam ko yun! And natotal ko na, kung tatlo tayo sa VIP Room, 200,000.00 won tayo--"

"ano?! Sesangi..jeongmalyo?!" bulalas mo na naman.

Napakagastos talaga mag fangirl! Sigaw ng isip mo.
Napakamot ka na lang tuliy sa batok mo.

"Ikaw..kung ayaw mo, kami nalang ni DoHan, if i were you, pupunta ako..matter of life and death na to Sofie! Ikaw din! HAHAHA" rinig mo pa ang malakas niyang hagikgik sa kabilang linya.

Tsk! Bahala na si Batman!

You still have 500,000 won sa acc mo, allowance mo talaga yun hanggang nextweek since 30th pa ang payday, pero para sa ekonomiya! Sige! Pikit mata mo nalang na ibabayad yun!

"Oh sige..sige anong plano?" sagot mo sakanya.

Sinabi niya ang oras ng meet up ninyo, pati na rin ang oras ng pagkikita ninyo sa train station papuntang Busan.

Napatingin ka sa pinto, hindi pa bumabalik si Krystal mula kaninang umalis ito.

Mamaya ka na lang magpapaalam sakanya pagbalik niya.

Nahiga ka ulit sa kama at natulog, dayoff mo naman ng tatlong araw kaya susulitin mo na!

MFJ Series II: Marrying a Sasaeng [Shinee Choi Minho FF.]Where stories live. Discover now