Fictitious 4

165 11 2
                                    

                                                          Fictitious 4

Hindi na lang ako kumibo nang madatnan kami ni Ranara sa ganoong sitwasyon. Wala akong nagawa kundi umiwas na lamang nang tingin sa kanila. Tumakbo siya at naiwan kaming dalawa ni Duxen. Wala rin naman ginawa si Duxen, as if he stayed kaysa sundan si Ranara. Napa isip isip din agad ako sa ginawa niya. He preffered to stay with we when his fiance is running away from us.

                Hindi kaya, nagkatotoo na rin 'yung inaasam ko na magiging kami ni Duxen. Pero nalungkot ako bigla nang maalala ko na hindi ko nga pala kwento ang ginagalawan ko, sinisira ko lang ang lahat pero somethings were just made to be diba? Hindi naman siguro ako dito mapupunta kung hindi naman pala din ako magiging masasay diba.

                Atleast kahit dito man lang, 'yung lalaking hinahanap hanap ko ay nasa harap ko na.

                Pagkarating namin sa bahay nilang dalawa ni Ranara. Nagulat kaming dalawa nang madatnan itong may mga dalang bag na malalaki. Maglalayas siguro siya kaya ganun 'no? Biglang lumapit sa kanya si Duxen at hinawakan ito sa magkabilang balikat.

                "Ranara! Saan ka pupunta?" Nag aalalang tanong niya.

                "You don't care. Please, get me out." Saka pumiglas si Ranara kay Duxen. Umalis na si Ranara at hindi nagpapigil kay Duxen. Napalagay ang kamay ko sa baba ko nang maalala ko naman na wala sa libro itong part na umalis si Ranara sa bahay nila kasi malapit na kasal diba?

                Nanlaki lang ang mga mata ko na, sumagi bigla sa isip ko ang ginawa ko kanina para mapigil ang flow nang story at maiba nang storyline. Ito na nga ba ang bagong flow nang story at ako na ang makakatuluyan ni Duxen Fajardo sa ending?

                Ngayon pa lang, naiimagine ko na kung paano ko siya makakasama sa bahay nang araw araw.

                Napansin ko si Duxen na nakaluhod na at umiiyak dahil hindi nga siya pinansin ni Ranara. Siguro Ranara finalled her decision kaya ganun. Sino ba naman kasi diba ang magugulat na may kahalikan ang fiance mo?

                So kung ganun diba? Bakit hindi pumalag si Duxen? Nilapitan ko si Duxen at itinayo ko siya ako na nagpunas nang mga luha niya gamit ang t-shirt niya kaya nakita ko na naman ang abs nito.

                Pumasok na naman kami sa loob nang bahay nila. So big for the two of us. Walang mga maids o kung kahit na ano ditong tao sa loob. Naglakad lang kami patungo sa sala. Hindi pa rin akko kumikibo kay Duxen. Ewan ko rin ba, pero parang ang saya lang nang feeling na nakuha mo na 'yung gusto mo.

                "Fantasia?" Napalingon ako kay Duxen nang banggitin niya ang pangalan ko. Napangiti naman ako dun.

                "What?" Sabi ko pa.

                "Why did entered my life?" Napakunot ako nang noo sa sinabi niya. I didn't mean to entered his life, hindi ko rin naman inaasahan na mapapasok ako sa libro na kung saan nandun yung fictional character na gusto ko.

                "Sorry, I didn't mean to ruined your relationship with Ranara." Napayuko kong sabi. Naramdaman kong tumabi siya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Hindi naman ako naiiyak, nalungkot lang ako sa sinabi niya pero diba dapat mas maging masaya ako sa nangyari.

                "No. You didn't." Sa sinabi nito ay napa angat ang ulo ko at tinitigan siya sa mata.

                "Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko siya magets kung ano ba yung sinabi niya. I didn't ruined everything? Seryoso?

He's a Fictitious ✔Where stories live. Discover now