Katangahan I

31 2 0
                                    

Nakipagrelasyon ako sa clanmate kong miles and miles away ang layo sa akin. Nasa Quezon City lang naman sya at ako nasa Isabela. Ang cheap di ba ? First, pumatol ako sa taong hindi ko pa nakita. Second, nakipagrelasyon ako sa taong 3 minutes ko pa lang katext. Lastly, urgh! Hindi ko na alam. Hahaha #bwst

Nung una hindi naman talaga ako seryoso sa kanya. For fun lang. Kasi kakabreak lang namin ng boyfriend ko 8 months ago. So sumali ako sa clan ng kaibigan ko, tapos this guy whose codename is Mr. Zer.0 offered me something. Hmmm. Nope, he didn't offered pala. He asked me kung may boyfriend daw ba ako, sabi ko wala. Wala naman talaga. I asked him the same question, kung may girlfriend na ba sya, he said wala din daw. Pero alam kong kalokohan yun. The katangahan thing there is, pumayag ako sa isang kasunduan na inakala kong madaling lusutan o basta na lang ayawan. Pumayag akong maging girlfriend ng isang total stranger. Na nagpaparamdam lang kung kailan nya gusto. Na magtetext lang kapag nagpapaload. Isang total stranger na alam ko naman na hindi ako tunay na mahal.

Sa totoo lang hindi wala naman talaga sa plano ko yung magtagal kami kasi sabi ko nga for fun lang yun. Syempre, clan yun. What do you expect. Alam ko sa sarili ko na hindi ko sya mahal nun pero di ko alam kung bakit naghohol ako sa kanya. Na lagi ko hinihintay mga text nya, kapag wala syang text magreregister ako ng may pantawag, kapag can't be reached sya, try pa din ako ng try. Ang laking katangahan di ba?

I was 16 years old then ... First year college ...

So yun, first year college pa lang ako. Malandi na ako.


--

A/N : This is a true to life scenario happened 8 years ago since September 30, 2009

CONFESSION 101Where stories live. Discover now