"Pwede." Seductive niyang sabi sabay hawak sa right cheek ko.

Dahan dahan naman niyang nilapit ang mukha niya sakin.

"You don't want to do this, Ara." I warned her.

"Bakit anong gagawin mo sakin?" Palaban niyang sagot habang inilalapit padin ako mukha niya sakin.

"You know the things I can do, my ex-girlfriend." I whispered on her ear.

"Sounds exciting, my ex-boyfriend." Taas kilay niyang sagot, "I want to see the things you can do." She said then kissed me fully on the lips.

"You'll regret doing that thing, Ara." Mayabang kong sabi sakanya after I broke our kiss. "Tara na, iuuwi na kita." Hinila ko na siya papalabas ng bar. Sinubukan pa niyang pumalag pero mas malakas na ako sakanya this time.

"Hoy gago ka! Hindi naman ito daan pauwi sa bahay ko eh!" Galit niyang sabi saakin saka ako pinaghahampas.

Tinignan ko naman siya at saka ako nag-smirk, "At sinong nagsabi sa'yong iuuwi kita sainyo? Ikaw ang naunang humalik kaya mananagot ka. Ang yabang yabang mo pa kanina ah. Tignan natin kung makapagyabang ka pa bukas pag gising natin."

"Tangina mo talaga. Hayop ka!" Galit na galit niyang at this time, suntok na ang ginagawa niya sakin.

"You're mine tonight, Ara." Sabi ko sabay kindat sakanya.

Alam niyo na kung anong nangyari samin pag uwi ng condo. *wink*



Nagising nalang ako dahil sa naramdaman kong parang may bagay na mabigat saka basa sa ibabaw ng mukha ko.

Dumilat naman ako saka hinawakan yung bagay na nasa mukha ko. Towel pala.

"Wow. Tigas ng mukha natin ah! Nakuha mo pa talagang maligo ah. Ayos din." Natatawa kong sabi kay Ara nang makita ko siyang nagzi-zipper ng tokong niya at halata naman kasing bagong ligo siya dahil basa ang buhok niya. "At talagang towel ko pa ginamit mo ah! Kadiri ka, 'di mo ba alam yung personal hygiene?!"

Inirapan naman niya ako, "Tss. Ang arte mo! Sayang sa labahin kung kukuha pa ako ng panibagong towel. At oo, malamang maliligo talaga ako dahil ang dumi at ang baho ko na. Alangan namang magpakita ako sa girlfriend ko na mukha akong dugyot, diba?"

"Kapal din ng mukha mong banggitin pa sa loob ng pamamahay ko yang girlfriend mo na siyang dahilan kung bakit tayo nag break noon."

Yup, dahil sa babae kaya kami nag break noon. Nakipagbreak siya sakin dahil sabi niya, narealize niya daw na babae na ang mahal niya. Hahanap na nga lang ng babaeng ipapalit sakin, mukha pang shokoy. Grabeng pandudurog sa pagkatao ko 'yun, pinagpalit na nga ako sa babae, sa mukhang shokoy pa.

"Excuse me. Anong akala mo sakin? Mahina kagaya mo na hindi marunong magpalit ng babae? Iba na girlfriend ko ngayon. Hindi na 'yun yung babaeng dahilan bakit ako nakipag break sa'yo." Sagot niya.

"Hoy! At sinong nagsabi sa'yo na mahina ako pagdating sa mga babae?"

"Ako. 'Di mo narinig? Diba kakasabi ko lang?" Pagtataray niya. Napakapilosopo talaga! "At alam kong mahina ka sa babae dahil wala ka ng sumunod na girlfriend pagtapos ko."

DreamsWhere stories live. Discover now