PROLOGUE

8 0 0
                                        

 
PROLOGUE:

(Kyoto,Japan)
  (May,2017  8:30 pm)

   BANG! BANG! BANG! BANG!
  BOOGGSSHH! WHOOOSSH!
    BANG! BANG! BANG!
   SPLAT! SPLAT!

  "Tsk! Tao ba talaga‘ng babaeng yon?" inis na sabi ng isang lalaki sa mga kasamahan niya habang pinapatamaan ng mga bala ang isang babaeng naka kimono at takip sa mukha.

   "Huwag ka na magtanong sa oras na to! Totoo pala ang sinabi ng Boss……" inis na sagot ng isa na ikinalito ng lalaki.

  "Ha? Ano bang pinagsasabi mo?"

    SLAAAASSHHHH!!

   Laking gulat ng lalaki nang isang espada ang nakita niyang lumusot sa ulo ng kausap lang kanina at agad itong nahiwa sa harap niya.
Masaganang dugo ang lumatag sa lupa habang nakataas ang espada ng babae.

   Dahil sa pagkagulat ng lahat ay kinuha itong pagkakataon ng babaeng naka kimono upang pagsisipain ang mga kamay ng lalaking natira dahilan para malaglag ang mga hawak nilang baril sa lupa.

    Nanginginig na nakatayo ang mga lalaki habang matatalim ang tingin sa kanila ng babae. Mahabang katahimikan ang nangibabaw at ramdam ang lamig ng gabi.

   "S-sino ka ba?" utal na tanong ng isa.

  "Tch. BAKAYARO!!! " sigaw ng babae. (meaning: Japanese of: FOOL/STUPID)

   "Ang lakas ng loob niyong pumunta pa dito sa Japan para patayin ang isang taong hindi niyo kilala……" malamig na sabi ng babae. Dahan-dahang naglakad papunta sa kanila ang babae habang umaatras ang mga lalaki.

   Mayamaya ay huminto ito at tinanggal ang nakabalot sa kanyang mukha sabay ng panlalaki ng mga mata ng mga lalaki.

   "Nakilala niyo na ba ko?" nakangising tanong ng babae.

  "Ha!"  di makapaniwalang bulalas ng isa. "Hindi 'to totoo…… Bakit hindi sinabi na ikaw ang makakalaban namin" mangiyak-ngiyak na sambit nito.

   "Do I need to re introduce myself?" mapang-asar na tanong ng babae. Isang lalaki ang nahagip niyang nagtatangkang kunin ang baril nito kaya agad niyang hinugot ang espada at itinurok sa dibdib ng lalaki.

   Nagtalsikan ang dugo nito sa mga katabing lalaki sabay wasiwas ng espada ng babae at itinarak ito sa lupa.

   "Nee, Watashi ha Mirai Kuroshin Takagi desu…" sambit ng babae. (Meaning: Hey, I am Mirai Kuroshin Takagi…)

   "SEE EACH OTHER IN HELL!!" malademonyong ngiti ng babae sabay pugot sa ulo ng mga lalaki.

------------------------------------

   "Bakit ang tagal kaya ni Hime? " bulong ng isang lalaki sa katabi niya.

   Isa namang lalaking marahil nasa 40 na ang edad ang kanina pa paikot-ikot sa silid na pinagtutumpukan ng mga kasama nitong mga lalaki.

   "Ang tagal ni Mirai…" mahinang sambit nito pero bakas ang pagkainis sa tono.

  "Oi! Tadaima,minna" isang malakas na bati ng isang boses mula sa pintuan. (meaning: Hey! I'm back,everyone)

  Lahat sila'y napalingon at agad nagsiyukuan liban sa ama ng dalaga.

   "Okaeri nasai,Ohime-sama",magalang na sambit ng lahat ng mga lalaking nakaluhod. (meaning: Welcome back,Princess/Young lady)

  Dali-daling umupo ang dalaga sa tabi ng ama at agad lumagok ng tubig.

   "Daijobu desu ka, Ohime-sama?" tanong ng isa sa mga lalaki. (meaning: Are you alright,Princess/Young lady?)Lahat ay pumalibot sa kanilang mag-ama habang nakaluhod.

   "Tss..Daijobu desu" bagot namang sagot ng dalaga.(meaning: Tss.. I'm alright)

   Saglit silang nanahimik sabay wika ng dalaga,
   "Nagpadala ulit sila ng mga tao dito"

   Agad nagtayuan ang mga lalaki at kinuha ang mga espada.

  "Nasaan sila,Ohime-sama?" tanong ng isa.

   Matalim silang tiningnan ng dalaga at sinenyasang umupo.

   "Otou-san, ipadala mo ko sa Pilipinas at tatapusin ko na 'to" seryosong sabi ng dalaga. ('Otou-san' means Father)

   "Bakit ikaw lang,Hime?" tanong ng isa sa mga lalaki. Agad naman siyang binatukan ng isa pa, "Huy, wag ka muna sumabat. Nag-uusap si Boss at Hime", saway nito sa kanya.

   "Sou ka……" tanging nabanggit ng ama.(meaning: I see…)

   "Binalak na namin yan ng mama mo. Since mas nagiging komplikado ang sitwasyon ngayon at nakikilala ka na ng mga kalaban bilang papalit sa posisyon ko balang-araw... Sila ang mga tumututol dito." seryosong sabi ng ama.

   "Wala silang karapatang tumutol.……"  at tumingin muna ang dalaga sa mga kaharap niyang lalaki sabay baling ulit sa ama, "…Dahil kung sinuman ang may karapatang tumutol ay sila yun", sabay ngiti sa mga lalaking nakaluhod sa kanya.

   "Kung ito ang desisyon mo, pumapayag ako…… pero kailangan mong dalhin ang kalahati ng Clan para sumama sayo." sagot ng ama.

  "Pero anong gagawin ko kasama ang 250 assassins?" takang tanong ng dalaga.

"A-ayaw mo ata sa amin,Hime" kunwaring iyak ng isa.

  Napabuntong ang dalaga sabay ngiti sa kanilang lahat.

  "Well,wala rin naman akong magagawa dahil ang mahal na pinuno na ang nagsabi" sabay tingin sa ama kaya nginitian siya nito.

   "O………kay, bukas aalis na tayo" masayang wika ng dalaga.

  "YEHEEYY!! YOSH! YOSH! " malakas na sigawan ng mga lalaki habang nagtatawanan nalang ang mag-ama.

*****************(END OF PROLOGUE)

Clarification: Si Mirai Kuroshin Takagi (ang bidang babae) ay anak ng isang dakilang assassin na si Naru Takagi, ang 2nd Boss ng Takagi‘s Assassin Clan. Nasa Japan lahat ang mga tauhan ng Clan. Sila‘y tinatawag na mga nakama  ('nakama' literally means BUDDY/COMRADE).

   Si Mirai ay half Japanese at Filipino.Mapapansin din ang paglitaw ng ibang lenggwahe kaya nilagyan ko iyan ng katumbas na kahulugan.
     Main target ng mga Yakuza/Mafia, at mga Gangster ang Clan ng Takagi dahil sila ang tinaguriang "Legendary Organization" buhat nang magsimula ito. Dahil nga sila ay mga assassin,tumatanggap sila ng trabaho sa mga matatas na tao kaya nag-uunahang mapapayag ng mga nasa underworld society ang Takagi‘s Assassin Clan sa mga misyong ibibigay nila dahil itinuturing na karangalan sakaling pumayag sila sa misyong ibibigay mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THEY MESSED WITH A WRONG GIRLStories to obsess over. Discover now