Special Chapter (Holloween Edition)

29 4 0
                                    

(AN: Kahapon pa talaga dapat 'to kaso nakalimutan ko i-post, nakatulog ako HAHAHA

PS: Di to kasama sa story flow lol 😂 Basta yeah special ano lang 'to 😂)

(Youngmin's POV)

Kristia Jale Monreal
•Active 5 minutes ago

GWAPONG ALPACA: Kj Ko? :"> Saan ka na? Kanina pa akong 7 pm nandito :"> 7:02 na po. :"> Inuugat na ako Kj ko :"> Bilisan mo labyu sagad :***

------------

Sinara ko na phone ko at sumandal ulit sa pader dito sa cinema house. Manonood daw kasi kami ngayon ng horror movie kasi nga "halloween" daw.

Eh masunurin akong alpaca ng Kj ko kaya pumayag nalang ako manood kami kahit alam ko namang duwag yung Kj ko na yun.

Ilang minuto pa lumipas nang nakita ko na siyang nakatayo malapit sa counter.

Napanginiti naman ako bigla kasi tingkayad siya nang tingkayad, ang liit kasi ng Kj ko eh ayan tuloy.

"Kj ko!" Sumigaw ako sa kanya pero di siya lumingon.

Bingi na ata Kj ko nako.

Naglakad ako palapit sa kanya pero nung malapit na ako sa bigla naman siyang tumakbo palayo.

Luh? Anong trip ngayon ng Kj ko? Habulan?

Ako naman 'to baliw na alpaca, hinabol din siya.

Nag-aadik na naman siguro 'tong Kj ko nako.

"HOY ALPACA KO BWISET KA! ANONG TRIP MO SA BUHAY MO AT PATAKBO TAKBO KA DYAN HA?!? PINAG HAHABOL MO PA AKP HOY ANG HABA KAYA NG MGA LEGS MO! RESPETO SAKIN HOY!" Bigla akong napatayo ng tuwid at lumingon sa likod ko.

Teka? Paano napunta sa likod ko si Kj ko?

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa noo.

"Paano ka napunta dito Kj ko? Eh tumatakbo ka nga kanina papunta doon eh." Sabi ko at tinuro yung daan kung saan siya tumatakbo kanina.

Binigyan niya ako ng isang suspicious look.

Hala! Ano na namang ginawa ko eh totoo namang doon siya papunta kanina eh.

"Pinagtataksilan mo na ba ako ngayon alpaca quoh???" Halos pabulong niyang sabi pero ramdam na ramdam ko bawat diin sa salita niya.

Agad ako umiling iling sa kanya.

"Hindi talaga Kj ko, promise. Magloloko pa ba ako eh meron na nga tayong on the way little Young----"

Agad niya akong hinampas kaya natawa nalang ako.

"Halika na nga alapaca, mamaya magsimula na yung movie, ang daldal daldal mo dyan nako." Sabi niya at kumapit na sa braso ko at nagsimula na kami maglakad.

Kung di si Kj ko yung nakita ko kanina? Sino pala yun?

Magkatulad at sobrang magkamukha sila. Imposibleng magkamali ako kasi ni damit pareho.

Pinagsawalang bahala ko nalang yun at dumiretso na kami sa theater room.

Nasa kalagitnaan na ng movie nang mapatingin ako sa exit door ng sinehan.

Halos kilabutan ako at maiyak nang mapagtanto ko na nandoon si Kj ko.

Edi sino tong kahawak ko?

Dahan dahan akong lumingon sa tabi ko at...





















"AHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!"

"HOY ALPACA QUOH! GISING!"

Agad ako napadilat ng mata ko at nakita ko agad mukha ni Kj ko.

Agad ko siyang niyakap at pinaghahalikan sa mukha niya.

Lumayo siya nang bahagya sakin na nagtataka mukha.

"Ano na naman bang trip mo alpaca quoh?" Tanong niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at siniksik mukha ko sa leeg niya.

"Nanaginip lang ako ng nakakatakot. Hehehe sorry po." Bulong ko.

Naramdaman ko namang niyakap niya ako pabalik kaya napangiti ako.

Pero laking gulat ko nang mapatingin ako sa pinto ng kwarto namin.

Si Kj ko ay nandon na may kakaibang ngiti sa mukha niya.

No.....



You Had Me at One Tap [Im Youngmin FF]Where stories live. Discover now