Sa mga lumilipas na araw ay unti-unti na akong nahuhulog sa ginawa ko na bitag. Naiintindihan ko na rin kung ano nga ba ang dulot na kakaibang saya sa aking sistema kung lagi siyang nasa tabi ko, at anong lungkot ang nadudulot sa akin tuwing hindi ko ito nasisilayan kahit ilang oras man lang kami na magkalayo.

Paghaplos ng aking buhok ang gumising sa akin sa pag-idlip. Bumungad sa aking harapan ang gwapong mukha ni Liam. Naka-ngiti ito at may mga mapupungay na mata na nagbibigay sa akin nang kakaibang kasiyahan. 

"Kanina ka pa ba d'yan? Pasensiya na naka-idlip ako." Aniko. Umupo ako ng maayos at pinaupo sa aking tabi.

"Hindi naman. Napagod ka ba?"

 

"Wala nga akong ginagawa sa opisina mo, paano ako mapapagod? Bakit kasi hindi mo ako isama d'yan sa ginagawa mo, hindi ko tuloy alam kung ano ba ang silbi ko sa'yo."

 

"Anong wala ang sinasabi mo d'yan? Makita lang kita ay nawawala na ang pagod ko." Tumawa pa ito ng bahagya at kinabig nito ang aking balikat at pinahilig sa kanyang dibdib.

"Huwag mo nga akong lokohin. Uuwi na ba tayo?" Hinampas ko naman ito sa tyan at tumayo. "Oh. Ang aga mo naman bumalik, may araw pa, a."

 

"Tara na." Tumayo rin ito at kinuha ang aking kamay.

Nagtataka naman akong nagpatiudtod na lamang sa kanya. Ilang minuto lang ay narating lang namin ang rest house. Tahimik lang ang aming byahe, sanay na naman ako na tahimik ito pero hindi ko maiwasan na hindi magtaka.

"Bakit? Anong ginagawa natin sa kwarto ko?" Tanong ko rito.

"Mag-impake ka." Aniya.

Kinabahan naman kaagad ako sa kanyang sinabi. May kung anong bumara sa aking lalamunan ng tinitigan ko ito ng maigi. 

"May ginawa ba akong masama na hindi mo nagusuhan? Bakit.. Bakit pinapaalis mo na ako sa bahay mo?" 

 

"Hindi. At alisin mo ang bumubuo na kung ano d'yan sa utak mo, hindi ko gagawin 'yun. Mag-impake ka, pupunta tayong Manila."

Para akong tinubuan nang kung anong bulaklak sa aking paligid nang marinig ko ang ang salitang Manila. Bumilis rin ang pagtibok nang aking puso. Hindi ko maiwasan na ngumiti sa kawalan. Bago pa ako magsalita ay wala na si Liam sa aking harapan. Dali-dali naman akong sumunod sa kanyang kwarto.

"Sabihin mo sa akin na hindi ka nagbibiro, huwag mo akong paasahin ng ganito. Talaga ba na pupunta tayo ng Maynila?" Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang mga kamay at nginitian ito ng abot sa tenga.

"Oo nga, kailan ba ako nagbiro sayo. Lalo na't ganyan ang itsura mo ay hindi ko kayang bawiin ang mga sinabi ko."

I'm His Private DancerWhere stories live. Discover now