“Sabihin mo lang na maganda siya araw-araw. Dapat walang halong joke ‘yon ah. Tas paminsan-minsan, bigyan mo ng bulaklak, ays na ‘yon,” payo ko habang tinitignan ‘yung Dictionary. Ahhh.. ang ibig sabihin pala nun ay ‘pagkawasak’ galing sa root word na ‘devastation’.

 

Eh kaso, makulit din si Erick. Sampolan ko raw tapos ‘pag nakita niya kung pa’no ko gagawin at natutunan niya, bibigyan din niya ako ng sokoleyts. Hehe.

Kaya tumayo na ako tapos nilapitan ko si Patricia na nagsusulat yata sa diary niya. Sinulyapan ko si Erick na kasama ng barkada niyang nakatunghay na sa’kin at nag-thumbs up siya. Pero agad naman akong napansin ni Patty.

“Uy, Charlie, nandiyan ka pala. Bakit?” tanong niya.

“Ah, wala naman,” sabi ko na lang tapos tinignan ‘yung sinusulat niya gamit ‘yung iba-ibang kulay ng ballpen na makikinang. “Ang ganda naman ng ginagawa mo,” puri ko sa kanya.

“Ah, salama—“

“Pero mas maganda ka, sabi ni Erick,” nakangiti kong sabi. Tapos natahimik siya. Tas unti-unting namula ‘yung leeg niya.

 

“‘YON O!” hiyawan ng mga lalaki at binatukan nila si Erick isa-isa. Ilang araw lang, naging sila na, hehe.

Dun nagsimula ‘yung sa’kin na nagpapalakad ‘yung grupo nina Harvey sa mga gusto nilang babae. Taga-bigay ng love letter, ng stuffed toys, sokoleyts… tas kahit hindi naman ako nanghihingi ng kapalit, bibigyan pa rin nila ako ng chips, o kaya ng inumin. Kaya nakaipon ulit ako kahit pa’no.

“Charlie, pinapabigay ni Martin,” bulong ni Harvey sa’kin bago inabot ‘yung bulaklak.

Kinuha ko naman ‘yun tas napatingin ako kay Martin na malawak ang ngiti sa’kin. Nag-thumbs up naman ako. Tapos humarap ako kay Abby. “Pinapabigay daw ni Martin,” sabi ko tapos grabe ‘yung pamumula ni Abby, abot hanggang tenga eh, hehehe. Pero napalatak ‘yung grupo nina Martin kaya hindi ko alam kung sa tamang kaklase ko ba pinasa ‘yun.

Hindi ko alam kung anong nangyari kina Martin at Abby nun. Basta naging sad si Abby.

Tinanong ko si Martin kung nagkamali ba ako pero tumawa lang siya. Hayaan ko na lang daw. Siya na raw ang bahala. “Pero… Charlie, anong gagawin mo ‘pag may nanligaw sa’yo?” parang naiilang niyang tanong sa’kin habang sabay kaming naglalakad papunta sa gate matapos ulit niya akong hintayin sa practice namin sa softball.

“Eh? ‘Di pa ako pede dun eh,” sagot ko naman habang naglalaro ng Flappy Bird.

“Ha? Bakit naman? ‘Yung mga kaklase natin nagliligawan na ah. Bakit ikaw ‘di pa pwedeng ligawan?”

Nagkibit-balikat ako. “Enko. Tanong mo kila kuya ko,” sabi ko sa kanya. Ayoko ngang ako ang magtanong. Mamaya kung ano na namang isipin ng mga ‘yon, pagalitan na naman ako kahit wala naman akong ginagawa.

HATBABE?! Season 2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz