Chapter 2 . Coincidence

Start from the beginning
                                    

"Where are you going?"tanong ni kuya pero nakatingin lang siya kay Bea.. anong nangyayari?

"Kuya, don't mind us. Puntahan mo nalang si Kuya Brian at lumabas kayo." sabi ko at linagpasan namin siya.

"Ano nanaman problema non?" tanong ni Caly.

Nag kibit-balikat ako. "Malay ko dun"

Pumunta na kami sa isang sikat na kainan dito sa resort.

Kumakain kami at nag kwekwentuhan nung maramdaman ko na parang may nakatingin sa akin. Linibot ko ang tingin ko at nakita si Travis na nakatingin sa akin.

"Bea"tawag ko kay Bea. Napatingin naman si Caly at Bea sakin.

"What?"tanong niya sakin.

"Hindi ba yun si Travis? Kasama yung bestfriend niya?" Tanong ko at napatingin naman sila doon sa tinuro ko.

"Oo nga" sabi niya.

"So may nakilala kayo kahapon at yan iyon?" Tanong ni Caly.

Tumango naman kami.

"Alam niyo guys.. maliit lang naman tong resort baka coincidence lang" sabi ni Caly.

"I don't know.. I still find it creepy." sabi ko at nginitian sila.

Napatingin ulit ako sa pwesto nila travis at nakita kong wala na sila doon. Medyo nakahinga ako ng maluwag.

"Well guys.. hayaan nalang natin sila. Basta mamaya sa Bar tayo ah!" sabi ni Caly at tumango naman si Bea.

Tumango ako. "Sige.. pero I am sure kasama sila Kuya"

"Hayaan niyo sila. Wala naman silang magagawa and sigurado akong mag paparty party din sila don." sabi ni Caly.

She got a point there..

Hindi ko nalang pinansin 'yon kahit na pilit bumabalik sa isip ko ang mukha ni Travis.

Bumalik na kami sa kwarto namin pagkatapos namin kumain.

"Guys. Puntahan ko lang parents ko " paalam ko sakanila.

"Okay, tutulungan ko nalang muna si Caly mag ayos ng gamit." sabi ni Bea at tumuloy na ako sa labas.

Paglabas ko, bumukas din yung pintuan ni kuya.

"Kuya" tawag ko sakanya. Napalingon siya sakin.

"Usap tayo" sabi ko sakanya at tumango naman siya. Pumunta kami sa balcony ng kwarto nila kuya Brian.

"Saan si Kuya Brian?" Tanong ko habang humihilig sa railings.

"He went out to grab some drinks" sabi niya sakin.

"Kuya.. about kay Bea" panimula ko.

Bumuntong hininga siya kaya natigil ako sa sasabihin ko.

"What about it?" tanong niya sakin. Ngumiti naman ako at inakbayan siya.

"Gusto mo ba siya?" tanong ko sakanya.

I was expecting his outburst of disgust pero nagulat ako sa reaksyon niya.  Dapat galit siya pero tumingin lang siya sa malayo.

"GUSTO MO SIYA!" pasigaw na sabi ko habang kinikilig.

This is totally unexpected!

"I did not say anything" sabi niya sakin habang naka ngisi.

"But you did not say no either" sabi ko sakanya habang nakataas ang kilay ko.

Huli ka! Now I know why you're acting like a jealous boyfriend!

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now