Chapter 2- A Beautiful Mess

18 0 0
                                    

The roots of education are bitter, but the fruit is sweet.

-Aristotle

**** 

July 15, 2014, Monday, 7:54 am

AaaAAAahHHhHhh!!!!! Super Late na naman ako!!! huhuhuhhuu.. Pasigaw na sinasambit ni Meann habang tumatakbo papuntang school. Well, super late talaga. (7:30 am ang start ng kanyang klase). As usual, hapong hapo na namang nakarating sa harap ng pinto si Meann. Hingal na hingal na halos walang hanging magagamit upang sya ay  makapagsalita. Nagpahinga muna sya ng mga 5 sigundo upang maibalik ang normal nyang paghinga at para narin makahingi ng paumanhin sa kanyang guro. Sa aktong Paghawak nya sa doorknob ay biglang bumukas ang pinto sabay ng isang pabulyaw na pambungad ng kanyang guro.

"Ms. Mary Anne Makulog!!!... Your late again!!!.. What things in earth make you always late in my class?  It will surely affect your grades. don't you know that? Aba'y wag kang magpakakampante, Kung lagi mong gagawin yan, mapipilitan akong ibagsak ka!!!.... blah..blah..blah..."

*****

Gulat na gulat si Meann sa reaksyon ng kanyang guro. Para bagang kakainin sya nito ng buhay. Hindi nya kasi ineexpect na ganoon ang magiging reaksyon ng kanyang guro. Para naman kasing OverReaction na yun. Ganoon paman, walang nagawa si Meann kundi lunukin lahat ng mga sinasabi at init ng ulo ng guro. Ito ay kahit na halos kasing bigat ng isang buong BUS ang mga  naririnig nya.  Samantalang ang kanyang mga classmates ay puros mga nakayuko dahil takot na baka sila ang pagbalingan ng galit ng guro.

Si Ms. Galvez ang professor ng unang klase nila Meann sa school. Base sa obserbasyon ko, mga 60 y/o na sya. Alam nyo namang pag matandang dalaga mejo mainitin ang ulo. Kaso sino ba namang matutuwa kung ang istudyante mo ay laging late? Mabait naman talaga si Ms. Galvez. Gusto lang nya every time is quality time, tama din naman kasi sya dun. Naku parang tigre kung magalit. Walang mangangahas na magtanung sa oras ng klase nya at talagang maiihi ka sa saluwal pag ikaw ang napiling magrereport sa klase. Ipapanalangin mong sana classes suspended. Kaya naman tuwang tuwa sila pag walang pasok, at least walang stress- No Galvez, no stress. Yan ang motto sa loob ng kanilang room.

*****

"Ms. Makulog!!! nakikinig kaba sa mga sinasabi ko? Lumilipad na naman yang utak mo, kung meron ka man nyun. Siguro lumilipad yan kasi walang laman kaya magaan. Naku Ms. Makulog, kung babayaran mo ko ng singkwenta pesos sa tuwing malelate ka nakalimang libo na ko. Hala pumasok ka na nga dito at pumunta ka na sa upuan mo. Masyado mo nang nadelay yung klase ko..."

That One In My DreamsWhere stories live. Discover now