“Alfred ang sakit sakit, parang niloloko lang niya ako. Nung isang gabi pa yun, hindi ko ininda, hinayaan ko lang, I acted normal, parang wala lang, nakipagkita pa din ako sa kanya, tinetext ko pa din sya na parang wala akong alam pero kanina nung hindi nya ako napagbigyan, dun na bumuhos lahat tapos tatanungin nya ako anong problema? Hindi man lang ba sya pinapatay ng kunsensya nya gabi gabi na may ginawa syang kasalanan saakin tapos aarte arte sya na parang walang nangyari? Feeling nya bobo ako? feeling nya tanga ako na hindi ko malalaman? Sa totoo lang nagpapasalamat pa nga ako kung sino man yung nagsend nun sakin kasi at least nalaman ko, hindi ako magmumukhang tanga all these times.”

Niyakap lang nya ako habang umiiiyak, nakikinig sakin, hindi nagsasalita.

“Alfred nagtiwala ako, sabi nya patutunayan nya na hindi sya tulad ng ibang players. Alfred ang sakit sakit.”

****

Hindi ko alam paano ko sya patatahanin. Sino ba ako para manghimasok sa buhay nila Angelie at Mike? Ako lang naman si Alfred Seña Uy, kaibigan ni Angelie, ka org, wala ng iba. Kahit alam kakilala ko sila pareho, wala akong alam sa tunay na kaganapan. Kahit na iniisip ko na napakatarantado ni Mike, wala akong karapatan. Naawa na ako sa kanya, halos di na sya makahinga sa sobrang pagiyak, wala naman akong magawa kundi yakapin sya, baka sakaling sa ganung paraan, maramdaman nya na may nakakaunawa sa kanya.

“Anong gagawin ko? anong sasabihin ko? sisigaw nanaman ba ako? Alfred pagod na ako.”

Hinawakan ko sya sa ulo, nakatitig. Pulang pula na yung ilong nya, yung mata, namamaga. Alam ko paano masaktan, nasaktan na ako maraming beses pero ang hindi ko lang alam, paano nga ba ang eksatong nararamdaman ng babae. Habang tinitigan sya, parang sumisikip din yung puso ko, ang hirap syang tignan na ganito ang itsura, ang sakit sa pakiramdam, parang feeling ko iiyak din ako. Ano nga ba dapat kong sabihin? Ano nga bang dapat kong gawin? Parang wala naman akong karapatan magsalita laban kay Mike kasi hindi ko naman alam ang tunay na nangyari, side nya lang ang napakikinggan ko pero isa lang ang alam ko at paniniwalaan ko, yung umiiyak ngayon si Angelie dahil nasaktan sya.

“Tahan na Angelie, nandito lang naman ako eh.” Sabi ko, ano pa bang ibang kaya kong maioffer kundi sarili ko na handang makinig sa kanya?

“Alfred bakit ganun? Bakit ganito? Mali ba ako?” iyak pa din sya ng iyak. “Wala naman akong ginagawang masama ha? Oo, una suplada ako pero san ba ako nagkulang? Minahal ko naman sya ah, nagging totoo naman ako ah?”

Ang sakit sakit makita syang ganito tapos wala akong magawa. Kung pwede ko lang sugurin si Mike, ginawa ko na. Basang basa na yung polo ko ng luha nya, hindi sya humihinto, tuloy tuloy pa din. Parang kinukurot yung puso ko sa nakikita ko ngayon. Ano ba kasi talagang nangyari? Ano nanaman tong kagaguhan na ginawa ni Mike? Pangalawang beses ko na tong nakita si Angelie na umiiyak, pakiramdam ko nagiinit buong katawan ko, gusto kong kumprontahin nalang sya, alamin bakit sya nagpapakaganito?

Mahigit siguro bente minutos na walang humpay sa kakaiyak si Angelie, nung natapos sya, nakahinga na din ako kahit papano.

“Okay ka na?” tanong ko.

“Ewan.” Sagot nya.

“Dyan ka lang, bibili lang ako ng tubig.” Sabi ko saka ako tumayo at tumakbo sa cafeteria.

Dinalian ko ang pagbili, buti na nga lang walang pila kasi patay na oras, nung nakabalik ako sa may benches sa field, nandun pa din sya, nakaupo, tulala.

“Oh.” Binuksan ko yung bote ng mineral water.

“Thank you.”

“Tapos ka na ha?”

“Panong tapos na eh di ko pa nakakausap si Mike!” ito nanaman, nagsisimula nanaman syang umiyak.

“Tignan mo nga yang ilong mo, daig po pa si Mcdo sa pamumula eh!”

“Ewan ko sayo!”

“Oo nga. Tapos yang buhok mo, baka sabihin ng iba san tayo galing sa itsura mo.” Tinuro ko yung gusot na polo ko, “Tapos lukot lukot na din tong polo ko dahil sayo.”

Napatitig sya sakin tapos bigla nalang akong hinampas ng malakas.

“KADIRI KA PA NGA!”

“Anong kadiri? Aba Angelie, wala akong iniisip na kadiri ah, baka ikaw.” Napapangiti na sya, “Yuck Angelie, green minded ka pala eh!”

“Hindi kaya!!!” hampas nanaman.

“Ang ibig ko kasing sabihin baka isipin ng mga tao na inaway kita kasi yang mata mo namamaga, anong kadiri dun?”

“HINDI EH! KASI NAMAN EEEEHHH.” Hampas ulit, pangatlo na.

“Galit ka na nyan?” tanong ko.

“HINDI AH!”

Tumatawa na sya, kahit na para syang sira na namamaga pa yung mata, namumula, at least tumtawa na sya. Napangiti nalang din ako, kahit papano, napanatag ng kaunti yung loob ko.

Sandali ng onti, tumahimik nanaman sya.

“Thank you ha? Para na akong tanga dito iiyak tapos tatawa.”

“Buti napansin mo.” Tukso ko nanaman.

Tawa na sya ng tawa. Natatawa kasi nasasaktan. Ganun naman madalas yung mga taong nagpapanggap na malakas. Sinusubukang tumuwa sa gitna ng pagiyak nila para lang maibsan yung sakit na nararamdaman nila. Naubos nya na nga yung mineral water na binili ko sa kanya, hindi nya man lang napapansin yun. Tapos nagsimula na syang magkwento. Magkwento tungkol sa buhay nya na walang konek sa nangyari ngayon. Sinasabi nya na kapag nakita daw sya ng nakababatang nyang kapatid na si Arianne, malamang, tatawanan daw sya. Tapos hayun, kinwento nya gaano kakulit yung kapatid nya, kung gaano sila kadalas magaway kahit na magkalayo yung agwat nila. Pati yung aso nila, nasama sa usapan tapos natatawa sya sa mga kinekwento nya. Hinayaan ko nalang, nakinig nalang ako, nakikisakay kasi alam ko naman lahat ng pinanggagalingan nitong usapan na to. Iniiwasan nya lang alalahanin yung nangyari sa kanila ni Mike.

“May klase ka pa ba?” tanong ko.

Tinignan nya yung relo nya.

“HALA!!!! ABSENT NA KO! BAKIT HINDI MO SINABI NA ALAS TRES NA!” Naghyhysterical na sya na parang walang problema. “UY ALFRED, TRY KO PANG HUMABOL, MAY GROUPINGS KAMI NGAYON, TEXT NALANG KITA MAMAYA HA.”

Bago pa ako nakaimik, pinunasan nya na yung tiring basa ng luha sa mata nya at nagsimulang manakbo paakyat sa classroom nya. Natawa ako. parang kanina lang, iyak sya ng iyak dahil kay Mike ngayon, parang mas problemado pa sya dahil late na sya sa klase. Pinagmasdan ko sya hanggang sa nawala na sya sa paningin ko...

*********************************************************************************************

IF YOU LIKE THIS CHAPTER, PLEASE DONT HESITATE TO LEAVE A COMMENT AND VOTE! :)) THANK YOU FOR READING!

Note: Sorry if natagalan ang update, kailangan ko pang magmakaawa sa aking ina para lang makuha ulit ang pinakamamahal kong laptop. Sa mga susunod na araw at linggo, magiging sobrang busy po ako lalo. Mala-Angelie na ang dating. Sa mga incoming freshies sa Beda, you will see me sa Orientation nyo since i'll be hosting. :) *cheers* Plus, i've got check ups and a lot of things ahead. if you have requests or any questions, feel free to text me or message me in facebook o kahit dito, lagi naman akong online eh, kaso wala lang masyadong time magupdate. I'll see you soon okay? Wish me luck sa mga incoming activities ko. 

xoxoMara

Liempo ( A story of Rival Colleges)Where stories live. Discover now