Chapter 29 ♥ Happy Forever

Start from the beginning
                                    

"Okay mom."

"Okay mom."

Sabay silang sumagot at kumuha na sila ng sandwiches nila. 

Habang pinapanood ang kambal, napapangiti ako. Mula pagkabata nila, todo alaga na kami ni Kyle sa kanila. Ayokong maging negative kaya palaging positive ang aura dito sa mansyon namin. 

Mahal na mahal ko ang kambal. Anak ko sila. Anak namin sila ni Kyle. Gusto kong i-enjoy lang nila ang pagkabata nila, no worries, no problems. Di bale ng ako ang magdala ng lahat. Wag lang ang kambal. 

Krrrinnnnggg..

Yung phone ko nakapatong sa table. Inabot ko iyon. 

Gummybear calling..

"Gummy bear."

[I love you baby ko.]

Okay. Automatic akong napangiti. Kung yun ba naman bubungad sayo. 

"I love you too gummy bear."

[How's the twins?]

Tumingin ako sa kambal. Enjoy na enjoy sila sa pagkain ng sandwich nila. "They're fine. Perfectly fine."

[Good. Nararamdaman ko baby ko kung anong nararamdaman mo ngayon. Cheer-up okay? Ilang taon na ang lumipas. Ngayon ka pa ba mag-aalala ng ganyan?]

"Hindi na po gummy bear. By the way, mag-o-overtime ka? Pwede ka bang mag-leave bukas para makapasyal naman tayo." Sabi ko. Hindi na kami nakakapasyal eh. 

[Hm, I'll see. Mag-usap tayo pag-uwi ko. I love you. Tell to twins that I love them, so much.]

Yung ngiti ko 'di na nawala. So sweet of my husband. "Okay I will."

[I'll hang up. Bye.]

*toot toot*

"Is that Daddy?" Tanong ni Chylee. 

"Yes baby."

Kumagat siya sa sandwuch bago ulit nagsalita. "He's not going home yet?"

"Pauwi na din siya baby. Okay? Pinapasabi ng daddy nyo na love niya kayo."

"I love him too!"

"Yes. I love him too."

MPMMN 3: Together ForeverWhere stories live. Discover now