Chapter 45

2.5K 36 0
                                    

Gongju/ Hell's POV

Unti-unting iminulat ko ang mata.

Itim na ceiling agad ang tumambad sa akin.

Tsk. Black.


White is the color of my ceiling.

Sumagi sa isip ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay.

F@ck.

Naging alerto ako habang sinusuri ang paligid.

My guess is right. It's not my room

Tinignan ko ang suot. Napahinga naman akong makitang  ganoon pa rin yun.

Napatingin ako sa silid. Malaki at malawak. The room is design for male owner. At sa amoy. Halatang halatang panlalaki talaga.

The King Size Bed kung saan ako ngayon nakahiga.

Sino kaya?

I know marami akong gustong patayin. That's life at matagal ko na yung tanggap.

At isa pa mataggal ko na ding tanggap na hindi na ako magtatagal sa mundong ibabaw.

Hindi sa natatakot ako sa mga kalaban. Sarili kong katawan ang kinatatakutan ko dahil hindi ko alam kung kailan ito susuko.

Bakit?

Well my heart is not functioning. Hindi to tumitibok kagaya ng normal na puso.

Yes. Isa nga yun himala. Dahil nagawa ko pang mabuhay kahit hindi na tumitibok ang puso ko.

Hindi ko man alam kung papanong nangyari yun.? Pero naniniwala pa rin ako sa Diyos.

Yes. Siguro siya yung nagbigay ng buhay na to kahit hindi na tumitibok ang puso ko. At alam kong abnormal ang pangyayari yun. Kaya walang nakakaalam kung di ang sarili ko lang.

Mula nang mangyari ang bangungot na yun at ma diskubre ang kakaibang to sa katawan ko. Hindi ko na nagawang lumapit sa Ospital. Sa mga Doktor at mga espesyalista. Dahil once na nalaman nila. Hindi ko alam ang mangyayari. Ang daming tumatakbo sa isip ko kapag nalaman ng iba kaya mas pinili ko na lang itago.

Ayaw kong pag expermintuhan ako. Dahil naranasan ko na yun. Ang mga kakaibang nangyayari sa katawan ko ay dahil sa kagagawan ng Demonyong yun.

Siya yung taong sumira ng buhay ko.

Dahil sa mga nakapakaraming lason ang inilagay nito sa akin. Sa mga oras na yun para akong laruan nito.Hindi ko na mabilang ang itinurok nito sa akin. Sa isip ko yun na ang magiging katapusan ko.

Malaki ang pasasalamat ko na hanggang ngayon buhay pa rin ako.

Siguro binigyan ako ng diyos na mabuhay at magawan ng paraan ang paghihirap ko. I' ll do everything to find the antedote.

At sa ilang taon na paghihirap. I made it. Nagawa ko pero...

Kung saan naging tagumpay ang paggawa ng antedote. Hindi rin yun nagtagal dahil sumabog ang lugar kung saan yun ginawa.

Gusto ko mang sumbatan ang Skyland Demon hindi ko magawa. I know nagawa nila yun dahil sa galit.
Bago sumabog ang lab nagawa nitong ipadala ang isang halimbawa ng antedote. Yes. Yun na lang ang naiwan sa akin. At malaki ang pasasalamat ko.

Masakit man isipin na hindi ko na magagawang manatili ng matagal sa mundong to. Nagawa ko naman iligtas si Era. Yes. Tama kayo.

My antedote ibinigay ko sa kanya. At maniniwala akong makakaligtas to.

QueHeirEmp (Completed)Where stories live. Discover now