Napatingin ako sa bag ko. Sino naman ang tumatawag? At sinong nagpalit ng ringtone ko?!

"Sagutin mo baka si Josh mo yan."narinig ko ang mapakla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya."Ang ingay. Sagutin mo na."

"Ano bang problema mo ha?!"tanong ko ulit at walang lingon lingon na cinancel ko ang call. Lecheng kanta eh."Kanina ka pa! Hindi mo ako pinapansin! Hindi ka umiimik! Tapos galit ka dahil lang maingay ang phone ko?! Muntik pa tayong madisgrasya!"

Hindi siya umimik o kahit lingunin man ako. Umayos  siya ng upo."Seatbelt. Iuuwi na kita."walang lingon lingon na sabi niya.

"Hoy! Hindi mo ako papansinin, ganun ba?! Hindi ka man lang sasagot at iimik dyan?! Ganito na lang ta--"

"SHUT UP!"

Natameme na ako sa pagsigaw niya. Galit na galit ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

Timing naman na may nagcall na naman sa akin

Kahit na binabato mo ako ng kung ano-ano

ikaw pa rin ang gusto ko

Kahit na sinasaktan mo a---

Naputol ang kanta ng bigla niyang kunin ang phone ko sa kamay ko at siya na nagcancel yun.

"Ano ba?!"sigaw ko ulit.

"Kung hindi mo sasagutin. Patayin mo!"sigaw na naman niya.

My ghad! Hindi ko na 'to kaya! Walang patutunguhan ang sigawan namin nito! Hindi niya ako sinasagot! At leche pa yang kanta sa phone ko! Lagot talaga sa akin mamaya si Katie!

"Yan na lang ba, Antonio?! Ang phone ko na lang?! Kung galit ka sa ingay ng phone ko baba na lang ako!"sigaw ko sabay hawak sa bukasanan pero agad na nilock yun ni Antonio."Ano ba?!"

"Umayos ka nga!"

"Ako pa ang mag-aayos?! Ikaw ang umayos Antonio!"lumingon ako sa kanya na galit na galit."Hindi ko na matiis yang ugali mo ngayon Antonio! Can't you be like Jo---"

"JOSH?! JOSH NA NAMAN BA?!"napaatras ako sa lakas ng sigaw niya."Osige! Doon ka sa Josh mo! Siya naman ang gusto mong maging boyfriend mo, diba?!"

"An--"

"Bukas na po yan! Di na yan nakalock! Doon ka kay Josh magpasundo! I'll bet he will never decline you! Bestfriend nga kayo diba?!"sarkastikong sigaw niya sabay tawa ng mapakla."Ano pang hinihintay mo?! Baba!"

"Fine! Baba na ako! Leche! Kung sinabi mo sana nung una pa na nagseselos ka hindi sana tayo hahantong sa ganito!"aktong baba na sana ako pero napahinto ako sa sigaw niya.

"Kapag sinabi ko bang nagseselos ako lalayuan mo ba si Josh?!"napalingon ako sa kanya at nakatingin lang siya sa akin ng seryoso."Oo nagseselos ako! Nagseselos ako kanina pa! The way you laugh with him a while ago and the way he messed up your hair! I hate it! Gusto ko siyang suntukin kanina sa mukha! Gusto kong kaladkarin ka palayo sa kanya! Pero hindi ko magawa dahil alam ko he's you're bestfriend! I want to punched him hard but I didn't just for you!"

Natameme ako sa mga sinabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinahabol ang hininga niya. Ano bang dapat kong sabihin? May dapat ba akong sabihin after what he said?

Natauhan yata si Antonio kasi bigla siyang namula at nag-iwas ng tingin."Tsk."

Hindi rin ako makapagsalita kasi andito na naman yung kabog sa dibdib ko.

Bigla na namang tumunog ang phone ko at narinig ko napamura siya."Fck!" but this time hindi niya ako tinignan o sinigawan. Sa labas lang siya nakatingin.

Tinignan ko naman kung sino ang tumawag. Si Josh.

"Just answer the phone now.."mahinang sabi niya pero halata pa rin ang inis dito.

Tinignan ko ulit ang screen ng phone ko bago nireject with a message.

To: Josh

Later. Galit si Antonio.

After that nilingon niya ako."You didn't answer?"umiling ako bilang sagot."It's not Josh?"

"It's Josh. Tinext ko na lang siya."umupo ako ng maayos at nilagay ang seatbelt ko.

"The why didn't you answer?"kunot noong tanong niya habang tinititigan ako."Crush mo siya diba?"

Nagkibit balikat lang ako."Just drive. Gusto ko ng umuwi, Antonio."pagod na sabi ko.

Hindi siya umimik nakatingin pa rin siya sa akin."Ano pang hinihintay mo?"tanong ko.

"I'll drive later. May gusto lang akong malaman."seryosong sabi niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at naghintay."Do you...do you have feelings for my bestfriend?"mabilis na tanong niya na muntik ko ng hindi mo intindihan.

Hindi agad ako nakasagot kaya napabuntong hininga siya."Fine..iuuwi na kita."matamlay na sabi niya.

Anong isasagot ko?!

***

Pagkaparada niya ng kotse ay agad siyang lumabas ng driver's seat at umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Abah. Bago 'to.

"Salamat."sabi ko paglabas ko ng kotse niya. Sinera naman agad ni Antonio ang pinto at tumingin sa akin.

"Don't fall for him.."

"Ha?"

Nagtataka akong tuming sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin na halos manlambot ang mga binti ko sa titig niya. Sobrang intense ng pagkakatitig niya sa akin.

Damn those eyes.

"I don't care if you have feelings for him but remember..."sabay hakbang niya papalapit sa akin kaya napaatras ako pero napasandal naman ako sa kotse niya. I'm trap!

Nakita ko namang ngumisi siya at hinarang ang left side ko gamit ang right arm niya sabay yuko.

"Remeber I'll make you fall for me..."sabay smack kiss sa ilong ko."..hard."

---To be continue...

Twisted Red String (completed)Where stories live. Discover now