Malala na talaga sila. Ganun na ba sila ka-obsess sa pagpapakasal ko? Parang dati lang ayaw nila sa ex-girlfriend ko.


💍💍💍💍💍💍

Sa paghihintay ko kay Heira, naabutan ako ng isang babaeng kaibigan nya siguro. At tinanong nya ako kung balak ko daw bang sunduin ang kaibigan nya. Dahil medyo bad mood ako at dahil ayaw ko naman talagang gawin 'to ay hindi ko na lang sinagot ang tanong nya, hindi ko din kasi trip makipag-usap sa taong hindi ko kilala at lalo na, sa babae pa.

Mabuti naman at iniwan na ako ng isang 'to, malamang tawagin na nya yung babaeng yun. Anak ng pota kanina pa kasi ako nagaantay dito.

"Heiraaaaaa!!" Rinig kong sigaw sa taas.

Teka baka kung ano na ang nangyari dun! Mahirap na kargo ko pa kung may masamang mangyari, kaya agad-agad naman akong umakyat sa taas

"Anong nangyari?" Tanong ko sa babaeng kaibigan nya. Eh sa hindi ko alam ang pangalan eh.

"Wala dito si Heira nawawala sya."

Pagkatapos nilibot ng mata ko yung buong kwarto gulo-gulo ang lahat, grabe hindi obvious na kahit sa cabinet hinanap nya si Heira

Pagkatapos, biglang bumukas yung pinto ng cr.

"Eh-h... A--andito naman pala sya eh." Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, sino ba namang lalaki ang hindi magkakaganito kung makakita ka ng babaeng nakatapis lang ng twalya tapos medyo basa pa ang buhok nya.

Makinis ang balat at balingkinitan ang katawan. Sh*t! baka hindi ako makapagpigil. *gulp

"Ah... S-sige. l--lalabas mu-muna ako."


Heira

Ang ingay naman ni Cyntie rinig hanggang sa loob ng cr eh, narinig ko rin ang paglagabag ng mga kung ano-anong bagay sa kwarto ko, ano ba ang trip ngayon ng babaeng yun?

Nagmadali na tuloy akong magbanlaw para makalabas na agad ng mapahinto yun, pero paglabas ko naabutan ko naman ang kwarto na sobrang kalat as in gulong-gulo ang lahat ng bagay, at hindi lang si Cyntie ang naabutan ko, dahil andun din si Clyde.

Si---si Clyde?!

Sh*t! nakakahiya!!! bakit ba kase sila andito? Hindi ko na muna inintindi ang gulo ng kwarto ko, ang inaalala ko ay si Clyde...

Leche! Wala na ata akong mukhang maihaharap pa sakanya. Nakakahiya talaga! Buti na lang at nakalabas sya agad kasi pakiramdam ko namumula yung mukha ko.

"Ano bang ginagawa ni Clyde dito?" Tanong ko kay Cyntie kami na lang ulit kasi ang nandito sa loob

"Eh, bestfriend sorry ha. Kasi akala ko flumay away ka na somewhere eh, napasigaw ako tapos gumora here si Fafa Clyde na super worried sayo."

"Ba't ka ba kasi nakasigaw? Yan tuloy napasugod sya dito, nako bes malamang sa malamang naingayan lang yun sayo kaya nagmadaling pumunta dito para patahimikin ka,"

"Hay... Nako bes, talaga. Ayaw mo pang maniwala na may care sya sayo. Nako stepping stone na yan siguro sa pagkakagusto say kyaah!"

"Ano? Stepping stone?! Ano naman yun? Mauuna pa munang magunaw ang mundo bago magkaroon ng care yun sa paligid nya. Trust me." Nagbihis na muna ako at saka pinagpatuloy ang usapan namin.

"Ofcourse not. Susunduin ka pa nga eh."

"Weh? Bestfriend end of the world na ba?"

Binatukan ba naman ako "Haay... Ewan ko sayo!"

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon