*BONUS SPECIAL #2: Gonna Make Love

2.3K 29 3
                                    

*BONUS SPECIAL #2: Gonna Make Love

(Eto na po talaga yung pagkatapos ng kasal nila Heira...)


Heira's POV


Pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay.. nag-aya ng umuwi si Clyde sa bahay, ni hindi ko man lng naihagis yung boquet ko dahil dali-dali nya akong kinaladkad papunta sa sasakyan ng makalabas kami ng simbahan.

nakakahiya sa mga bisita, ni hindi man lng namin sila naharap. At ni hindi man lng ako nakatikim ng handa namin, ano pa yung sense nung food tasting at mga pagkain na pinili kong iserve sa reception kung hindi naman pala ako makakatikim tch...

paghinto ng kotse sa bahay ay kinaladkad na naman ako ng loko papasok ng gate.. hanggang dun lng kasi yung kotse sa labas.

Matagal-tagal na rin pala simula nung huli kong nakita ang bahay na 'to. nung OJT pa kasi ako hindi ako nakakauwi gawa ng masyadong mahigpit yung head nurse namin. Saka alam nyo naman na hindi pa rin kami ayos nun ni Clyde dahil~

naputol ang pagmomoment ko ng bigla akong buhatin ni Clyde papasok ng bahay. Yung buhat na bagong kasal aa.. hindi na yung buhat na parang may dalang sako ng bigas.

"akala ko ba hindi ka naniniwala sa pamahiin?" tanong ko

"pakialam ka pa. Ang bigat mo kaya" sya

"e.. Sino bang nagsabing buhatin mo ako?!"


pero.. hindi na sya nakipagtalo, at hanggang sa makarating kami sa second floor ay buhat-buhat nya pa rin ako.



Pagdating sa kwarto ay ibinaba nya ako sa sofa pagtapos nun at hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

"Heira!!! Heira!!" dinig kong sabi ng yumuyugyog sakin

"ha? hhuh? Bakit?"

"Anong bakit?! bumangon ka na jan. masyado mo namang naenjoy ang pagsusuot ng gown" sya

Oo nga pala... nakagown pa ako, nawala sa isip ko pero... saka na nga yun dahil mas gusto ko pang matulog kaysa magbihis "mamaya na" sabi ko at saka bumalik na ako sa mahimbing kong pagtulog

"anong mamaya?! magpalit ka na o gusto mong ako ang magbihis sayo" he grinned

Nabuhay ang loob ko ng sinabi nya yun... napabalikwas ako sa sofa dahil sa pagmamadali kong bumangon.. shit! nalaglag ako


"kahit kailan ka talaga" sabi nya ng makalapit sa akin at inakay ako patayo

"aaaah... teka wag!" sigaw ko

"bakit?"

"yung... paa ko, masakit. hindi ko maigalaw" sabi ko

ay.. tanga! nasabi ko na lng ng mapatingin ako sa paa ko.. Paano kasi nakaheels pa rin pala ako.

"psh.. ang tanga mo talaga kahit kailan" sya

"psh... tulungan mo pa kaya ako dito"

Ihiniga nya ako sa kama at nagpaalam na tatawagan nya yung family doctor namin. gusto ko sana sya barahin kasi ang OA nya lng.. pero ang sweet.

ay.. ang ewan ko lng



Clyde's POV


Ang tanga naman talaga ng babaeng yun kahit kailan oh. magbibihis na nga lng natanga pa psh... mabuti na lng at nandito ako.

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon