Chapter 4

9.4K 246 23
                                    

Chapter 4

Heira

Sobrang shocked pa rin ako sa nalaman ko ngayon, tuloy hirap na hirap ang braincells kong i-process ang information. Bakit ba naman kasi sa lahat-lahat na lang ng taong mapapangasawa ko ee.. Ito pang lalaking 'to?! mas gugustuhin ko pa yatang ikasal sa tambay sa kanto kesa sa lalaking mayabang na 'to eh.

Pag-alis ng event coordinator ay binitiwan ko na rin ang braso nya. Ayaw ko ngang madikitan ng tulad nya.

"A-anong ba kasing ginagawa mo dito?" syempre naninigurado lang

"Eh.. Ano pa kaya? 'De eescortan ko yung fiance ko. Kunwari ka pa gusto mo din naman pala akong escort." *he grinned

"Asa ka pa. ginawa ko lang yun para mapaalis na yung babae kanina no! Para naman makapagsimula na tayo at para na rin matapos ang kalokohang ito."

"Siguro na-love at first sight ka sa akin no Miss? Pina-alis mo sya dahil gusto mo akong ma-solo?" Iniipit nya ang laylay na buhok ko sa aking tenga at sinabing "Wag kang mag-alala my princess, dahil pagkatapos ng lahat ng ito, sayong-sayo naman ako."

"Escortan mo yung sarili mo! Dyan ka na nga leche."

Ayokong makasal! At lalo pa sa kanya? no way talaga! sa mayabang na 'to? Oh no! I must be dreaming. Heira gising!!!

Kung nagtataka kayo kung kilala ko sya well, hindi naman ganun kakilala I barely even know him. Yes him, Isa lang naman syang bwisit sa buhay ko.


Flashback...

Isang gabing nagutom ako nagpunta sa 7eleven para sana bumili ng favorite kong strawberry ice cream.

"Yey! After how many years makakatikim na rin ako ulit ng ice cream na yun!" pero syempre mahina lang ang pagkakasabi ko nyan. yung ako lang nakakarinig. Best seller kasi ng store ang ice cream na 'to kaya naman sobrang saya ko ng may naabutan pa akong isa.

Ayan na mahahawakan ko na.

*pick

Akala ko akin na talaga sya, pero... May nakasabay akong kumuha nun. As in yung kamay namin parehong nakahawak sa iisang ice cream. Dahil nga nag-iisa na lang talaga sya.

"Akin na 'to ako ang unang humawak." Ako

Akala ko naman mag gigive way sya at ibibigay na sakin yung ice cream. Kaso takte di na pala uso ang gentleman sa panahon ngayon.

"Ako ang unang nakakita kaya akin na 'to." *he smirked

"Wala ba sa bokabolaryo mo ang salitang gentleman?!"

"Amm..." Aba nag isip pa ang loko. "Sorry miss pero wala e." Sagot nya

"Oh. ede sorry rin kase babayaran ko na 'to." sabi ko sabay higit sa kanya sa may counter.. nasama sya sa pagkakahigit ko kasi nga hawak hawak pa rin nya yung kabilang side nung ice cream.

Pero nauna syang nakapaglapag ng pera sa counter. Yung cashier lady tuloy hindi alam kung kanino yun ibibigay, tuloy nginitian ng loko yung cashier lady ng pamatay at ang ending, sa kanya ibinigay yung ice cream.

Shit! Unfair ang panget naman nun kung kiligin naman yung cashier lady akala mo naman si GD yung kumindat sa kanya eh mukha namang bakla yung gagong nagnakaw ng icecream ko tch...

"Bye miss." Pagpapaalam nya at sumaludo pa 'to, gagong yun ah.

Inirapan ko na lang sya at saka lumabas na din, nawalan na din tuloy kasi ako ng gana kaya umuwi na lng ako. leche sya!! May araw ka din sakin.

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon