Sana we will be able to have such bonding like theirs. When was the last time we had that bonding? Come to think of it… parang nasa grade 8 pa ata ako nun ah. Before dad got too busy. Too busy to visit his own son… too busy to even call his own  son… too busy to even say hi! Oh, Man! Nasa College na ako ngayon!  How time flies! Matagal na din kaming parang walang pakialamanan sa isa’t-isa. Siguro kung hindi ko nararamdaman ang love  and care sa akin ng ate ko, malamang parang super ALONE na talaga ako. Man! I got too emotional na ah! Ipinilig-pilig o ang aking ulo. I came out of my reverie when somebody bumped me.

“Oh, sorry.” an old woman said.

“Okay lang po.”

Muli kong hinabol ng tingin sina Hany. They were seated near  the fountain of that mall. I approached them.

“Hany.”tawag ko na ikinalingon nila. Wala sina Inigo at ang father niya.

“”Uy, Jon!” si Hany na nakangiti at as usual  suot niya ang famous BLUSH niya. He! He! He!

“Kamusta po.” Sabi ko sa nanay niya na halatang nagulat sa pagsulpot ko.

“Okay lang, iho. Namamasyal ka rin? Nasaan ang mga kasama mo?” tanong ng nanay niya na palingon-lingon sa may likod ko.

“Mag-isa lang po ako. Bumili lang po ako ng gagamitin ko para sa thesis ko.” Nakangiti kong sabi sabay pakita ng aking binili sa National.

“Ah ganun ba?”patangong sabi ng nanay niya.

“Tapos ka na ba sa thesis mo, Hany?”

“Ah… Oo. Review-hin ko na lang ulet para… para ready na ako sa pagde-defend natin.”

“Family Bonding po?”

“Oo, iho. Minsan lang naman ito. Bonding-bonding din pag may time.” Nangingiting sabi ng nanay ni Hany na parang teen-ager lang  ang hirit.

“Kuya Jon!” I smiled when I heard Inigo’s voice. He was holding popcorns on his arms.

“Uy, Inigo!” bati ko sa kanya.

“Magandang  umaga po.” Bati ko sa kanyang  father na may dalang tatlong supot  na take-out sa KFC.

“Magandang umaga naman. “ sabi ng father niya.

“Kuya, may bonding din kayo ng family mo?” tanong ni Inigo na pasimpleng siniko ni Hany.”Bakit? Masama bang magtanong? Sakit nun ate ha.”

Napatingin si Hany sa akin na parang humihingi ng pasensya. May alam na din siya siguro ng konti about sa family  ko.

“Ok lang, Hany.” Sabi ko sa kanya. “Wala kaming bonding, Inigo. Busy sila sa business eh.” Napakamot na lang ako sa ulo. Hindi ko alam na parang napapahiya ako o naaawa ba ako sa aking sarili dahil wala palagi sila sa tabi ko.

“Ah, ganun ba iho. Pasensya ka na sa binata ko ha. Medyo matanong.” Sabi ng father ni Hany na binigyan ng pasimpleng tingin si Inigo. Napatungo naman ang huli.

“Saan pa ang punta mo, iho?” sabi ng nanay ni Hany.

“Pauwi  na po.”sagot ko.

“Kung hindi ka naman nagmamadaling umuwi, Jon eh baka gusto mong makigulo sa amin. Manonood kami ng sine. Itong misis ko kasi at si Hany ay pinilit kami nitong si Inigo para manood ng “Starting Over Again”. Paborito kasi nitong dalawa si Piolo. Gusto sana namin ng action movie eh kaso nanalo sa bidding itong nanay nila. Wala na akong nagawa. ” Natatawang sabi ng father ni Hany sabay kabig sa nanay niya na humilig pa sa balikat. I can see the love in their eyes.

My Grumpy AmoreWhere stories live. Discover now