Chapter 83: Friday Night

Start from the beginning
                                    

>/////////////////<

Kanina pa ako pagulong gulong dito sa kama ko!!! Hanggang ngayon di pa rin ako maka get over!!!!

Mahalaga ka saakin Adrianna…

Wah! So, mahalaga ako sakanya? >_< wahhh!

(Ang tanong, mahal ka ba?)

Anu ba Ms. Bliz! Wag kang KJ!!! Basta kinikilig ako! Walang pakialaman!!! Palibhasa wala kang lovelife! Pag-ihi lang ang nagpapakilig sayo!

Anyways…Sunday na ng gabi ngayon pero hindi pa rin maalis sa utak ko yung nagyare nung Friday night. Kyaaahhhh! Kinikilig pa din ako ng sobra…

Kanina pa ako tingin ng tingin sa cellphone ko kasi alam mo naman if ever ite-text niya ako.

Sabi niya kasi nung Friday e he’ll contact me.

Kaya eto mula nung Friday hanggang ngayon na Sunday na e focused na focused ako sa cp ko. May mag vibrate lang ang bilis na ng takbo ko tas kung hindi si music ang magtext e si Darren o kaya si Red o di kaya ay si deejay. Pero wala man lang akong text na nari-receive kay jonathan…

*bzzzzzzzzt*

From: +63**********

Waahhh! Baka si jonathan na ‘to! Unregistered number kasi e…

Bestie…wala na ako load. Nakitext lang ako. May pasok daw ba bukas?

-__________________-

Akala ko pa naman kung sino na! si Music lang pala!!! Malamang may pasok bukas! Ungas talaga yun!!!!

Tssss…11 p.m na rin. At inaantok na ako…baka hindi na rin naman yun mag text saakin e…

Unti unti na ring napapapikit ang mata ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

KRRRRRRRRRRRRRRRRRING!

“anu ba yan…ang ingay *Hikab*” bumangon na ako. Ang ingay nung alarm clock ko.

O.o

Umaga na! nakatulog ako?!!

Yung phone ko?!!!

Nag-aligaga akong hanapin yung cp ko at ayun!!! Agad ko itong dinampot.

O.O

6 missed calls from +63**********

Wah! Baka si jonathan to!!!

5 texts received.

Dalawa sa texts galling kay music.  Yung isa naman kay red, yung isa kay Darren at yung isa ay kaparehas ng number nung nagmissed call

O.o

Bakit di mo sinasagot? Tulog ka na ba? Jonathan to

 

Waaahhhh!!!!

Bakit ba kasi ako nakatulog?!!!

Wah! Baka isipin niya snob ako.

To: Jonathan ko (Wah! Sinave ko na sa phonebook ko yung number niya hihihihi ♥)

SLR.. miss mo na ko? *erase*miss na kita *erase* (kyaah! Ang landi ko!)

Anu ba ang irereply ko? Ahh eto na lang…

SLR. Nakatulog na kasi ako e.

 

~SENT~

A/N: Sorry sabaw ang update ko ha. Medyo pagod ako e. babawi ako okay? ;) Anyways :) keep supporting this story. Medyo hindi ko pa nga naiisip ang ending nito e. para kasing ma-mi-miss ko si Jonathan at Adrianna. Char lang!

I Hate my Fiance(*^_^*)[COMPLETED~FINISHED]Where stories live. Discover now