Part 2

27.5K 524 1
                                    


PAGKATAPOS ng masaganang tanghalian ay nagkayayaan silang magkarera ng kanilang mga kabayo. Nuong nakaraang linggo ay sina Brandon at Vicente ang naglaban. Now it was his turn versus Charlie.

"Pupusta ako sa manager mo," narinig niyang wika ni Brandon kay Vicente. Kasalukuyan na nila nuong inaayos ang mga kabayo sa starting line. Bukod sa pagiging negosyante niya ay siya rin ang tumatayong manager ni Vicente. Iyon kasi ang kundisyon ng mga elders nila para payagan si Enteng na sumabak sa karera ng pagkanta. Wala namang kaso iyon sa kanya. At binibigyan rin niya ng credit ang secretary niya. Maayos kasi nitong napa-plano ang schedule niya ng sa gayon ay hindi maapektuhan ang pagiging manager niya kay Vicente. Kahit siya ang manager nito ay nagagawa naman niyang manatili sa sideline. Kahit papaano ay gusto niyang pribado pa rin ang buhay niya.

"Okay, kay Charlie ako. What's at stake Brandon?" sagot naman ni Vicente.

Sinulyapan niya ang kinatatayuan ng dalawa. Nakita niya ng saglit na mag-isip si Brandon. "Kapag nanalo si Charlie, ibibigay ko sa'yo kahit anong hilingin mo, anything within my power, cousin. Pero kapag si Dylan ang nanalo, ibibigay mo sa akin si Aris."

Bahagya siyang natawa ng makita niya ang panlalaki ng mga mata ni Vicente. "What?! Hindi puwede si Aris! I love that stallion. Iba nalang ang hingin mo," anito.

Pumailanlang ang halakhak ni Brandon, "Vicente, mas lugi naman yata ako kung sakaling si Charlie ang manalo, imagine, ibibigay ko ang kahit na anong gustuhin mo? Malay ko ba kung hingan mo ako ng isang brand new car."

"But I love Aris!" Palatak ni Vicente.

Natatawang sumabat siya sa dalawa, "magpaalam ka na sa pinakamamahal mong kabayo, Enteng. I'm going to win the race," aniya kay Vicente bago kinindatan si Brandon.

"Nah! Huwag kang pakasisiguro, Dylan. Tatalunin kita at ihanda mo na ang sarili mo para pansamantalang maging waiter sa restaurant ko sa Maynila." Wika naman sa kanya ni Charlie. Iyon naman ang nakasalalay sa karera nila, kapag natalo siya ay aalilain siya ni Charlie sa loob ng isang linggo bilang waiter. Kapag ito naman ang natalo ay gagawin niya itong messenger.

Sabay na silang sumampa sa kanilang mga kabayo. Magsisimula sila sa villa at ang burol ang magiging finish line nila.

"Handa ka na, Dylan?" Nakangising tanong sa kanya ni Charlie. 

Si Dylan ang pinakamatanda sa kanilang apat pero nakasanayan na sa pamilya nila na first name basis ang tawagan nilang magpipinsan. Nagagamit lamang ang salitang kuya kapag naglalambing sila sa isat isa.

Tinapatan niya ang pagkakangisi nito. Maliban sa kapatid niyang si Roel—na ngayon ay nasa America—ay unpredictable na sa kanilang magpipinsan kung sino ang mananalo sa bawat race kaya laging kaabang abang ang karera nila. Bagama't sa pagkakataong iyon ay alam niyang kayang kaya niyang ipanalo ang karerang iyon dahil walang ibang inatupag si Charlie kundi ang kusina ng restaurant nito samantalang siya kahit papaano ay nakakapagsanay sa riding club na sinalihan niya.

"More than ready, brute!" sagot niya.

Nagtapat ang mga kabayo nila sa starting line pagkatapos ay iwinasiwas na ni Vicente ang isang bandila bilang marka ng pagsisimula ng laban. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa renda at inihanda ang sarili.

Sa bilang ng tatlo ay pinaputok ni Brandon ang  flare gun. Mataktikang pinatakbo niya si Lightning. Pero hindi nagpatalo si Charlie dahil humagibis rin agad ang kabayo nito.

The winner was declaredin  two minutes. 

Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)Where stories live. Discover now