H B A M [ CHAPTER 1]

35.3K 974 253
                                    

READERS, ALAM KO NAMAN NA SIRA ULO SI JANE, PERO DAHIL NAG DALAGA NA SIYA.. E MARAMI NA ANG NAG BAGO.

 

Unang chapter pa lang toh.. So sana, magustuhan niyo. Malungkot ng 50% yung first chapter. Pero promise sa mga susunod na 9 chapters.. Magiging makulit at nakakakilig na.. So ENJOY READING GUYS! Ü

H B A M [ CHAPTER 1]

2nd week na ng pagiging Junior ko. At sa araw araw na ginawa ng Dios, maryosep.. Isa lang ang naririnig ko. Yung kanta ng CITHM na ANGEL.

Ewan ko bat ang daming nababaliw sakanila. E sa tutuusin, majority sa mga kanta nila hindi mo naman maintindihan.. Tsaka bat mo sila susuportahan? E hindi ka naman nila kakilala... :/

 

(authors note:ANGEL kanta yun ng EXO.. Ayan siya sa side.. Ü )

 

''DRILLON!! DRILLON! Tignan mo o!! Naka bili na ako ng bagong album ng CITHM?'' tinignan ko lang siya ng mabilisan .  At binaling ko ulit yung atensyon ko sa binabasa kong libro.

''di mo ba titignan man lang?? Tsaka alam mo bang nakipag agawan pa ako para sa album na toh??'' nag smirk ako, at isinara na yung librong binabasa ko.

''bat naman ako mag aaksaya ng panahon at pera para lang bilhin yang album na yan?? Mag kano ba yan??''

''550.''

''550!? Baon ko na yun ng 1week e! nako, kung ako sayo huwag mo nalang pag aksayahan ng panahon yang mga yan. Maluluma din sila..'' sabay balik ko ng libro dun sa bookshelve sa library.

Bilang vice president ng school na toh, bukod sa grades, yung pagiging Vice ko ang second priority ko.. Kase iniisip ng iba, porke Vice President walang ginagawa. Puro yung president lang yung gumagalaw! kaya heto ako ginagawa lahat para ma prove sa kanila na MALI SILA.

''Bakit kase hindi mo itry pakinggan yung kanta nila?? Sigurado naman ako na magugutuhan mo e.'' gamit ng hintuturo ko, itinulak ko yung noo niya.

''Ayoko sakanila! ganun lang yun. Tsaka ano namang mapapala ko sa mga yan? Papansinin kaba ng mga niyan?? Tss..'' tumawa ito na may halong inis..

''Don't tell me hanggang ngayon hinihintay mo parin yung Clarkson na yun.. Kaya na bibitter ka?? Hello 7 years na yung nag daan. Maraming pwedeng mag bago. so MAG MOVE ON KANA GIRL! WAKE UP!!'' I just gave her a blank expression. Nag simula na rin akong mag lakad papalabas ng library.

''Ewan ko sayo Drillon.. Basta ako, sinasabi ko sayo.. Malapit ng matapos yung high school life mo.''

''so?'' pinag taasan ko siya ng isang kilay.

HANGING BY A MOMENT [FINISHED]Where stories live. Discover now