IKAWALONG GABI

27.7K 682 20
                                    

Buong umaga na ako nagsubok, pero hindi ko pa rin makontak si Luna. Cellphone pala ang ibinigay sa akin nung sepulturero at mukhang naka-off ito. Dahil atat akong malaman kung ano ang maaari kong matagpuan sa bakanteng lupaing 'yun, tumyempo na ako mga bandang alas tres ng hapon. Sumuot ako sa siwang ng sirang bakod sa pinakadulo ng sementeryo. Nasugatan man ako nang kaunti ng barbwire, nakalusot pa rin naman ako.

Maingat akong naglakad. Luminga-linga rin ako at tinatanaw ang pinanggalingan ko. Umaasa akong walang makakita sa akin, kung meron man, nagdarasal ako na wag na lang sana nila akong papansinin.

Nadaanan ko ang hindi ko mabilang na matatandang puno ng acacia at balete. Animo'y gabi na sa bandang gitna dahil sa mga sanga at dahon na tumatakip sa maliwanag na langit. Niyakap ko ang sarili ko sa pangingilabot, hindi lang dahil sa nakakatakot ang mga matatandang puno, kundi dahil sa marahang paglamig ng kapaligiran.

"Hayun..."  Bulong ko sa sarili ko.  Natanaw ko na kasi ang hawan na bahagi ng lupain kung saan nanumbalik ang liwanag sa paligid ko. Matiyaga kong sinuyod ang tigang na lupa, kung saan ko nakita ang nagkalat na tipak ng mga bloke na tila nagmula sa isang konkretong bahay.  "Ito na nga siguro..."Muling bulong ko.  Patungkol sa posibleng dating kinatatayuan ng bahay ng mga de la fuente.

Patuloy akong naglakad. Hinahanap ko ang posibleng lukasyon ng sahig na pintong may kandado. Ngunit nahilo lang ako sa kaiikot, dahil puro mga bato at adobe--malalaki at maliliit, at solidong lupa lang ang nakita ko.

"Awww!" Malas. May natapakan akong bato. Hindi man ako natumba, nasaktan naman ang bukong-bukong ko.  Hindi man ito malala, napag-isipan ko munang maupo sa malaking tipak ng bato na naroroon. "Hay naku...nasa tamang lugar ba ako?"  Bulong ko sa sarili ko matapos kong makaupo. Kinuha ko rin agad ang diary ni Juanita at muli itong binasa upang maibsan ang pagkainip.

*...Muli kaming nagkita ni Carlos sa dati naming tagpuan, may ipagtatapat daw siya sa akin na hindi ko maaaring sabihin kaninuman at sana raw ay mangako ako na kapag aking nalama'y hinding-hindi ko siya iiwan. Nangako ako, kahit hindi ako sigurado, ang nais ko lamang talaga'y ang malaman ang totoo niyang...*

"Ano kayang kasunod nito?" Sabi ko sa sarili ko habang nang-iisip, "nais lamang niyang nalaman ang totoo niyang...hmmm...ano kaya? Di kaya...nais lamang niyang malaman ang totoo niyang...pagkatao? Hmmmm...hindi raw maaaring sabihin kanino man? At wag naman na dahil daw doo'y iiwanan siya ni Juanita, Aha! Hindi kaya...bading siya?" Sumimangot ako sa sarili kong naisip, "Bading? kung bading siya bakit niya ako pinatulan? At saka...may bading bang gano'n? Kung makalamas ng little twin stars ko parang nagmamasa ng pandesal?  O kung makakangkong sa kerokeropi ko parang wala nang bukas? Hmp. Ewan."

Muli akong nag-isip nang malalim, na tila isang taong bumubuo ng jigsaw puzzle.

"Kung hindi pwedeng ipagsabi, eh di ibig sabihin, sikreto lang 'yun. Kung sikreto 'yun at hindi naman siya bading, hindi kaya naman..." Halos magbuhol na ang mga kilay ko, "Kriminal siya? Hmp. Wala naman sa hitsura niya ang kriminal. At saka, ano naman kayang krimen ang gagawin ng isang anak ng haciendero? hmmm." Mahigit sampung segundo rin bago namilog ang mga mata ko sa susunod kong naisip.  "Hindi kaya...reypist siya? Omg!" Napatalon ako sa pagtayo. "Omg! Omg! Baka reypi--" Gamuntik na akong bumuwal.  Gumalaw kasi ang kinatatayuan ko. Lumangitngit ito na tila may kahoy sa ilalim ng lupa at tipak ng mga bato.

Marahan akong yumuko, ngunit gumalaw na naman ito. Ihahakbang ko na sana ang isa kong paa nang biglang lumubog nang bahagya ang kinatatayuan ko.

Copyright ⓒ 2017, Lee Vogue & DyslexicParanoia, All rights reserved.

Nag-animong istatwa ako sa kinatatayuan ko, dahil sa takot na baka isang malalim na balon na may takip pala ang mismong kinalalagyan ko.

"Shet..." Mangiyak-ngiyak ako. "Paano ba 'to?"  Nanginginig na ang mga binti ko sa sobrang tensiyon kaya natatakot man, nilakasan ko na ang loob kong humakbang na naging dahilan naman ng tuluyang pagkabuwal ng aking tinutungtungan. Napasigaw ako nang malakas. Kasama ng ilang mga bato at lupa, nalaglag ako pailalim.

***

Gumapang ako matapos kong matanggal ang mga lupa at maliliit na batong tumabon sa akin.  Napatingin ako sa napakalaking bato na inupuan ko kanina sa itaas. Nag sign of the cross ako sa pasasalamat na hindi naman ako nadaganan noon.  Mabuti na lang din at hindi naman ganun kalalim ang binagsakan ko. Ang estimate ko nga, wala pa naman itong labinlimang talampakan.

Sinuyod ko nang tingin ang paligid habang itinatayo ko ang sarili ko. Tumingin din ako sa itaas para tingnan ang laki ng butas na nasuotan ko. Habang ibinababa ko ang tingin ko, agad kong napansin ang isang hagdanan na yari sa kongreto. Saka ko lang napagtantong 'yun na siguro ang silong na tinutukoy ni Don Carlos.

***

"Nakita mo na ang silong?" Namilog ang mga mata ng seksing multo pagkatapos naming magkangkungan nang pagkasarap-sarap on the floor.

Hinihingal pa ako sa tindi ng aksyon namin kaya medyo umuubo-ubo muna ako bago ako nakapagsalita. Lecheng multo, dinala na naman ako sa Noon. Nahirapan tuloy akong bumalik sa Earth.

"Oo kaso, tingnan mo, andami kong gasgas!" Ipinakita ko sa kanya ang mababaw kong sugat sa braso at binti. "Papasukin ko sana 'yung isang madilim na eskinita, ang kaso, na-lowbatt ang phone ko at wala naman akong dalang flashlight. Saan ba papunta ang eskinitang 'yun?"

"Pagpasok mo sa eskinita, baba ka ulit ng kongkretong hagdanang may limang baitang, pagbaba mo sa huling baitang, may isa pa uling eskinita papunta sa isang malaking silid na puno ng mga kagamitan ko. May malaking kama ako roon na yari sa kahoy. Sa ilalim ng kama, naroon ang pinto sa sahig na may kandado. Sa ibaba ba pinto, mayroon uling hagdanan na may pitong baitang patungo sa silong."

"Ano ba ang nasa silong na 'yun? Naroon kaya ang katawan mo?"

Biglang nalungkot ang kanyang mukha. "Doon ako ikinukulong dati ng mga magulang ko simula nang magbinata ako." Umiwas ito ng tingin sa akin, "Hindi ko alam kung naroon ang katawan ko."

"Ikinulong ka ng parents mo?"

Tumingin ito sa akin. Nalulungkot pa rin, "Oo."

"Pero bakit?"

"Para hindi ako makita ng mga babae."

Nagsalubong ang mga kilay ko, "Ha? Bakit naman?"

Umiwas ito ng tingin, "Hindi ko alam kung kaya mo pa akong tanggapin kapag nalaman mo ang totoo. Baka matakot ka."

"Bakit?" Napapatawa ako, "Mas malala pa ba ito sa pagiging multo mo ngayon?"

Matagal pero sumagot din naman ito, "Oo.  Mas malala pa sa pagiging multo."

[ITUTULOY]

Lee Vogue's Ang Reypist Kong Poltergeist [R-18]Where stories live. Discover now