Chapter One

4 0 0
                                        

Athena Brielle Valeria POV

Ang bigat.

Sobrang bigat.

Ba't ganun, ganito ba talaga pag mataba. Ang hirap maglakad.

Ang hirap maglakad ng hindi ka pinagpapawisan. Gosh. Nakakahiya.

Pinagtitinginan na ako ngayon ng mga estudyante. Akalain mo kasi para ng binaha ang mukha ko. Literal Na binaha ng pawis.

Grabe!

Sabagay sino ba naman ang hindi titingin kung ang babaeng may timbang na 83 kilos, dumating na akala mo limang kilometro ang nilakad. Na sa totoo lang eh limang bahay lang naman ang pagitan sa bahay namin.

Tsk.

Tsk.

Tsk.

Buhay mataba nga naman oh.

"Taba!"

"Baboy!"

Ano ba?!
Nakakasira ng umaga ha.

Ano ba kasi problema ng mga tao sa mataba eh parehas lang naman na may feelings ah. Di ba nila alam na nasasaktan din yung tao. Baka akala nila na kesyo mabilbil eh hindi na tinatablan? Eh kung tuktukan ko kaya sila jan.

Hay naku!
Bahala nga kayo jan!

"Bes", Liza called me. Patakbo syang lumapit sa akin.

Liza Bonifacio. My best friend since elementary. Hindi ko nga akalain na magiging best friend ko tong si Liza eh.
Siya lang naman kasi ang bukod tanging pumansin at nagtiyagang maging kaibigan ko.

Hindi ko alam kung anong nakita niya sa akin. Pwera nalang sa bilbil ko.

"May good news ako sayo", Sabi niya.

"Ano", walang pake kung sagot sa kanya.

"Me and JP", at pinagdikit nya yung dalawang hintuturo niya.

"We are together na! Yes!", Nakakabinging tili nya.

Pang ilan nya na ba yang boyfriend. If I'm not mistaken, pang walo niya na Yan.

Samantalang ako?

Eto.

Going strong pa rin kami ng bilbil ko.

Pero okay lang.

Papayat din ako.

"I'm happy for you, Liza." Sabi ko sa kanya.

"Yun lang ang sasabihin mo bes?", exaggerated na sabi niya.

Ano ba dapat ang magiging reaksyon ko?

Iiyak?

Tatawa?

Lulundag?

Hindi pwede 'yung pangatlo baka pagtawanan pa ako.

Hmm..

Alam ko na!

"Congrats!", with matching hug sa kanya.

"Sige, okey na rin yan Bes."

Sighed.

"Oh, Hali ka na baka-malate pa tayo.", sabi ko sabay hila sa kanya.

On our way to our room, may nakita akong mga estudyanteng nagkukumpulan.

Away yata.

Pero dahil curious akong tao, pinauna ko na si Liza sa room.

Agad akong tumakbo papunta dun.

And there, I saw someone lying on the ground. Breathing heavily.

'Yung ulo niya ay nakasubsub sa semento.

Ewan ko ba. Ba't parang wala lang sa kanila.

Hindi ko kayang manood lang, tumakbo agad ako sa taong yun.

Tutulungan ko na sana siya. Nang biglang may sumipa sa akin.

"Ahh!"

Nadaganan ko yung lalaki!

Lalaki?

Lalaki pala 'to.

"Ahhhh!", impit na ungol ang narinig ko sa kanya.

Dali-dali naman akong umalis sa pagkakadagan sa lalaki.

"Okey ka lang?", tanong ko sa kanya.

"Hoy, baboy! Umalis ka jan!"

Grabe kung maka-bully ang taong 'to!

Hindi ko siya pinansin. Hinawakan ko yung kamay niya. Hihilain ko na sana siya nang biglang may humila sa buhok ko.

"Aray!"

"Yan ang napapala sa mga epal na katulad mo!"

Grabe ang lalaking to. Kung makahila akala mo babae na inagawan ng boyfriend!

"Paanong hindi ako eepal eh, apat kayo tapos siya lang mag-isa!" singhal ko pabalik sa kanya.

"Aba't sumasagot ka pa hah!". Sasapakin nya na sana ako nang biglang may kamay na umawat.

To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Taba FallsWhere stories live. Discover now