Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

Chapter 1

26 1 0
                                        

"Zach! gising na! may pasok kapa!"

"Opo ma!"

Ugh gusto ko pang matulog inaantok pa ako hayyys nakakainis. Sana absent si maam ngayon..

Hi! Ako nga pala si Zach. Anak ng isang guro at pulis. Only child ako kaya strikto ang parents ko. Pero hindi ko kontrolado ang buhay ko. Mga magulang ko ang may desisyon sa lahat nang gagawin ko. Palibhasa nagiisang anak ako kaya panay ingat sila. Pero hindi naman yun naaayon sa kagustuhan ko. Wala na akong magawa tungkol dun kaya tiis tiis nalang muna hanggang sa makapagtapos.

Wala nang bago sa araw-araw ko.

Gising. Aral. Uwi. Gising. Aral. Uwi.

Paulit ulit. Kailangan ko nang himala!









Sa paglabas ko sa bahay nakita ko sina Jun na kapitbahay namin. May kinakausap ata sa cellphone parang nanggagalaiti sa galit!
Ewan ko ba parang araw-araw nalang may problema ang taong iyon.

Sa di malayo nandun na pala naka abang ang bangka papunta sa school.

Pinagtataka ko lang bakit ako lang ang pasahero ngayon ni tatang Manuel.

"tang Manuel! bakit wala atang pasahero ngayon?"

Tumingin sya sakin nang seryoso.

Akala ko kung ano nang nagawa ko. Pero bigla syang ngumiti tas pinagtawanan ako!

"Hahaha! Hay nakong bata ka, wala ka talagang pakialam sa mundo kaya hindi mo na alam ang nangyayari sa paligid mo iho."

Napaisip ako sa sinabi nya. Kasalanan ko ba na puro aral ang inaatupag ko? Halos hindi na nga ako lumalabas ng bahay eh.

" Bakit po. Ano po ang nangyari?"

Nagsimulang umandar ang bangka at tumingin sya sa akin nang malalim.

"May aksidenteng nangyari kanina dun sa daungan malapit sa paaralan ninyo. May sumabog daw na bomba sa isang bangka kaninang umaga. Pero nakatakas daw yung nagpasabog."

Nagulantang ako sa sinabi ni Tatang Manuel.

"Ha?!! Ano po?! Totoo po ba yan tang?"

Tinignan nya ako at mahinang sinabi na " oo iho, Kaya wag kang magtitiwala kahit kanino. KAHIT KANINO."

Napatingin nalang ako sa kanya at di ko na sinagot ang sinabi nya.

Sampung minuto na rin ang nakalipas mula nang maka alis kami.

Hindi mapayapa ang isip ko sa sinabi niya sakin kanina.

Habang tinitignan ko yung ilog napansin ko si tatang na parang umiiyak sya.

Pagkatapos ay tumingin sya sakin.

May hinatak syang dahan dahan sa bag nya na nasa ilalim nang upuan.

Pagkatapos ay tinignan nya ako











at bigla siyang ngumiti.

































BOOOOOOOM!!!













BOOOOOOOM!!!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
























At ayon na nga. Sa di inaasahan ay nagbago ang buhay ko.

Us Never ExistedStories to obsess over. Discover now