#3 - Risks & Chances (Part 1)

Start from the beginning
                                        

Then, naging busy ka. Sumali ka kasi sa pageant. Sinuportahan kita kahit di mo alam. Nanunood ako ng practice ninyo. Tumulong ako sa online voting by sharing your picture on Facebook. Naalala ko rin noong last rehearsal ninyo, paalis ka na ng room ninyo tapos nagkataong nasa labas kami. Tinawag mo ako sa palayaw ko na "MK" at first time kong narinig iyon. Natuwa talaga ako. Ang sarap lang pakinggan.

ICT Night. Nasa room 202 kami ng mga kaklase kong babae. Lalabas sana ako para pumunta ng CR kaso pagbukas ko ng pinto sakto namang padaan ka sa hallway. Nakita mo ako. Naisara ko naman agad 'yung pinto sa sobrang gulat ko. Kinabahan ako eh. Nakatakip kasi 'yung ulo ko dahil may mga curler na nakalagay sa buhok ko. Natawa na lang din ako.

Lumipas ang gabi na iyon nang walang nangyari. Nawala ako sa mood. Buti pa 'yung mga tropa mo kinausap ako. Nagpa-picture din sila sa akin. Akala ko kakausapin mo na ko noon. I was hoping. But it didn't happen. Hindi ko na rin na-enjoy ang party.

After that, naging close kami ni Kin. Siya 'yung palagi kong nakakausap. Binibigyan niya ako ng advice. Slowly, naging okay na rin ako. Hindi na ako naiilang sa'yo. Nagbabatian na tayo ulit. Umamin ako sa'yo. I told you about my feelings. At ang sabi mo, "mas ok siguro kung magkaibigan na lang tayo". Nalaman ko rin na may iba kang gusto. I realized that it's time to move on.

Lumipas ang ilang araw. Hanggang sa kinausap mo ako. Sinabi mo sa akin na may feelings ka na rin sa akin. You were asking for a chance. Noong una parang gusto ko. But I said, "huwag na lang." I was confused. Parang ang untimely naman yata. Bakit biglang may feelings ka na? Di ba may gusto kang iba? Dahil lang ba sa pang-aasar ng mga tropa mo? Hindi kasi ako makapaniwala. Naguguluhan ako.

After that incident, hindi na naman tayo nagpapansinan. Sa tuwing may okasyon at nagkakasama ang mga kaibigan ko at tropa mo, joined forces sila sa pangtutukso sa ating dalawa. Lalo tuloy akong naiilang sa'yo. Napansin nila iyon kaya noong birthday ni Mico, sinet-up nila tayo. Kaya ayun. Nakapag-usap tayo ng masinsinan. Sinabi mong totoo ang feelings mo para sa akin. Pero ang sabi ko, wala na akong feelings para sa'yo. I guess I have moved on already. Tapos nagkasundo tayo. We will give each other time and space to think.

Akala ko okay na ang lahat. But you were asking for another chance again. Hindi agad ako sumagot, right? I was considering a lot of things. Masaya naman ako kapag nakakasama kita. But I've had a change of heart.

Huwag mo sanang isipin na ginagantihan kita kasi hindi. Ayoko lang na masaktan ka. Ayokong maulit ang nangyari noon na hindi tayo nagpapansinan. But you took it seriously. Mas pinili mong hindi ako kausapin at pansinin. Hinayaan na lang kita. I deactivated my Facebook. Umiwas ako sa'yo pati na rin sa mga tropa mo na naging kaibigan ko na rin.

So, to make it short... Hindi naging tayo. Minahal natin ang isa't isa sa magkaibang pagkakataon. Bakit hindi tayo nagtagpo? Siguro hindi tayo ang para sa isa't isa o kaya hindi pa iyon ang tamang panahon para sa ating dalawa.

I believe that everything happens for a reason. Hindi man natin maintindihan kung bakit naging gano'n, ang mahalaga ay may natututunan tayo sa bawat pangyayari.

Hanggang dito na lang. I just wish you all the best.

Sincerely,
Mary Kaye

***

Napapangiti ako habang binabasa ang sulat na ginawa ko para kay MJ. Matagal na rin ang lumipas ng isulat ko ito at hanggang ngayon nasa akin pa rin. Hindi ko na naibigay sa kanya.

Ilang beses siyang humingi sa akin ng chance pero ang sagot ko ay palaging "no". Pinaniwala ko kasi ang sarili ko na kaya lang siya nagkagusto sa akin ay dahil nalaman niyang nagkagusto ako sa kanya at nakonsensya lang siya sa mga ginawa niya sa akin noon. Pinaniwala ko ang sarili ko na wala na 'kong nararamdaman para sa kanya, na talagang nakapag-move on na 'ko.

But I was wrong. Pinatunayan niya na mahal niya 'ko kahit ilang beses ko siyang ni-reject Ilang beses din kaming nag-iwasan. I also realized that I never stopped loving him. I was just scared. Takot akong masaktan. Takot din akong makasakit.

That's my mistake. I should have taken the risk a long time ago. Love is about taking chances, taking risks. Hindi dapat ako natakot. Natural lang ang masaktan dahil kung hindi ka nasasaktan, hindi ka rin nagmamahal. Siguro tama na 'yung dalawang taon na sinayang ko. Malapit na rin ang graduation namin.

Ibibigay ko na 'yung sulat na ginawa ko para sa kanya noon at sasagutin ko na rin itong sulat niya para sa akin.

***

March 20, 2017

Dear MK,

Happy Birthday to you! Sana nagustuhan mo ang regalo ko para sa'yo. Gusto ko lang din na magpasalamat dahil pinapasaya mo ako. Hayaan mo lang sana na gawin ko ang lahat ng ito para sa'yo. Kahit ilang beses mo pa akong tanggihan, okay lang. Basta huwag mo na ulit akong iiwasan ha. Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako magsasawa sa'yo. Ikaw kasi ang kaligayahan ko.

Hindi ko man masabi sa'yo palagi dahil may pagka torpe nga ako at hindi ako magaling sa mga salita, pero sana maramdaman mo na mahal kita.

I really love you Mary Kaye.

PS. Maghihintay ako!

Nagmamahal,
MJ

---

Read the continuation (part 2) on the next story.

Date Posted: October 28, 2017

Spark and its After EffectWhere stories live. Discover now