#3 - Risks & Chances (Part 1)

44 3 0
                                        

Risks & Chances (Part 1)
A Scary thing called Love


---

November 10, 2015

Dear MJ,

I'm not fond of writing love letters. Pero may nagsabi sa akin na sa pamamagitan ng sulat, mas nasasabi mo sa isang tao ang buong saloobin mo.

Ngayong araw na ito, binuksan ko ang Facebook account ko pagkatapos ng ilang buwan na pagkaka-deactivate nito. Nakita ko ang ilang pictures natin na bilang lang sa kamay. Those pictures made me smile. Nagbalik sa akin 'yung mga nangyari noon. Let me tell you how it all began. Let me recall what happened to "us".

I met you during our first day of classes last year, sa room 401. It was June 15, 2014. The subject was Physics. Noong una, tahimik ka lang. Wala ka ganong kinakausap bukod doon sa tatlong lalaki na irregular student din gaya mo, na later on nalaman kong mga tropa mo pala.

Hindi tayo madalas magkita dahil irregular student ka nga at tanging Physics lang ang subject na magkaklase tayo. Gayunpaman, sa tuwing magkakasalubong tayo, binabati natin ang isa't isa sa pamamagitan ng ngiti. Walang salita, ngiti lang talaga.

Then, I was assigned to conduct a review session every before examination. Ako ang naging tutor ng section natin sa Physics. At doon nagsimula 'yung "getting to know each other" stage natin. We were enjoying each others company. Mabait ka, maloko at may pagka-kengkoy. Napapatawa mo ako.

December 18, 2014. It was our Christmas party. Nainis ako sa'yo no'n dahil uminom ka. Ginabi pa kayo ng uwi. Inaamin ko na naging OA ako noon, pero masisisi mo ba ako? Nag-alala lang naman ako sa'yo. Sa sobrang inis ko, sinabi ko sa'yo na hindi muna kita iti-text. Kinabukasan naman para akong ewan. Iniisip ko kung bakit ko nasabi iyon sa'yo. Bakit gano'n ang naging reaction ko? Samantalang ikaw, hindi ka nag-reply. Hindi ka man lang nagtanong kung bakit. Naisip ko na wala kang pakialam. Ano naman sa'yo kung hindi ako mag-text di ba? Hindi mo kawalan. Dumaan ang ilang araw ng pagmumuni-muni ko at doon ko na-realize na mukhang may feelings na ako para sa'yo.

December 25, 2014. Ikaw lang ang kaisa-isang binati ko ng "Merry Christmas" ng lagpas alas dose dahil 'yung iba ay nabati ko na in advance. Hindi ka pa rin nag-reply. Sabi ko sa sarili ko, okay lang. Natulog na ko ng 2am tapos naalimpungatan ako ng 5am. I checked my phone. Nabasa ko ang reply mo at ang nakalagay, "hu u?" Halos maiyak ako that time. Hindi ko ma-explain yung naramdaman ko. Sa isip-isip ko, nagbibiro ka ba? Hindi na lang ulit ako nag-text. Pinilit ko na lang alisin sa isipan ko iyon.

January 1, 2015. I texted you again. Binati kita ng "Happy New Year" at ganun ulit ang nangyari. Iniisip ko kung ikaw ba yung nagti-text sa akin o hindi. Pero alam ko ang format ng text mo. Siguro binura mo na ang number ko sa contacts mo. Dahil doon sa reply mo, nagalit ako sa'yo. Hindi mo naman kailangang gawin sa akin iyon eh. Kung galit ka sa akin sana diniretso mo na lang ako. Nasaktan ako. Umiyak ako. Lumipas ang mga araw na hindi tayo nagpapansinan sa school. Medyo matagal.

February 6, 2015. It was your 20th birthday. Mas matanda ka pala sa akin ng dalawang taon. Kahit kinakabahan ako, binati pa rin kita. I texted you, "Happy Birthday!" Pagkatapos ng klase namin nang araw na iyon, nakita ko na nag-reply ka. Pero hindi ko agad binasa. You know why? Kasi takot akong makakita ng blank message o makabasa ng "hu u". Pinipilit nga ako ng tatlong kaibigan ko na buksan ko na pero ayoko pa talaga. Hanggang sa inagaw sa akin ni Jamie 'yung phone ko. Napatili ako. Naghabulan kaming dalawa. Noong pauwi na kami, binuksan ko na at nakita kong "salamat" ang nakalagay. Napangiti ako. 'Yung mga kaibigan ko naman ay nagtawanan. Nagbigay pa ng side comments. Though after niyon, hindi pa rin tayo okay. Nagpapansinan lang pero nandoon pa rin yung awkwardness.

Spark and its After EffectWhere stories live. Discover now