Chapter 27

2.5K 98 12
                                    


Glaiza's POV

Nagising ako na mabigat ang ulo ko.. Bakit? Hay.. Oo nga pala naglasing ako kagabi.. Tumingin ako sa orasan.. 9am na.. Hay late na ako sa office.. Si jade kaya?

Babangon na sana ako pero nakita ko yung note sa side table

Love,

Inumin mo yung medicine and may na prepare na akong breakfast mo.. sorry hindi na kita ginising.. Alam ko may hangover ka.. Si sam nakay tita sandra muna.. Alam mo naman yun di ba.. Be back after 5 days.. Singapore, remember? Nabilin ko na lahat ng needs mo kay yaya.. Mahal na mahal kita love.. Ingat ka lagi ha.. Kung ano man yung dahilan mo bakit ka naglasing always remember to follow whats in your heart..

                                                             Jade

Shocks.. Oo nga pala may conference nga pala si jade sa singapore ng 5 days.. Hays.. Tapos lasing pa ako kagabi.. Glaiza naman talaga.. Tapos si sam hiniram muna ni tita sandra..

Glaiza umayos ka nga.. Pero bakit parang may meaning yung sulat na iniwan ni jade.. Sinabi ba ni chynna sa kanya? Hay..

Ininom ko na yung gamot then nakita ko nakaayos na din yung damit ko for office.. Kahit kelan talaga ang sweet ng asawa ko.. Naguguilty ako sa ginagawa kong pag isip kay sanya..

Naligo na ako at nagbihis..bumaba na ako para mag breakfast..

Nandoon si bianca.. Tahimik naman nito..

Good morning.. Sabi ko

Morning.. Sagot niya at pumasok na sa kusina..

Umupo na ako para kumain.. Lumabas si yaya..

Gising ka na pala iha..

Good morning ya.. Bati ko sa kanya

Naglasing ka? Tanong niya

Wala ya.. May konting iniisip lang..

Nag away ba kayo ni jade?

Hah? Hindi po ya..

Eh bakit maga mata nun kanina? Seryosong tanong ni yaya..

Hah? Maga? Hindi ko po alam ya.. Hindi po ba nagsabi?

Ikaw daw tanungin ko.. Sabi niya

Ako? Naguguluhan ako ha..

Tapos biglang labas si bianca

Sino si sanya? Tanong niya

Gulat na gulat ako..

Hah?! Ah..

Nak siya ba ang dahilan kaya umiyak si jade? Tanong ni yaya

Glai alam ko bestfriend lang ako ni jade pero sana wag mo naman siyang saktan.. Kung mahal mo pa yung ex mo sabihin mo kay jade. Maghiwalay kayo ng maayos.. Huwag ganito glai.. Sabi niya at umalis na

Nakwento ba lahat ni chynna? Hay..

Nak sana huwag mong saktan si jade.. Huwag mo naman buksan ulit yung mga sugat niya na kagagawan ng tatay niya na mahal na mahal niya..Tapos ngayon ikaw naman.. May lungkot sa boses ni yaya

Ya sorry po..

Nak huwag sa akin dapat kay jade.. Maawa ka sa asawa mo nak.. Sabay talikod na ni yaya

Ano ba to... Napaka walang kwenta ko talaga nasaktan ko na si jade.. Naman glaiza...

Pumasok na ako sa office..namiss ko si jade.. Pero pumapasok talaga sa isip ko si sanya..

After lunch dumating si chynna..

Chyns anong sinabi mo kay jade? Tanong ko

Anong sinabi? Tanong niya

Tungkol kay sanya?

Glai hindi ako.. Ikaw...

Hah?! Ako wala akong sinasabi sa kanya..

Meron... Habang tulog ka.. Ilang gabi mo na daw binabanggit pangalan ni sanya..

Nanlaki mata ko..

Ano?!

Oo tsong.. Kagabi iyak siya ng iyak habang sinasabi niya sa akin.. Naawa ako kay jade tsong..

Naiinis ako sa sarili ko..

Biglang bukas ng pinto ko si angelica steph at kat...

Ikaw anong ginawa mo kay jade ha?! Pasigaw na tanong sa akin ni kat

Hindi ako makasagot..

Tumawag sa akin.. Umiiyak.. Tinatanong yung sanya.. Talaga lang glai.. Si sanya talaga! Sigaw ni kat

Nako talaga glaiza! Sabi naman ni steph

Teka lang..  Sabi ko

Alam mo glaiza siraulo ka talaga... Sinasaktan mo asawa mo.. Tapos dahil dun sa sanya na yun.. Napaka walang kwenta..

Si chynna tahimik lang..

Ano tatahimik ka lang.. Sigaw ulit ni gel

Sorry.. Pero hindi naman kame nagkakausap ni sanya.. Nakita ko lang siya.. Eh hindi ko naman alam na nababanggit ko siya habang tulog ako..

Yun na nga eh.. Habang katabi mo asawa mo ibang babae binabanggit mo.. Ex mo pa talaga.. Sabi ni steph

Susundan ko si jade sa singapore.. Sabi ko

Wala siya sa singapore.. Sabi ni kat

Hah?! Nasaan siya?

Hindi namin sasabihin.. Hayaan mo muna siyang mag isip glai.. Sabi ni gel

At ikaw isipin mo ng mabuti sino ba talaga.. Si jade or si sanya na yan.. Sabi naman ni steph

Hindi ako makasagot.. Ayaw kong magkamali.. Pero si jade.. Sinasaktan ko asawa ko.. Nasaan ba siya?

Nakaupo na sila sa couch..seryosong nakatingin sa akin.. Maya-maya bumukas ang pinto si sam.. Miss ko na din itong bulilit namin..

Hi baby.. Bati ko sa kanya sabay buhat sa kanya sa lap ko

Pero bumaba at lumapit sa mga ninangs niya.. Nag kiss siya sa kanila at pinakita ang bagong puzzle niya.. Sabi ni tita umiiyak daw at hinahanap na kame.. Kaya dinala niya na dito sa akin.. Nagpaalam na din siya agad..

Nakatingin lang ako sa anak namin.. Parang tinitignan ko lang din si jade small version nga lang..

Pag uwi namin sa bahay sumalubong sa amin si bianca at kinuha niya lang si sam pero hindi siya umiimik sa akin..

Biancs alam mo ba nasaan si jade?

Yes.. Pero hindi ko sasabihin sayo.. Hayaan mo na muna siya.. Hindi ka pa naman sigurado kung sino sa kanila di ba.. Tapos tumalikod na deretso sila ng dinning room ni sam..

Si sam hinahanap si mama niya nung sinabi ko na wala kasi may important business travel ang mama niya umiyak ng umiyak na.. Nakayakap lang siya sa akin.. Ayaw magpababa.. Kaya sa kwarto na siya matutulog kasama ko..

Mama, mom? Tanong ng bulilit ko habang nakahiga na kame

Shes not here babe.. Mama needs to attend a seminar for work babe.. You understand mama naman di ba?

Tumango siya.. But i mish mama so much.. Yumakap sa akin..

For sure she misses you too so much

Also you.. Sabi ni sam

Maya maya nakatulog na din si sam.. Ako eto iniisip kung saan ba pumunta ang asawa ko..

A cup of coffee Where stories live. Discover now