Chapter 1

8.3K 134 5
                                    


Nasaan na ang pinapabili ko sayo ha?! Sigaw ng tatay ni jade sa kanya.. Lasing na naman ito at humihingi naman kay jade ng gin..

Tay lasing na po kayo oh.. Baka pwde po bukas naman? Mahinang sagot nito na bakas din ang takot at baka pagbuhatan na naman siya ng kamay nito

Bakit mo ako pinipigilan ha?! Anak lang kita! Anong pinagmamalaki mo ha?! Yang trabaho mo na barya lang naman ang kita mo! Kung doon ka sa club tiba tiba ka.. Sayang yang katawan mo.. Puro ka arte.. Dinuduro duru siya g tatay niya

Bumili ka dun ng gin! Bilis! Sabay pasok nito sa may kusina nila

Wala naman na din magagawa si jade kaya lumabas na ito ng bahay at pumunta sa tindahan at bumili ng gin..

Si aling myrna ang may-ari ng tindahan..

Nay myrna pwede po ba pakuha muna ako ng gin?

Nako jade gin na naman ang aga aga yang tatay mo talaga.. Eh ang sweldo mo para na lang yan sa luho ng tatay mo ah..

Hayaan niyo na po nay myrna..

Nako jade kung ako sayo umalis ka na lang dyan.. Iwan mo na yang tatay mo.. Baka ano pa magawa niyan sayo eh..

Nay hindi ko naman po pwede iwan ang tatay, kahit po ganyan siya tatay ko po pa rin siya.. Dalawa na lang po kame..

Eh yun na nga eh, ikaw lagi mo siyang iniintindi eh siya naman walang pakialam sayo.. Nako jade ha basta kung saktan ka ng tatay mo alam mo naman na pwede kang tumakbo dito sa akin.. Eh kung papayag ka eh dito ka na lang sa akin eh..

Salamat po nay.. Sige po mauna na ako at baka nagwawala na po si tatay dun..

Sige.. Basta ha.. Yung mga sinabi ko sayo wag mo kalimutan..

Opo nay.. Salamat

Bumalik na siya agad sa bahay nila.. Nandun ang tatay niya sa may labas ng pinto hinihintay siya..

Ayan.. Mabuti naman at bumili ka.. Sige na magluto ka na dyan at nagugutom na ako..

Sinunod niya na lang din ang tatay niya..

Hirap na hirap man si jade sa sitwasyon niya sa bahay hindi niya pa din kayang iwan ang ama dahil sa mahal niya ito at lagi niyang iniisip ang bilin ng nasirang ina na mahalin niya ang tatay niya kahit madami itong pagkukulang sa kanila

Halos lahat ng kakilala ni jade lagi siyang pinapayuhan na umalis na sa bahay at iwan na lang ang tatay niya.. Kahit papaano maswerte si jade dahil mababait ang mga kapitbahay nila.. Minsan napagbuhatan siya ng kamay ng ama sinaklolohan siya ng mga kapitbahay nila.. Yung si mang emong ang pumigil sa tatay niya na susuntukin na sana siya.. Lasing na lasing ang tatay niya nun.. Inisip na lang ni jade hindi alam ng tatay niya ang ginagawa nito..

Si bianca bestfriend ni jade lagi siyang kinukumbinsi na sumama na lang sa kanya at magtrabaho na din sa kung saan siya namamasukan kaso dahil malayo eh hinihindian niya ito..

Bes sige na.. Alam mo ok dun sa pinapasukan ko.. Maayos ang pasweldo tapos lahat ng benefits meron.. Tapos yung boss namin minsanan lang kung umuwi kaya hindi kame na prepressure sa trabaho..

Bes kahit gusto ko pa eh alam mo naman si tatay mag isa sa bahay sino mag aasekaso sa kanya?

Nako naman bes.. Yang tatay mo dapat dyan pinapasok na sa kulungan yan eh.. Lagi ka lang naman niyan sinasaktan tapos laging lasing.. Nako bes ako natatakot para sayo eh..

A cup of coffee Where stories live. Discover now